27

2.7K 68 1
                                    

"Good morning, nay.".

Isang matamis na ngiti ang isinukli kay Yassie ni Aling Doray ng madaanan niya itong nagwawalis kinaumagahan.

Dala niya muli ang kanyang camera. Gayun man ay hindi naman niya maipost ang laman niyon sa personal account niya kahit gaano pa iyong kaganda dahil baka maging lead iyon at mahanap siya ng mga pinagtataguan niya.

"Good morning, iha. Nagugutom ka na ba?".

She laughed. "Naku opo. Medyo gutom na nga ako. Ano pong pagkain natin diyan".

"Nagluto ako ng tinola, mayroon din diyang lasagna, kaso'y walang pasta. ".

Napawow siya ng makita ang sinasabi ng ginang. It was a free-pasta lasagna na minsan niyang niluluto dahil mahilig siya sa mga low carb foods.

"Luto mo, nay?", tanong niya. Napakaganda ng pagkakasalansan nito sa tupperware, nakakatakam.

"Hindi. Yung bagong umuupa sa cottage yung nag dala niyan. Madami daw siyang niluto. Hindi naman niya mauubos kaya nagbigay siya.".

She gulped. Hindi siya mahilig kumain ng mga pag-kaing hindi niya kilala ang nagluto. But the food is really mouth watering kaya nagkibit balikat lamang siya ang kumuha niyon sa isang plato. Hindi naman siguro iyon kaiba tulad ng pagkain sa mga restaurant? Kumbinsi pa niya sa sarili.

At hindi nga siya nagkamali dahil napakasarap niyon.

"Nakakain na po ba kayo?", aniya ng malunok ang una niyang subo ng pagkain. Tumango naman ang ginang kaya magana na niyang ipinagpatuloy ang pagkain.

"May trabaho ka ba ngayon?", tanong ng ginang na tinanguan niya.

"Opo, pupunta ulit ako sa Sohoton ngayon. Sasama po ako sa schedule ng mga turista.".

"Magdala ka ng buri at mainit.".

"Opo . Salamat.".

Ang pagmamahal niya sa pagkuha ng larawan ang kasalukuyan niyang pinagkakakitaan. Nakasentro siya sa Siargao. She submitted her pictures in a publishing house na agad namang naapprove. Sa totoo lang ay hindi na naman niya kailangan magtrabaho, salamat sa pinsang niyang kinulit siya na maginvest sa business kaya naman may dumadating pa rin sa kanyang pera kada buwan. She also has savings from working for many years plus hindi pa din niya nagagalaw ang ilang pera na naiwan sa kanya ng mga magulang sa banko.

After finishing her wonderful breakfast ay nag-ayos na siya para sa lakad niya. She wore a bikini na pinatungan niya ng malambot na short at oversized white t-shirt. Suot din niya ang buri na ibinigay sa kanya ni Aling Doray. Sukbit niya sa leeg ang isang DSLR at nasa kanyang backpack ang favorite niyang mga lenses, kaunting pera, lotion, pamalit na damit kung kinakailangan at cellphone. Ng handa na ang lahat ay naglakad siya sa malapit na resort kung saan sila magkikita kita ng kanyang mga makakasama.

"Hi Miss, are you alone?", she looked up, slightly nodded and smiled. Ngunit tumungo muli siya sa kanyang camera upang iparating sa lalaki na hindi niya kailangan ng company nito. Magalang sana siyang magpapaalam sa lalaki ng inulan siya nito ng mga tanong. Buti na lamang at lumapit sa kanila ang isang babae na nakilala niyang si Mirei na kanilang tour guide sa araw na iyon.

Nakangiti itong lumapit at nag excuse sa lalaki na nanatili sa kanilang harap. "Hi Ms. Yas?".

"Hi.", tumango siya at tinanggap ang pakikipag kamay ng babae. She has a tan skin and has a very lovely latina face. Kung hindi lang niya nakachat ito kagabi ay mapagkakamalan niyang turista ang babae.

"I'm Mirei, I'll be your tour guide for the day. This will be a 3 days 2 nights tour. Are you ready?".

****

The first day of the tour ended succesfully. They visited Cloud 9, Tayangbang Cave Pools and Magpupungko Rock Pools. Marami din siyang nakukuhang magagandang mga larawan. Her boss will surely love the pictures.

Ang sarap palang magtrabaho na kasama ang pagtatravel. Pag nanganak na siya ay isasama niya ang anak sa mga magagandang lugar sa Pilipinas, kung suswertehin at ma extend ang contract niya sa publishing company na kasalukuyang pinapasukan ay gagawin na niyang full time iyon.

Gagamitin ang mga litrato niya sa isang travel magazine. Ngunit ang pangalan ng pinsan ang gamit niya doon.

She was hovering her camera around when it captured a familiar figure not far from where she was.  Her heart jumped dahil kahit nakatalikod ang lalaki ay kilalang kilala niya ang pigurang iyon. Ngunit ng ibinaba niya ang camera ay nalukot ang kanyang mukha ng wala na ito sa kumpol ng mga tao.

Naghahallucinate na ba siya sa pagkamiss sa asawa?

She signed.

Siguro nga.

Hindi pa doon natapos ang paghahallucinate niya dahil kinabukasan ay tila nakita na naman niya ang lalaki, ngunit sa tuwina ay nawawala ito na parang isang bula sa kanyang paningin.

Pagod ang isip at katawan siyang humiga sa duyan sa paborito niyang cabana.

Medyo na stress siya sa kakaisip sa lalaki. Miss na miss na niya ito ngunit ibang level na ata ang pagkamiss niya dahil lagi niya ito nakikita saan man siya pumunta.

Dala ng kanyang pagod ay natulog na lang siya.

Ng magising ay may isang manipis na telang nakabalabal na sa kanya. Alam mo iyong feeling na laging may nakasubaybay sayo? Lately ay nararamdaman niya iyon at nagdudulot iyon ng takot sa kanya.

After sending her pictures that night to her boss ay nagpasya na siyang maligo upang makatulog na. Dahil sa lalim ng kanyang pag-iisip ay hindi niya napansin ang nakaharang na bangkito sa daan. Napadaing na lamang si Yassie ng tumumba siya. Naitukod man niya ang mga kamay sa sahig ay may kalakasan ang impact ng pagkakabagsak niya. Ang lalo niyang ikinabahala ay ang pagkanto ng balakang niya sa lababo doon. She was more terrified when she felt pain in her lower abdomen.

"Nay Doray.", she shouted. "Help. Someone.", muli niyang sigaw at pinilit ang tumayo. Takot na takot siya dahil baka kung ano ang mangyari sa baby niya. "Help! Please.".

Nanghihina siyang naglakad patungong pinto bago narinig ang malalakas na katok doon.

"Yassie. What happened?", that voice. Ilang sandali siyang natigilan at napatitig lamang sa nakasara pa ring pinto. Isang beses pa nitong tinawag ang pangalan niya bago tila na-frustrate na malakas na kinalampag iyon ng walang marinig mula sa kanya. "Damn!". Hindi pa man siya tuluyang nakalapit sa bukana ng pinto ay halos magiba iyon  sa lakas ng impact na ginawa dito.

There she saw her husband in flesh. Ang asawa niya na miss na miss na niya na may pag-aalala sa mukha nito.

Agad lumapit ang lalaki at hinawakan ang mga balikat niya.

"What happened? May masakit ba sayo?", he asked. Doon lang tila niya naalala ang aksidente papuntang banyo.

Then she cried. "Nadulas ako.".

"Nadulas?", tila nagtaka pa ang lalaki sa reaksyon niya dahil sa pagkakadulas niya.

She looked down to her belly that she was currently holding and worriedly looked back to his face. "Our baby. Sumasakit ang puson ko.".

His handsome face was in full shock upon realizing her words. "Shit.", Agad siya nitong binuhat at maingat na dinala sa sasakyan nitong nakaparada malapit doon.




His Secretary (Completed)Where stories live. Discover now