11 Jealousy

3.2K 76 2
                                    


Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang meeting.

She made sure that everything's ready in the conference room.

Ng nasa pwesto na ang lahat maging ang kanilang investors ay umupo na siya sa kanyang pwesto.

Seeing his husband leading to solve the shipping problem made her proud.

But of course, no one in this room knows that they're married, kaya naman tulad ng nakasanayan ay ginawa lang niya ang kanyang trabaho.

Jerome Gabriel has the authority that anyone would be eager to follow. Tila mo batas ang bawat sabihin nito at pinangingilagan pag galit ito.

Nanatili ang seryoso nitong mukha sa durasyon ng meeting na iyon.

When the meeting was adjourned, that also ended the shipment problem. Tulad ng inaasahan ay na resolusyunan ng big boss ang malaking problemang iyon sa tulong ng may-ari ng shipping company na si Anthony Fauro na kaibigan pala nito.

Napansin niya ang kanina pang pasulyap-sulyap sa kanya ng lalaking iyon. Ng matapos ang meeting at ayusin niya ang mga gamit ng boss ay saglit siyang naiwan sa conference room. Mabilis nakalabas ang kanyang big boss kasunod ng ilang board doon, but Mr. Anthony Fauro stayed while curiously looking at her. Nakakunot ang noong nakatingin ito sa kanya na bahagya lang niya tinanguan ng mapansin ito. Ilang sandali pa ay nakita niya ang rekognisyon sa mukha nito at agad lumapit sa kanya.

"It's you.".

Nagtataka man ay lumingon siya dito. "Yes, Mr. Fauro?".

Gumuhit ang malawak na ngiti nito sa mga labi.

"Remove the formality, you may call me Anthony.", inilahad nito ang kamay na tinanggap niya. "I was one of the guests in your wedding.".

An O formed by her lips and smiled. "Sorry, I didn't recognize you.".

He laughed. "It's fine, knowing how possessive Jerome is. Halos ayaw ka niyang ipakilala sa'ming mga kaibigan niya, na para bang maaagaw ka namin sa kanya.",

Nakangiti man ay tila nasaktan siya sa sinabi nito. You're wrong, ayaw niya akong ipakilala because we're not a real couple. Aniya sa isip.

"So, you're the infamous secretary, huh.", misteryoso nitong sabi na may nakakalokong ngiti sa labi. "That bastard, kaya pala ayaw kaming papuntahin dito.".

Ng kumunot ang kanyang noo ay bahagya muli itong natawa.

"Please, don't get me wrong. Your husband is damn so possessive.".

Naputol ang kanilang pag-uusap ng mag ring ang telepono sa loob ng conference room. At tama ang hinala niya dahil ang big boss ang tumawag doon.

"Sir?"

She heard him cleared his throat before he answered.

["Yassie. Is Anthony there with you?",] sabi ng matigas nitong boses mula sa kabilang linya. She looked at Anthony na may kakaiba pa ring ngiti sa mga labi nito.

"Yes, sir.".

["Tell him to be here, then please order us takeouts for lunch.".] Narinig pa niya ang pagbuntung-hininga nito bago ibaba ang telepono.

"Sir Anthony, big boss.. he wants you to be at his office.", sabi niya sa lalaki na nakatingin pa rin sa kaniya.

"Alright.".

Ng mawala sa kanyang paningin si Anthony Fauro ay saka lamang siya tila nakahinga ng maluwag. His mere presence is exhausting. Para itong asawa niya na nanggaling kung saang magazine. Halatang may iba itong lahi dahil sa kulay bughaw nitong mga mata.

Ano kaya ang oorderin niya. For sure, ay hindi pa tapos ang pag-uusap ng mga ito kaya matatagalan pa ang lunch meeting ng dalawa.

Ng maayos ang mga kailangan mula sa conference room ay bumalik siya sa kanyang pwesto at umorder na ng takeout mula sa pinakamalapit na restaurant.

Two warning knocks bago niya buksan ang pinto ng dumating na ang takeouts. Nakita niyang ang big boss lamang ang nandoon na kanyang ipinagtaka.

"Nandito na po ang takeouts.", inutusan niya ang deliveryman na ipasok iyon bago nagpasalamat ng paalis na ito. "Nasaan si Anthony, sir?".

Nakita niya ang paglalim ng kunot ng noo nito.

"Anthony? Pero sakin sir?".

She gulped. Mukhang badtrip ang boss niya.

"Come here.", sabi pa ng lalaki na hindi nagbabago ang pagkakunot ng noo, kaya naman marahan siyang lumapit dito. She blushed when he encircled his arms around her waist and looked up to her. "Nagtatampo na ko. Kung hindi pa kita uutusan, hindi mo ko tatawagin sa pangalan ko pero si Anthony, first name basis agad?".

Oh my God. This man is killing her heart. Napakabilis ng tibok ng kanyang puso na nakatungo sa lalaki. She blushed upon realizing their position. Nakakulong siya sa mga binti ng lalaki habang mahigpit siya nitong yakap sa kanyang baywang.

She bit her lower lip.

"Sorry. I'm working with you for two years now. Ang hirap sanayin na tawagin kita sa pangalan lang.", she gulped.

"But, try it, alright?"

Tumango siya. "Alright.". then she looked at the foods. "Uhm. Pano na yung mga pagkain. Umalis na pala si Anthony. Sayang, andami ko pa namang inorder.".

"Who said it's for him? These are for us.".

Naguguluhang tumingin siya dito.

"But you said order us takeou....", kusang namatay ang kanyang sasabihin ng may marealize sa sinabi ng lalaki at doon lumitaw ang ngiti sa labi ng nito. He has a beautiful smile. Parang kayang tunawin niyon ang kahit na gaanong kakapal na yelo. This side of him is so brand new. Sanay kasi siya sa seryoso nitong mukha.

"Come. Let's eat.", sabi nito na pinakawalan na siya.

They shared the food she ordered. Ang awkward para sa kanya dahil nasa opisina sila. Kahit pa nga ba walang ibang nakakakita sa kanila ay naiilang pa rin siya.

It was not right.

Kaya naman mabilis niyang inubos ang pagkain.

Jerome hold her arm when she was about to leave.

"Where do you think you're going?".

"Uhm. Sa table ko?".

He shakes his head and guided her to the leather couch in the office.

"Lend me your lap.", he murmured.

She was about to protest but then she already found him lying his head on her lap as he closed her eyes.

Wala siyang nagawang tumahimik na lamang at hinayaan ang lalaki.

Looking at him closely, his face seems relaxed now. Hindi tulad kanina na animo ay isa itong leon na anumang oras ay mangangagat.

Tulog na ang lalaki, ayon sa banayad nitong paghinga.

Hindi niya napigilan ang sariling hawakan ang buhok nito.

Tulad ng kanyang inaasahan ay mayroon iyong wax. Malambot kaya ang buhok nito pag wala niyon?

Napakagwapo ng lalaki.

Ang mga mata nito na kung hindi tila laging galit ay parang nang-aakit. May pagkasingkit ang mga mata ng lalaki na bagay sa makapal nitong mga kilay. Ang matangos nitong ilong, ang natural na mapula nitong labi, ang makinis nitong kutis. His face was so perfect. Sana ay dito magmana ang mga anak nila.

She smiled with the thoughts of them having kids. But then she blushed and stopped caressing his hair. Shit. Ano ba ang naiisip niya?

Parang kanina lang, nahihiya siyang banggitin ang pangalan nito, ngayon nag-iisip na siya ng anak nila?

Naeeskandalong pinaypayan niya ng mga kamay ang nag-iinit niyang mukha.

Ng makalma ang sarili ay inilapat niya ang likod sa sandalan ng sofa. Hindi na niya namalayang nakatulog na din siya.

❤️❤️❤️

His Secretary (Completed)Where stories live. Discover now