5. Yes

4.7K 86 2
                                        

"Are you sure we don't have to buy the ingredients?".

"Yes, sir. Hindi na kailangan. May stocks naman ako. Kakabili ko lang din kahapon.", aniya habang binubuksan ang pinto ng kanyang bahay. Pinipilit kasi siya nitong mamili muna dahil nahihiya ito na paglulutuin na nga siya, gagamitin pa nila ang pinamili niya. "Don't worry, sir.", lingon niya dito ng mabuksan ang pinto at ilaw ng bahay. "Kung hindi ka talaga matahimik, libre mo na lang ako ng lunch minsan.", biro niya bago ito inayang pumasok ng bahay.

"Nice place.", komento nito na kanyang ikinangiti.

Kung may isang bagay siyang maipagmamalaki ay ang bahay niya na iyon na nabili niya mula sa kanyang sariling bulsa.

Simula ng makagraduate siya at magtrabaho ay hindi na niya nabawasan ang iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang. Although she invested part of the money to a boutique na ngayon ay pinangangasiwaan ng kanyang business partner at pinsan na si Megan, ay sa sarili niyang bulsa galing ang lahat ng ipinambili niya ng sariling kagamitan.

"Thank you. upo ka muna diyan. Magbibihis lang ako bago magluto.".

"Don't worry about me. I can manage.", he said.

Pagkasara na pagkasara ni Yassie ng pinto ng kanyang kwarto ay napahawak siya sa tapat ng kanyang puso.

"My God. What have I done?", aniya sa sarili dahil alam niyang tila siya nagbigay dito ng motibo ng paunlakan niya ang hiling nito. "No, siya ang nagrequest. Who am I to refuse when he is my boss?", baliko niyang kumbinsi sa sarili.

Tahimik siyang napairit habang takip ang magkabilang tainga dahil sa tila pinagagalitan siya ng kanyang isip.

"No, I think he's just being friendly and this is our chance to talk about our situation. Right. right.", tango pa niya habang sinisimulan na ang kanyang routine.

Naghilamos siya upang maalis ang makeup at basta na lamang inikot ang kanyang buhok sa tuktok ng kanyang ulo upang hindi makasagabal iyon. She wore her usual attire in her home. A big shirt and a short. Bakit pa siya magpapaganda? Baka mas lalo lang iyon magbigay ng hint dito? Silly

Ng lumabas siya sa kwarto ay nakita niya itong prenteng nakaupo sa kanyang sofa habang nanonood ng balita.

Lumingon ito ng marahil ay naramdaman ang kanyang presensya.

Ilang segundo itong napatitig sa kanya bago siya binigyan ng isang ngiti.

Ngiting nagpaalis ng kaba niya.

"Come on. Let's cook.", anyaya pa nito ng hindi pa siya kumikilos mula sa bukana ng hagdan.

"Alright.".

Pumunta na siya sa kusina kasunod ang binata at kinuha mula sa ref ang mga ingredients na kailangan niya.

Tutal naman ay plano niyang mag afritada kinabukasan ay ngayon na lamang niya iyon lulutuin. Dadamihan na lang niya para may maitatago siya.

"How can I help?", tila excited na tanong ng lalaki.

"Hmm. Ikaw kaya magluto ng kanin natin?".

"Sure.".

Itinaas pa nito sa magkabilang siko ang magkabilang sleeves ng polo at tila natutuwa sa ginagawa.

Ng matapos itong isalang ang sinaing sa rice cooker ay wala na itong ginawa kung hindi ang panoorin siya.

Hindi niya maiwasang mailang dahil doon.

She saw how he followed her every move. Dapat pala ay hinayaan na lang niya ito manood sa TV.

She tried to open a topic, ngunit puro sa trabaho lang naman din ang lumalabas sa bibig niya.

"Let's stop talking about work.", sabi ng lalaki, she looked at him, ngunit di naman niya mabasa ang mukha nito. "Puro trabaho na nga tayo sa office. Hanggang dito ba naman.".

She frowned. "Eh ano naman ang pagkukwentuhan natin bukod sa work? Hindi naman tayo close.", dirediretso niyang sabi na tinawanan ng lalaki.

"That's why I want to know you better.".

Napalingon siya dito dahil sa narinig.

"And why is that? ... sir?", dugtong pa niya.

Ngumiti lang ito.

Tanong ito ng tanong sa kanyang buhay na sinasagot naman niya.

Siguro ay paraan nito iyon para walang awkward silence sa kanila.

Ng matapos magluto ay sabay silang kumain. Sa huli ay naging komportable na siyang kausap ito.

They literally talked about everything under the sun. Sa showbiz, politika, mga hayop, halaman maging sa mga walang kwentang bagay ay tila nakakatuwang pag usapan.

Mahilig din pala itong magluto. Alam niyang masarap siyang magluto ngunit sobrang saya ng kanyang naramdaman ng purihin nito iyon.

"I never remember a day na nagkamali ka sa work.".

"Meron naman, sir." she smiled. "Pero madalas nung wala ka pa.", dugtong niyang may kasamang pagtawa. "Buti nga po di ako nasesante ng papa nyo, sakit kasi ako ng ulo lalo na nung mga unang buwan ko.".

"I doubt that.", anito. "Dad and mom adores you, they fed me on how good and competent you are before giving me this position.".

She blushed. Teka. "Oo nga pala, sir. Nakausap mo na ba sila?".

Tumango ito at humigop ng kape bago muling tumingin sa kaniya. "They still want us to marry.".

"What?".

Tumango ito. "They're hanging my inheritance and will part it to my cousins if we'll not be wed in 3 months.". he shrugged.

"3 months?", panlalaki ng kanyang mga mata dahil sa narinig "They can't do that. You're their only son.".

"Unfortunately, they just did. That was why I was summoned this afternoon by mom. Attorney Lopez was there with all the papers.".

Nanlulumong ibinaba niya ang mug ng umuusok na kape at hindi makapaniwala sa narinig.

"Should I talk to them?".

"Even if you do, that will not change their mind. You definitely know how stubborn they are. They were playing cupid since before. Hindi mo siguro napapansin, but they want you for me. Hindi sila nagtatagumpay because, I don't flirt with my employees.".

Ouch. Bakit tila sumakit ang dibdib niya sa narinig.

"We gave them the chance when they saw us in the same bed. Kahit kitang kita naman nila na disente ang mga damit natin.". dugtong pa nito.

Katahimikan. Sa ilang sandaling iyon ay tila sasabog ang kanyang ulo sa mga narinig. Naaawa siya sa lalaki. Aminado siyang may abono siya sa desisyong iyon ng mga magulang nito. Minsan na kasi siya nahuli ni Mrs. Cynthia Co na tulala sa anak nito. Ng tanungin siya nito kung may gusto siya sa binata ay hindi siya nakasagot agad. Ang traydor niyang mukha, bigla pang namula kaya nabuking siya nito. Ngunit alam niyang dahil doon kaya halos ipagtulakan na sila ng mga ito sa isa't isa. Ang akala nga niya ay tumigil na ang mga magulang ng lalaki dahil halos isang taon na rin siyang hindi kinukulit sa lalaki.

Looking at him, it's like he doesn't care. Being his secretary for 2 years, she already know how rich he is. Before taking over his father's company, he has other businesses around the globe. Ngunit hahayaan ba nitong mawala dito ang kumpanyang pinayaman ng sariling mga magulang?

Then without thinking....

"Should we marry then?", mabilis niyang suhestiyon habang nilalaro ang baso ng kanyang mga daliri na nakatitig doon. Hindi tuloy niya nakita ang tila nabiglang reaksyon ng lalaki. "I don't want you to lose something that is rightfully and legally yours dahil lang sakin. We can stay married for 6 months or a year, then we can split telling them that it did not work na parang walang nangyari." she looked up. Napakaseryoso ng titig nito sa kanyang mukha na tila ba pinag-aaralan ang kanyang mga sinasabi.

His Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon