Siya lang ba o nag-iba ang mood ng kanyang boss? Ni hindi na ito nagsalita ng matapos silang kumain. He just had his furrowed brows and had his 'I don't fucking care' aura.
Medyo nailang tuloy siya at gustung gusto na niya umuwi. Nalaman niyang pinalabhan nito ang dress niya at iyon ang kasalukuyan nilang hinihintay.
Nagpasalamat siyang matapos ang ilang minutong paghihintay ay dumating na ang kanyang damit. Kahit inalok siya ng binata ay hindi na siya nagshower doon. It's definitely not right. Bahay pa rin ito ng isang lalaki, kahit ito pa man ang kanyang boss at kahit na nga ba alam niyang kahit kailan ay hindi siya pag-iinteresan nito.
Ng matapos magbihis ay nakita niyang bihis na din ang lalaki.
"Ihahatid na kita.".
Her heart jumped and immediately refused the offer. "No sir. Kaya ko na po mag-isa.", iling pa niya.
"You don't have a choice, Ms. Perez, my mom called and she'll know if I'll not take you home.".
"Okay.", sagot na lang niya. Sobra talaga siyang nahihiya. Kita niya kasing napipilitan lang ang lalaki.
She shut her mouth. Trying her best not to turn him down more.
Isang tango lang ang itinugon nito ng magpaalam siya ng bumaba siya mula sa kotse ng hinata. He was so silent the whole time they were on the road. Tila nakahinga nga siya ng maluwag ng umalis na ito.
Then Monday came and it was even much worst.
Simula ng pumasok si Yassie at paalalahanan ang boss sa schedule nito para sa maghapon ay ni hindi na niya ito nakitang lumabas ng opisina nito.
Ni hindi nga siya nito tinignan man lang. He was so distant tulad ng mga unang buwan nito sa trabaho.
He went outside for lunch with Elize Sangco, a very beautiful woman and a daughter of a client. Nginitian lang niya ang mga ito at ng makaalis ay sumunod na siyang nag lunch sa pantry.
She was with her friends Sheila, Isabel and Monica. All of them are secretaries in that building. Sila yung sabay sabay natanggap at nagtraining kaya naman naging close sila.
"Nabalitaan niyo na ba?", si Monica ng makaupo na sila sa loob ng pantry. Napatingin silang tatlo sa babae ng may tanong sa mga mukha.
"Lalaki si big boss.", tila kinikilig pa nitong sabi na nagpasamid sa kanya.
"Of course, he is.", aniya na tila hindi makapaniwala matapos uminom ng tubig.
Monica laughed. "Of course we know. Yang boss mo kasi Yassie, simula nang dumating siya dito ngayon lang nagdala ng babae.", Monica giggled. Ito ang pinakamaliit sa kanilang apat. With her 5 ft height at sa edad nitong 28 ay tila bente anyos lang ito. She's so cute. "Although ang daming na broken heart eh thankful na din kami na lalaking lalake pala siya.".
She shooked her head. "Sira ka talaga.". Tumawa lang din ang dalawa pa nilang kasama.
Alam naman niyang nagbibiro lang ito. Sino ang mag iisip na bakla ang boss niya? She smiled.
Ng makabalik siya sa kanyang pwesto ay wala pa din ang kanyang boss.
She sat in her chair and sighed. Alam niyang wala siyang karapatang masaktan ngunit tila may nararamdaman siyang kirot at panlulumo dahil may kasama itong iba. Tama si Monica na ni minsan ay hindi ito lumabas kasama ang isang babae. Kaya ba ngayon lamang niya naramdaman na tila threatened siya kahit na nga ba alam niya sa sariling hindi din naman siya papansinin nito?
"No.", bahagya pa niyang tinampal ang noo at huminga ng malalim. She can't be sad. Wala siyang karapatan. stupid.
She calmed herself and worked.
BINABASA MO ANG
His Secretary (Completed)
General FictionJerome Gabriel Co The big boss Yassie Perez The secretary Yassie has a little crush with his boss. Ngunit maaga pa lang ay itinago na niya iyon at walang balak na ipaalam sa lalaki dahil trabaho ang priority niya. Ngunit dahil sa isang hindi inaasah...
