29

4.2K 77 1
                                        

A little bit from the past. 

"No. I want him. I only want him. Sakin lang siya.".

"Lanie, ano na naman bang kalokohan to?", galit na turan ng kanyang ama na si Manuel Co.

"Papa, please. I want him.".

Tinuuan niya ng tingin ang kapatid na si Lanie na kasalukuyang pinapakalma ng dalawang nurse sa magkabilang tabi nito.

Her ate Lanie was a rape victim and her trauma affected her sanity. She got depressed and started to hallucinate things that aren't real. Isa na dito ay ang pag-iisip ng kapatid na may relasyon sila ng naging abogado ng nito.

They won the case kahit na nga ba kamag-anak ng isang senador ang kalaban. Ngunit iyon ang simula ng pagkabaliw ng kanyang kapatid sa abogado nito. Ipinagkamali ng kapatid na pagmamahal ang pagtinging kliyente na ibinibigay ng huli.

Akala nila ay maayos na ang kapatid dahil sa therapy na ginawa dito abroad. Ngunit tila nagbalik sila sa simula ng pag-uwi sa Pilipinas ay hinahanap hanap pa rin nito ang lalaki.

Isang gabi nga ay nakita niya ang kapatid ng tumakas ito. He followed her until they reached the lawyer's house. He was too late dahil nakapasok na ito sa bahay ng abogado. Doon niya nakita ang isang dalagita na tumatakbo palayo mula sa loob ng bahay kung saan pumasok ang kapatid.

Ng dumating ang kanyang mga magulang kasama ang mga nurse ng ate Lanie niya ay nakita niya ang sariling hinahanap ang dalagita.

He saw her in a park inside the village. She was crying, uttering how hurt she was. Asking why his father did this to them.

Hinayaan lamang niya itong umiyak ng umiyak, ng sa tingin niya ay nahimasmasan na ito ay doon siya lumapit.

"Here, use this.".

He offered his hanky that she immediately took and used to wipe her tears. Kahit na may luha ang mga mata ng dalaga ay napakaganda pa din nito. But her tears broke his heart. He doesn't want to see her this way. he wanted to see her smile.

Ng sa tingin niya ay kalmado na ang babae ay saka siya muling nagsalita.

"Would you mind if I'll stay?".

Doon lamang tumingin sa kanya ang dalaga. Hindi alam ng huli ay halos sumirko na ang puso niya sa lakas ng tibok niyon dahil sa mga mata nito. That was when he realized that he want her.

Mas malala pa ata sya sa ate Lanie niya, dahil simula ng araw na iyon ay halos naging stalker na siya ng dalaga.

She never noticed him though.

Kahit gusto ng mga magulang na sa abroad siya mag masteral ay mas pinili niya ang pumasok sa unibersidad kung saan nag-aaral ang dalaga. He wanted to be near her. To see her. To protect her.

Kaya halos madurog ang kanyang puso ng masaksihan kung paanong naaksidente ang sasakyan kung saan nakasakay ang dalaga at ang mga magulang nito.

Mabilis niya itong nailigtas. Nagpapasalamat na rin siyang kahit nasa likuran itong bahagi ng sasakyan ay naka seatbelt pa din ang dalaga.

Sa tatlo ay ito lamang ang humihinga ng iligtas nila kasama ng ilang paramedic. Halos madurog naman ang puso niya dahil sa pinsalang natamo ng dalaga dahil doon. 

He contacted her close relatives and stayed with her.

Umalis lamang siya ng hospital ng dumating ang mga kamag-anak nito.

Dahil sa nangyari ay lalo siyang natakot na lumapit sa dalaga. Ang ate Lanie kasi niya ang sinisisi nito sa nangyari. Nalaman niya mula sa mga pulis at doctor ng dalaga na nag-aaway ang mga magulang nito ngangyari ang aksidente. Naging trauma iyon na halos hindi ito makausap sa loob ng ilang buwan.

She was able to open heart with the help of a psychiatrist who was his friend. Ngunit pinayuhan siya nitong huwag munang magpakilala dahil hindi iyon makabubuti sa dalaga.

Kung dati ay nakikita niya ito mula sa malayo, matapos ang aksidente ay naging mas madalang na.

His ate Lanie went abroad to continue her therapy but then she committed suicide.

Dahil na rin sa dagok na dala niyon sa kanilang pamilya ay minabuti niyang sundin ang mga magulang.

He went abroad and trained under his uncle in one of their company's branches.

Lumipas ang maraming taong hindi niya nakita ang dalaga.

He became successful, nagsimula siya sa pagbili ng maliliit na mga stocks. At ngayon nga ay isa siya sa mga nagmamay-ari ng iba't ibang establisyemento hindi lang sa America kung hindi sa iba't ibang panig ng mundo.

Then his father's retirement came.

He never intended to personally manage their company but then he met her. 

His goddess. 

He literally got stunned and his heart went mad while looking at her slowly walking towards him. Bumalik lamang siya sa katinuan ng marinig ang pagtikhim ng kanyang ina. 

"Anak, this is Yassie, she'll be your secretary once you take over our company.", pakilala ng mama niya sa dalaga na may tipid na ngiti sa mga mapupulang labi nito. 

She was wearing a glasses and her hair in a clean bun, ngunit sa kabila ng mga iyon ay kilalang kilala niya ito lalo na ng puso niya. 

Hindi niya alam kung paanong napunta ito sa kumpanya ng kanyang papa but he used it to be near her.

Tama ang kanyang mga magulang na napapagaan ng dalaga ang trabaho niya. She's a very competent secretary. Halos pipirma na lang siya sa mga dokumentong dumarating dahil nafifilter na nito ang mga mga iyon. 

She was so near yet so far. He kept his distance for the past few years. Tulad ng dati ay naging kuntento lamang siyang nakikita ito. Pinanatili niya ang professional relationship nila at kahit kailan ay hindi lumagpas doon.

Then her parents noticed his feelings. Doon gumulo ang lahat. Tila naging kupido ang mga ito na sa lahat ng oras ay tinutukso sila. He kept his cool kahit na nga ba nahihiya siya sa kanyang kalooblooban at gustung gusto ang ginagawa ng mga ito. 

Then that night came.

The very first night he ever held her. He love her and respect her. He wanted to be intimate with her, yes. Lalaki lang siya. A very healthy man, but taking advantage her on that state never crossed his mind.  

Ngunit sa ginawa ng kanyang mga magulang kinaumagahan ng datnan sila ng mga itong magkatabi sa kama niya ay hindi na siya sumalungat pa.

Hindi alam ng dalaga na excited siya sa kasalang magaganap. Ginamit niya ang pakulo ng mga magulang upang makasama ito. Bahala na. Aniya.

Ipinangako niyang gagawin niya ang lahat upang mahalin siya ni Yassie kahit abutin siya ng habangbuhay. Unang kita pa lamang niya dito ay alam niyang ito lang ang mamahalin niya. He will do his best to win her trust and her heart.

His Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon