Chapter Thirty

8.1K 193 12
                                    

THIRTY

Pakiramdam ko ay hinihila ang kaluluwa ko palayo sa akin. Kahit na nakahiga pa ako ay damang dama ko ang bigat ng aking ulo.

And I'm gonna throw up!

Pabigla akong napaupo sa kung saan ako nakahiga. Si Mama ay mabilis na tinapat sa mukha ko ang planggana na hawak niya. Doon ko nilabas lahat na para bang may nakain akong panis na.

I shouted a bit just to release the remaining dirt in my throat. Si Mama naman ay tahimik lang akong pinagmamasdan.

Napakagandang pagkakataon naman na nagkita kami at may sakit pa ako.

"Okay ka na?" Matabang na tanong ni Mama sa akin.

Tumango ako.

"Sinong ama niyan?"

Til natigil sa paggalaw ang orasan sa minungkahi ng aking ina sa akin. Gulat akong napatingin sa kanyang matalim na mga mata.

Sinong... ama?

"You're a month pregnant, Patricia. Yan talaga ang napala mo sa kakasunod jan sa kaibigan mong puro harot!" I can sense a pang of pain in her voice.

"Ma.. hindi ko.. hindi ko..---"

"You sister is in bad shape! Hindi na siya kumakain! Hindi na siya nakakatulog ng maayos! Hindi na siya nakakapasok sa trabaho niya!"

So.. it's all about my sister again.

"Kasalanan ko pa rin ba yon?" Pagod ko nang sinabi sa kanya.

"Hindi.. That's why.. I-I wanted to see you, hindi ko mahanap kung saang bahay nakatira ang kaibigan mo. Nawalan na ako ng pag-asa kaya naisipan ko nalang na mag mall para hindi sayang ang punta ko but I saw you.." Marahang sinabi ni mama sabay haplos sa pisngi ko.

God knows how much I long for her to treat me that way! Gusto ko rin maramdaman sana na anak niya din ako! What I'd give so they can always treat me that way?

"But I want to know, Patricia. Bakit ka nabuntis? Sinong ama niyan?"

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Happy and scared at the same time. Pwede pala yun? Na maging masaya ka sa nangyayari sayo habang natatakot ka sa mga posibleng mangyari sayo.

"I.. was drunk that time, Ma. Hindi ko po alam." Yumuko ako dahil baka sa isang iglap ay magbago ang pagtrato niya sa akin.

Inangat ni Mama ang baba ko, she's still smiling sweetly at me. "You were once working at the Arrhenius' right, anak?"

Kumunot ang noo ko dahil parang hindi niya napansin ang sinabi ko.

"Have you already met Mikael Arrhenius?" 

Bumilis ang pintig ng puso ko sa tanong niya.. "O-Oo.."

Kinuha ni Mama ang kamay ko sa kabilang gilid at sinakop niya 'yon ng kanya. Like she's asking me for a big favor. Naghihintay nalang ako ng sasabihin niya.

"Please Patricia, hindi ba malapit ka naman sa mga Arrhenius? Ikaw ang kaibigan ni Cadence kaya malapit ka rin panigurado kay Mikael? Convince him Patricia, kung kaya mo.. Convince him to marry your sister.."

Tila nabingi ako sa gustong ipagawa sa akin ni Mama. Nakaawang lang ang labi ko at nabitin sa ere ang aking sasabihin.. Dahan dahan kong inalis ang palad kong hawak niya.

"H-Hindi ko kaya, ma.."

"Patricia naman! Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo?"

"Okay lang ba sayo na buntis ako, ma?" I broke my voice there.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now