10 Kiss

3.1K 81 4
                                    

Lulan ng sasakyan ni Jerome ay pauwi na sila sa condo nito.

Hindi na nila natapos ang dapat ay isang linggong bakasyon dahil sa isang hindi inaasahang problema sa shipping ng kanilang produkto. Kailangan ng isang emergency meeting kasama ang mga board dahil ang pinaka malaking kliyente ng Co Technology ang naapektuhan niyon.

The emergency meeting will be held at 9AM. Kaya naman kahit gabi na ay kinakailangan nilang umuwi.

Gusto nga sana niyang umuwi muna sa kanyang bahay para kumuha ng ilang mga personal na gamit at pang opisina. Ngunit naaawa na siya sa pagod na mukha ng lalaki. Since last night ay hindi ito natigil sa pakikipag-usap sa telepono.

Wala na siyang nagawang nagbuntong-hininga at tumingin na lamang sa labas ng bintana ng kotse.

Tutulungan na lamang niya ito sa maaabot ng kanyang makakaya.

Simula ng umalis sila ng hotel ay hindi na ito nagsalita.

He seems so distant. Bahagya pang nakakunot ang noo nito. Napatingin muli siya sa lalaki. Alam niyang kagabi pa ito walang tulog.

"Gabriel.", malamyos niyang tawag sa atensyon ng lalaki. Hinawakan pa niya ang braso nito ng hindi siya nito pinansin.

"Yes?", bahagya itong lumingon sa kanya at agad ding itinutok ang mga mata sa kalsada.

"Can you pull over, please?", aniya sa lalaki.

Nagtataka man ay sumunod naman ang lalaki at hindi na nagtanong pa.

Agad siyang lumingon sa lalaki ng maitigil nito ang sasakyan sa tabi.

"Let me drive. You rest. Okay?", tila bata ang kanyang kausap na sinabi.

His eyes were fixed on her for a few seconds before he sighed and switched with her.

Ng paandarin na niya ang sasakyan ay sapo ang ulong sumandal ito sa upuan.

Sa isang mabilis na sulyap ay nakita niyang nakapikit ito.

"Thank you.", he gently said. Simpleng pasasalamat, ngunit ramdam niya ang init niyon na nagpangiti sa kanya.

"I am your wife and your secretary. Let me make myself useful.".

Nakangiti man ay alam ng lalaki ang kaseryosohan sa kanyang mga salita.

Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagbaling nito sa kanyang gawi.

Ng lumingon siya muli ay nakita niya ang ngiti nito sa labi.

Her heart jumped upon seeing that.

She focused her eyes on the road and calmed her self. Mukhang hindi pa rin nasasanay ang puso niya sa pagngiti nito.

Ng lumingon muli siya sa asawa ay nakapikit na ito at tila natutulog.

May kung anong saya siyang naramdaman ng makita ang payapa nitong mukha. Karamihan kasi sa mga lalaki ay hindi komportable kapag babae ang driver ng sasakyan. But he trusted her with his life and that warmed her heart

May halos dalawang oras na siyang nagdadrive dahil sa traffic. Sa tantiya niya ay 30 minutes kung ganoon kabagal ang takbo ng sasakyan bago sila makauwi.

Nakita niyang nagising na ang lalaki. "How do you feel?", agad niyang tanong.

Tipid itong ngumiti.

"Much better.".

"Good. Malapit na tayo. Are you hungry?".

"Yeah. Magpadeliver na lang tayo.", muli ng lalaki.

"Alright then.".

His Secretary (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora