3. Trap

3.8K 84 1
                                    

Parang pinupukpok at nahahati ang ulo ni Yas ng magising. Umupo siya sa kamang sapo ang ulo na nakasandal sa headrest niyon.

"Ayoko ng uminom.", angal pa niya na tila maiiyak sa sakit.

Isang mahinang tawa ang narinig niya mula sa tabi.

"This is your fault, Megan. Tatawa tawa ka pa dyan.".

Napakunot ang kanyang noo ng walang narinig na anumang reaksyon galing dito.

She opened her eyes and saw an unfamiliar room. Everything there were black and white while Megan's room was full of pink and peach.

Nagsimulang tumambol ang kanyang puso kasabay ang mabilis na pagtingin sa kanyang katawan. She's wearing a huge t-shirt and her undies under it. Thank God.

Mabilis din siyang lumingon sa katabi at nanlalaki ang mga matang napatitig dito.

"Sir.".

"Good morning, Ms. Perez.", he smiled.

Nagpapasalamat siyang desente ang itsura nito. He was wearing a white shirt and a short. He was so cute with his bed hair at kahit kakagising lang ay super fresh nito.

But wait. Saway niya sa sarili. Hindi ito ang tamang oras para pag nasahan niya ang boss.

"Sir. Nasan tayo at bakit ako nandito? sino nag-bihis sakin. Wala namang nangyari satin right? Di naman kita ginapang or what?", sunud sunod niyang tanong na ikinatawa ng malakas ng lalaki.

"Slowly.", anito sa pagitan ng pagtawa.

That was the very first time she heard him laugh.

Nakatanga lang siya dito hanggang tumigil ang lalaki. Ngunit hindi pa rin nito naaalis ang ngiti nito sa mga labi.

"We're here in my condo. I brought you here because I don't know where to bring you. You don't have your house key nor a car key with you. I asked you last night who were you with, but you already passed out. My housekeeper changed your clothes, punung puno ka kasi ng suka.", his grey eyes seemed so amused while looking at her reactions. "No, walang nangyari satin, hindi ako napatol sa lasing kahit gano pa kaganda. And no, you just hugged me, pero hindi mo naman ako ginapang.".

Naitakip niya ang kanyang mga palad sa mukha dahil sa naramdaman niyang kahihiyan. Feeling niya sy umuusok ang mukha niya.

Nakita nito ng sumuka siya? No. Nakakahiya.

"I'm sorry sir. Nakakahiya.".

He chuckled and gently tapped her head. "You're fine. I was actually glad na sakin ka hinimatay.", anito na nagpatunghay sa kanya. But he just looked at her smiling na tila ba tumutunaw sa kanya.

Isang katok sa pinto ng kwarto ang nagpatingin sa kanilang dalawa doon.

At halos himatayin siya ng bumukas ang iyon at pumasok ang magulang ng kanyang boss.

******

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Kahit anong paliwanag nila ay hindi sila pinapakinggan ng mag-asawang Manuel at Cynthia Co. Halos anak na ang tingin ng mga ito sa kanya kaya naman hindi pumayag ang mga magulang ng binata na hindi sila pumayag na magpakasal.

Tahimik lamang ang kanyang boss habang pareho silang nakaupo sa gilid ng kama at tila mga batang pinagagalitan ng mga matatandang Co.

Hiyang hiya siya sa mga ito lalo na sa kanyang bigboss.

Halos hindi siya makatingin sa kanyang tabi at halos maiiyak na siya na nakatungo.

She tried to explain but they keep on cutting her. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang mapatungo at tignan ang kanyang mga kamay na magkasiklop sa ibabaw ng kanyang mga binti.

"Parang anak na ang turing namin sayo iha. At ayokong maargabyado ka dahil alam kong malinis kang babae bago pa man nangyayari ang.. ang. mga to sa inyo.", dismayadong turan ni Mrs. Co. "At ikaw Jerome.", naniningkit na tingin ng ginang sa lalaki sa kanyang tabi. "I told you not to touch her dahil mahal namin ang batang to.".

Napatunghay siya sa narinig. "Ma'am, wala po talagang nangya.".

"Oh iha. Huwag mo ng pagtakpan ang anak ko . I know him very well.", baling nito sa kanya at muling matalim na tumingin sa anak nito. "You should marry her, Jerome. Or else ay hindi sayo mapupunta ang mga negosyo natin. And I'm serious.".

Napasinghap si Yassie at lalong nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ng ginang. She can't be serious.

"But ma'am, sir.". Nauutal niyang baling sa dalawa.

"No buts, iha. Her decision will also be my decision. Let's go, Cynthia at naghihintay na satin si Sandy.". Ang tinutukoy nito ay ang amiga ni Mrs. Cynthia Co.

Naiwan silang tahimik at sindak dahil sa mag-asawa. Agad siyang napatingin sa kanyang bigboss ng lumapat ang pinto ng kwartong iyon pagkalabas ng dalawa.

"I'm sorry, sir.", panimula niya. "Kakausapin ko po ang mga magulang niyo pag huminahon na sila.".

She saw him sighed and shook his head.

Hindi niya mabasa ang iniisip ng binata. Nanatili itong bahagyang kunot ang noo at walang kangitingiti na nakatutok ang mga mata sa pinto ng kwartong iyon.

Then she remembered. Shit. Wala pa siyang suklay at hilamos. Malamang ay kayat kayat ang makeup niya sa mukha. Ni hindi pa siya nakakapagmumog.

She stood up and immediately excused herself.

Agad siyang pumasok sa banyo at napaungol ng hindi siya nagkamali sa hinala.

Her eyeliner was all over the circles of her eyes. Urg.

Agad siyang naghilamos at nagmumog. Sinuklay niya din ng kamay ang kanyang buhok at hinayaang nakalaglag iyon.

Ng kuntento na siya sa kanyang mukha ay lumabas siya ng kwarto. He was no longer there. She tried to find her dress that night. Ngunit wala ito kahit saang sulok ng kwarto.

Kaya naman lumabas siya doon.

She found him in the kitchen preparing breakfast.

Ng maramdaman siya nito ay natitigilang napatingin ito sa kanya.

"I know. I know mukha akong teenager. Di mo na kailangang sabihin. Nakikita ko sa mukha mo.", taas kilay na sabi niya na nginitian ng binata.

"Hindi naman. Sanay lang ako na makapal ang makeup mo. But you look so lovely even without the make up. Or much way too better without it.".

Napanguso siya at napaupo sa upuan kaharap ang kape na isinalin at inilagay nito sa baso. Pinilit niyang huwag ipakita ang kilig sa sinabi ng binata dahil sa papuri nito.

Napangiti siyang napatingin sa tasa ng kape na ibinigay nito sa kanya. That was the very first time he prepared her coffee. Sayang at hindi niya dala ang cellphone niya. Pipicturan sana niya iyon para sa remembrance. Haha.

"Now, I know why you're wearing heavy makeup.", he paused "you wanna hide this baby face of yours.".

She laughed. "You got me, sir.".

Ang kanyang ngiti ay napalitan ng ngiwi ng maalala ang nangyari kanikanina lang.

"Sir. I'm so sorry kanina. They misunderstood us. Kailangan natin silang makausap.".

"Knowing my mom and dad. Alam kong seryoso sila.".

"Pero, wala naman talagang nangya..ri.", nahihiya niyang sabi. "They can't be serious about that. You're a heir. I'm just your secretary.". she sighed . Hindi na niya mabilang kung ilang buntung hininga ang nagawa na niya ng umagang iyon. She felt so stressed. Buti na lamang at cool lang ang bigboss niya.

"Don't belittle yourself. You're not just a secretary.", may diin nitong sabi at nagbuntong hininga. "You're a friend. My parents treat you as their own.".

"Pero. Nakakahiya talaga. Please help me talk to them, sir. Hindi tayo pwedeng ikasal. Ang kasal, para lang sa nagmamahalan. And we're way too far from that".

Nakita niyang muli ang bahagyang pagkunot ng noo ng binata na tila may malalim na iniisip.

Then he nodded. "I'll talk to them.".

Bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa sa sinabi nito at panghinhinayang?

Nope. Definitely not.

His Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon