26

2.7K 65 4
                                    


May halos dalawa at kalahating buwan na mula ng iwan ni Yassie ang asawa. Dumaan lang siya sa sarili niyang bahay upang kumuha ng mga damit at ilang personal na gamit bago umalis at nagtago sa isang beach resort sa Siargao.

The beach resort is owned by Maegan's boyfriend. Buti na lamang at nakalayo agad siya dahil nalaman niya mula sa pinsan na hindi iisang beses na lumapit ang kanyang asawa dito at nagmakaawang sabihin kung nasaan siya.

Sa ilang buwang paglayo ay hindi niya maiwasang ma miss ang lalaki. Kahit na sobra siyang nasaktan sa pagtatago nito ng totoo ay hindi niya maitatangging mahal na mahal niya ang asawa. Lalo na ngayong magkakaanak na sila. She smiled.

Yassie knew that she can't hide forever, ngunit mabuti na rin ang kanyang paglayo dahil kahit papaano ay naging payapa ang isip niya.

Muntik na siyang sumuko sa mga unang araw niyang mag-isa. Hindi siya kumakain, hindi bumabangon sa kama at halos nakalimutan na rin niya ang itsura ng araw. But when she was hospitalized after a few days of giving up with her life ay nagkaroon siya ng bagong pag-asa.

She found out that she was 3 weeks pregnant.

Doon niya inalagaan ang sarili at nagsimulang kumain ng tama. Hindi niya kayang pati ang anak niya na hindi pa isinisilang ay magdusa dahil sa galit niya sa sarili niya.

It was Sunday at kakatapos lamang niyang magsimba sa maliit na kapilya sa bayan. Marami na rin siyang naging kaibigan doon at isa na ay si sister Magnolia. She has a jolly personality at isa sa mga naglilingkod sa kapilya. Isa siya sa mga nakapagpakalma ng kanyang puso na noon ay puro galit ang nararamdaman. Her gentle words helped her to forgive everyone who hurt her and to forgive herself.

"Nay, may nakatira sa kabilang cottage?", tanong niya kay Aling Doray na siyang katiwala sa resort. Kasabay niya itong nagsimba at dahil malapit lang sa resort ang bahay nito ay lagi silang nagsasabay pauwi. Kaninang umaga kasi ay napansin niya ang ilang kagamitang nasa labas ng katabing cottage, kasalukuyang bukas din ang ilaw niyon sa loob kaya naman nacurious siya.

"Ay oo iha. Kagwapong bata, nabanggit nga niya saking susunduin daw niya ang asawa niya kanina. Baka magkasama na sila ngayon diyan."

"Ah." she smiled. Naisip niyang mabuti na rin yon para mas dumami ang kita ng resort, kakabili lang kasi ng boyfriend ni Maegan doon at hindi pa ito gaanong na dedevelop. "Sige po nay, papasok na po ko.".

"Sige ineng, magluluto nga pala ako ng sinigang na hipon. Padadalhan kita kay Jenny.".

Malawak siyang ngumiti at tumango. "Thank you, po.".

Bago siya pumasok ng kanyang cottage ay napatingin siya sa katabing pinto, the lights are still on ngunit wala naman siyang naririnig na presenya sa loob niyon. She shrugged.

Ng makapasok sa kanyang cottage ay agad siyang nagpalit ng malambot na summer dress. Kinuha din niya ang kanyang camera at lumabas muli doon. Naglakad siya palapit sa tabing dagat at sinimulang kumuha ng ilang larawan sa paligid. One of her favorite time in the place is the sunset. The beautiful sunset that is currently painting the sky with different colors na talaga namang nakakainlove sa mga mata.

She deeply breath and smiled. Umupo siya sa isang duyan na nakatali sa loob ng isang cabana. Nakaharap ito sa papalubog na araw kaya naman mas narelax siya. Ng magsawa sa pagkuha ng mga litrato ay saglit siyang humiga sa duyan. Ngunit dahil na rin sa katahimikan sa paligid at sa hampas ng mga alon sa dalampasigan ay hindi na rin niya namalayan ng hilahin ng antok ang kanyang mga mata.

She had a dream, a very lovely dream. Napanaginipan niya ang asawa na hinaplos ang pisngi niya. He even said that he misses him and gave her a gentle kiss on her lips.

May sasabihin daw ito ngunit bago nito masabi ang nais ay nagising na siya.

She opened her eyes and looked around. Ngunit maliban sa ilang turista sa hindi kalayuan ay nag-iisa lang siya doon. She signed. Sobrang miss na ba niya ang lalaki kaya kahit sa pag-idlip ay napapanaginipan na niya ito? She touched her lips and smiled. Parang totoo.

Nag-inat siya at bumalik na sa loob ng cottage, madilim na rin ang paligid, buti na lang at malakas ang hangin kaya naman walang lamok doon.

["Kamusta naman ang buntis?".]

She smiled. Ang mukha ni Maegan ang nakikita niya sa skype. Halos sakupin ng buong mukha nito ang screen ng kanyang laptop na ikinatawa niya.

"Bakit parang mas mukha kang buntis kaysa sakin? Parang lumolobo yung pisnge mo, Maegan.".

["Really? Oh my God.], nanlalaki ang mga matang reaksyon ng kanyang pinsan na lalo niyang tinawanan, she even got a mirror and looked at her face. Kahit kailan ay masyado talaga itong conscious sa figure at sa mukha.

"I'm just kidding. Lalo ka ngang gumanda eh.".

It was her cousin's turn to smile. ["Yan ang gusto ko sayo. Ano gusto mong ipadala ko diyan? Bilis at mamimili ako bukas."].

She laughed.

"Wala naman, I'm good here.".

["Really?"]

She nodded.

["Kelan ka ba babalik dito, couz. I miss you so much."]

She sighed. "I don't know. Nagugustuhan ko na dito eh. Baka dito na muna ko."

["Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Akala ko ba okay ka na?"]

"Yes, I am.".

["Gusto mo na bang makausap ang asawa mo?".]

She bit her lower lip and looked away bago siya malalim na huminga at tumango. "Siguro, I don't know. Malalaman ko kapag nakita ko na siya. Pero gusto ko muna i enjoy ang fresh air dito sa Siargao. Medyo polluted na kasi sa Maynila".

["Fine, basta umuwi ka, okay? Dito mo dapat ipanganak ang pamangkin ko. Kung kailangan itali kita at kaladkarin pauwi gagawin ko.".]

"Baliw ka tagala.".

[Well my dearest cousin, worried lang ako sayo. Your happiness is my happiness kaya dapat makipagkita ka na sa happiness mo.", she paused. "Maiba ako, kung makikita mo siya in the very very near future, will you talk to him?   ]

She shrugged. "Siguro. Malalaman.".


His Secretary (Completed)Where stories live. Discover now