28

2.8K 71 5
                                    

Tahimik lang ang kanyang asawa at nakakunot ang noo habang nagdadrive. She took that time to look at him. Sa tingin niya ay medyo namayat ito, ngunit napakagwapo pa rin lalo na sa kanyang paningin. He was wearing a plain black t-shirt and a short, kung pagbabasehan sa ayos nito ay tila patulog na rin ang lalaki. Ng lumingon ito sa kanya ay hindi pa rin niya mabasa ang iniisip nito. She looked away and looked outside the window, hindi niya kinaya ang ilang segundong tingin nito.

She focused herself in praying that her baby is okay.

Ng makarating sa pinakamalapit na hospital ay nagpapasalamat na lamang silang available ang isang resident ER doctor.

Sobra ang kanyang pag-aalala. She only was able to calm down when her OB performed an ultra sound. Buti na lang at malapit lang ang bahay ng OB niya sa hospital kaya agad nila itong natawagan. Though the ER doctor guaranteed that her baby is safe at dala lamang ng stress ang nararamdaman niyang sakit ay pinatawag pa rin nito ang OB niya upang makasigurado.

Ngunit dahil kumikirot pa rin ang kanyang puson ay nagpasya ang kanyang OB at asawa na manatili siya sa hospital upang ma monitor sa gabing iyon.

She was admitted to a private room. Lumabas saglit si Gabriel upang kausapin ang doctor niya. Ngayong nakalma na niya ang isip dahil sa anak ay pinalitan naman iyon ng kaba dahil sa presensya ng tatay nito. Pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso dahil hindi lilipas ang ilang minuto ay alam niyang babalik sa kwartong iyon ang lalaki.

Halos mapatalon pa siya sa gulat ng bumukas ang pinto at pumasok ang nag-iisang taong laman ng isip niya.

She was not sorry that she left, she was sorry that she hurt him. Kinailangan niya iyon upang hindi niya mapagbalingan ang lalaki sa galit niya. Hindi niya gustong mapagsalitaan ito ng masama na alam niyang pagsisisihan niya lang sa huli. Hindi rin niya gustong manatili sa tabi nito dahil alam niyang masasaktan niya lalo ang lalaki. When she left and had her time alone ay doon niya narealize ang mga bagay. Lalo na ng makilala niya si Sister Magnolia na tumulong sa kanyang unawain ang lahat. Walang kasalanan ang asawa maging ang mga magulang nito sa ginawa ni Lanie. At siya ay biktima lamang din ng mga pangyayari.

She learnt to forgive. Hindi man niya kayang kalimutan ang mga nangyari na ay natuto siyang patawarin ang asawa sa pagtatago nito ng totoo. Handa na rin siyang makinig sa kung anuman ang sasabihin nito.

"Are you hungry?*.

Umiling siya sa tanong ng lalaki. Naglakad ito palapit at umupo sa upuan sa tabi ng kanyang kama.

Hinayaan niyang hawakan nito ang kanyang kamay at halkan iyon. She sighed. She truly missed him a lot. Ang mga halik nito, yakap, ang pag-uusap nila bago matulog, ang pagkukulitan nila, ang paglalambingan.

Hindi nagtagal ay nakita niya ang pag alog ng balikat ng lalaki bago nagsumamong tumingin sa kanya.

"Bumalik ka na sakin, please. I can't survive another day without you.".

Parang nadudurog ang puso ni Yassie sa nakikitang pag-iyak ng asawa, he was hurt. Mahal na mahal nga siya nito.

Gamit ang libreng palad ay hinaplos niya ang pisngi nito at bahagyang ngumiti. Alam niyang siya lamang ang makakaalis ng sakit na nararamdaman nito. It's time to give him peace.

"I miss you.", bulong niya na ikinagulat ng lalaki. He looked at her face with questions in his eyes. "Kinailangan kong umalis noon to cool myself. I love you and staying beside you at that point would definitely be a big mistake. Ayokong madamay ka sa galit na nararamdaman ko noon kay Lanie. Ayokong makagawa ako at makapagsalita ako ng mga bagay na pagsisisihan ko sa huli kasi galit ako. I'm sorry if I hurt you in the process, pero mas masasaktan kita at ang sarili ko if I chose to stay. Babalik naman talaga ko, naunahan mo lang ako. Ngayon pa bang magkakababy na tayo?", she smiled.

Tinitigan siya nito saglit bago niya nakita ang kanyang pagngiti.

She found herself inside his arms in a split second. "Thank you.", punung puno ng pagmamahal nitong sinabi.

She deeply breath and smiled. Parang napakagaan bigla ng pakiramdam niya. Ang presensiya lang pala ng pogi niyang asawa ang sagot sa mabigat niyang pakiramdam.

"Ikaw ba yung nasa kabilang cottage?", tanong ni Yassie makalipas ang ilang minutong katahimikan. Pinatabi na niya ito sa hospital bed at kasalukuyang silang magkayakap.

He smiled and nodded.

"Sabi na eh, I am definitely not hallucinating, you were here.".

He chuckled at the astonishment on her face. He looked at her face and kissed her on her forehead.

"How did you know where I was?".

"Bacause of your pictures. ".

"Pictures?", naguguluhan niyang tanong.

Tumango ito at nagpatuloy. "A friend of mine own the publishing company you are attending. I was at his office when I saw the pictures on his desk.".

She pouted. "Wala naman akong pangalan dun ah.".

"Yeah, but you used Maegan's name. Ng makita ko ang pangalan ni Maegan, kinutuban ako. I am so thankful na kinulit ako ng kaibigan kong iyon na pumunta sa opisina niya. I confronted Maegan after that at umamin din siya.".

Lalo siyang ngumuso sa narinig.

"Hindi man lang binanggit ng bruha kong pinsan na buko na pala ko.".

He laughed. "But I am more surprised, baby. She never told me that you are pregnant. I am so happy. Thank you.".

Siya naman ang ngumiti at hinaplos ang kanyang tiyan. "Ako din, I am happy.", then looked at him again. "Totoo bang mahal mo na ko dati pa?".

Ngumisi ang lalaki at tumango. "You were just 15. Ng makita kitang tumakbo palayo sa bahay ninyo, I was already captivated by you, wife.".

"Ang bata ko pa nun ah?".

"I was just nineteen.",kumunot ang noo ng asawa na ikinatawa niya.




His Secretary (Completed)Where stories live. Discover now