Epilogue

11.9K 231 25
                                    


Mahigpit na hinahawakan ni Mikael ang aking kamay. Hindi ko maipaliwanag ang nerbyos na nararamdaman ko sa gagawin namin ngayong araw na 'to.

He called his mother earlier, hindi niya pinarinig sa akin ang anumang usapan nila ng kanyang ina. Ako naman ay hindi mapakali, tinawagan ko rin kanina si Yel para kamustahin ang anak ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung paanong napapayag na sa wakas ni Mikael si Ate sa relasyon namin. Bakit ganoon kabilis?

"You okay?" Tanong niya habang hinawakan ang aking balikat.

Tumango ako.

"You don't look okay." Silip niya sa akin.

I know he will figure out that I'm panicking, sino bang hindi? Talagang napaka bilis ng mga pangyayari.

"Paano kung hindi pa rin siya ayos sa atin?" Tanong ko sa kawalan.

"They don't have a choice. I'm still gonna marry you, with or without her approval." Hinalikan ni Mikael ang gilid ng ulo ko.

Napapikit ako doon, our journey had gone too long. Kung sana ay natutunan kong magsabi sa kanya at magtiwala ay sana hindi na kami hahantong sa ganito pero naniniwala ako na may rason ang lahat, kung ano kami ngayon ay paniguradong dala na namin ang aral ng nakaraan.

So we will be better today. For our family.

"She invites us today." Untag niya sa akin.

Tumango ako.

"Do you want to talk to your sister first?" He suggested.

Napatingin ako sa guwapo niyang mukha. Alam ni Mikael na gusto kong magkaayos din kami sa wakas ni Ate. Kung ayos na sa kanya ang relasyon namin ay marahil napatawad na rin niya ako sa mga nagawa ko sa kanya.

Although mas marami siyang ginawang masama sa akin.

Sinamahan ako ni Mikael sa kwarto ni Ate. This is the second time that I'm in here. Nung unang pag-uusap namin ay tinaboy niya lang ako. Sana ngayon ay hindi.

Pagbukas ko ng pinto ay gulat akong napatingin sa kung sinong mga tao pa ang nandon sa loob.

"S-Sorry po.. Babalik na lang ako sa susunod na araw.."

Di tulad ng engkwentro namin nung nauna ay mas kalmado ang mga hitsura nila. I saw my sister's smiling at us.

"Okay lang Aurora, dito ka na." Mas mabait na tono ni Ate sa akin.

Tumingin ako kay Mikael, sasama ba siya o hindi? Pero nang mapansin kong magpapa-iwan siya sa labas ay hinayaan ko na siya. He wants me to be reunited with my family. Sana ngayon ay maging maayos na talaga lahat.

"This is never easy." si Papa ang nagsalita sa aming apat. "And I know I've done too much pain to you."

"Alam kong hindi mo kami agad mapapatawad pero gusto sana naming malaman mo na bukas na ang isipan namin." Ani Mama, "Patawarin mo kami kung nung una ay hindi namin maintindihan."

Tila wala na akong pake sa kanilang pagpapatawad. Agad kong kinain ang distansya sa amin at mahigpit na humangos sa kanila.

"Okay lang,okay lang..." Sapat na saking marinig ko ang paghingi nila ng tawad sa akin.

Akala ko ay hindi na mangyayari ang araw na 'to. Akala ko ay hindi ko na maririnig ang mga salitang 'yon sa kanila.

Ate Avinia on the other side is smiling at us. Ngumiti rin ako sa kanya.

"Oh mukhang tapos na ang dramahan niyo?" Singit ni Ate, "Can I talk to her now, please?"

Tumango sila mama at agad ding umalis sa loob ng kwarto ni Ate.

Hinawakan ko ang kamay niya at hindi na mapigilan ang pag-iyak.

"You're crying too much. Akala ko ka ba malakas ka?" Umayos siya ng higa.

"Hindi lang ako makapaniwala."

"Ako rin." Aniya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "I'm sorry, Aurora.."

"No Ate, okay na. Okay lang." Hindi ko na mapigilan ang luha ko at agad ko na rin siyang niyakap. "Pasensya na rin sa mga nasabi ko kanina."

"Ako ang dapat na magsabi niyan." aniya, "I'm sorry for being blind of your pain. Sorry sa pagiging makasarili ko, Aurora. You deserve happiness. You deserve him."

Tumango tango ako at niyakap siya ng mahigpit.

Ilang oras din kaming nag-usap ni Ate, walang mapaglagyan ang saya ko sa nangyari. Pakiramdam ko ay nabunog ang malaking tinik na matagal ng sumasagabal sa kasiyahan ko.

Kinausap din ni Ate si Mikael at humingi din ito ng tawad dito.

"She seems very okay now." Ani Mikael at hinalikan ako sa balikat. "And I can see that you're very happy too."

"Sobra sa totoo lang.."

"You're ready to face her again?"

Tumango ako. What we had earlier gave me so much confidence about Mikael's mother because I know that I finally have my family's support. Pero kung ayaw niya pa rin ay ayos lang. We cannot please everyone in this world.

Nasa Arrhenius Mansion kami ni Mikael, walang ibang nandoon kundi ang dalawa niyang kapatid at ang kanyang ina.

"Stella asked me to check her house." Bungad ng kanyang ina sa amin.

"Mama, you promised to talk about it."

"I know, son." Diin niyang sinabi kay Mikael. "I've made up my mind."

Pigil hininga ang ginagawa ko habang matalim akong tinitignan ni Miss Rosaline.

"I'm gonna accept your wedding because your brother here, which is my dear Lorcan, took the fall." Ngiti ni Miss Rosaline sa amin.

Lumipad ang tingin ko kay Lorcan na abala sa pagsimsim ng kape.

"What?" Ani Mikael,"Anong ibig mong sabihin, mama?"

"Dahil sinuway mo ako Mikael at tinanggihan mo ang kagustuhan kong magpakasal ka sa isang tagapagmana ng kumpanya ay si Lorcan na ang gagawa para sayo."

"But you can't do that! Lorcan? What is the meaning of this?" Baling ni Mikael s kapatid.

Nagkibit balikat lang si Lorcan at pilyong ngumisi kay Mikael.

Hindi ako makapaniwala na gagawin ni Lorcan ang bagay na 'yon. Sa kanilang tatlo ay si Lorcan ang hindi mo pwedeng maikulong at pasunurin. Anong nangyari at siya na ang sumalo sa gawain na dapat ay kay Mikael?

"Mama, you can't do this to us. Hindi ibig sabihin na hindi mo ko kayang pasunurin ay ang iba kong kapatid ang kokontrolin mo.."

"And you can't just stand there and teach me on how to be me. Hindi pa ba sapat na tinanggap ko na kayong dalawa?"

"Pero, mama!"

"It's okay, Kuya.." Ani Lorcan, "Gusto ko.."

"I-I can't understand, bakit ikaw?"

"Di mo na kailangan intindihin. Why won't you two go to your son? I think you already have what you want."

At sinunod nga 'yon ni Mikael. Hindi na kami kinausap pa ng kanyang ina, like what I've said, I cannot force her to like me. Kung ayaw niya sa akin ay ayos lang. Pero sana ay hindi na niya ipasa sa iba ang minsan nang tinanggihan ng isa sa kanyang mga anak.

"You think he's really okay with that?" Tanong ko.

"I don't know." Aniya at sinulyapan ako ng tingin.

Napatingin akosa stoplight at nakita kong kulay pula ito.

"But this is what I'm okay with." Bulong niya sa akin kaya muli akong napatingin sa kanya.

Mikael Thai Arrhenius. The mighty and unreachable one got me. He got me but I also caught him. Nung una ay akala ko ako ang nahulog sa patibong niya pero ang lumabas ay parehas lang pala kami.

"I'm addicted to you." Ngiti ko at agad siyang dinaplisan ng halik sa ilong.

Nang hihiwalay ako ay agad niyang nahawakan ang aking batok.

"I'm more addicted." He smiled and kiss me.







Addicted To You (Arrhenius Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon