Chapter Forty Seven

7.6K 199 9
                                    

FORTY SEVEN

Parang nanigas ako sa aking kinatatayuan. Nakita kong si Sophia ay nanlaki ang mga mata at agad na umalis.

Hindi ko alam kung ipapabalita niya ba ang narinig niya sa buong departamento o hindi. Wala akong alam. Ang tanging umiikot lang sa isip ko ngayon ay ang sinabi ng kapatid ko.

"A-Ano?" Ang boses ko ay hindi ko na mawari.

Ngiting ngiti siya sa akin habang tinitignan ang gulat kong reaksyon. "Totoo! Can you believe, that? Ikakasal na kami! Ikakasal kami!" Palakpak niya at hinigit ako para yakapin. "Sobrang saya ko, Patricia!"

Dama ko 'yon. I wish to be that happy, too. Ang boses ni Ate Avinia ay hindi maipagkakakila. Masaya nga ito and it seems real.

Kailan pa?

"Aren't you happy for me?" Aniya pagkatapos niya kumalas sa pagkakayakap sa akin.

I tried to flashed a fake smile. "Masaya ako...sainyo.."

Pumunta si Ate sa harapan para makuha ang atensyon ng mga tao dito, pati ang mga nasa taas ay parang naguguluhan kung bakit nandito na ulit si Ate, natanaw ko si Sir Syche. He looks confused too, bumaling siya ng tingin sa akin.

"I would like to announce you, something!" Malakas na sigaw ni Ate, "A month from now, you're now going to have a new boss!"

Umalingawngaw ang kaliwa't kanang bulungan ng mga tao. Ang iilan ay napapatingin sa akin. Ang iba ay nadidinig ko ang kanilang sinasabi. They are talking about me.

"Diba siya ang fianceé ni sir?"

"Hindi ko nga alam, e. Baka naanakan lang?"

"Baka sila yung ikakasal!"

Nanatili lang akong nakatingin kay Ate na patuloy ang pagsasalita sa harapan.

"Your CEO, Mikael Arrhenius is not a bachelor anymore!" Sigaw niya bago lumapat ang nang-aasar na tingin. "Ikakasal na kaming dalawa!"

Lalong lumakas ang usapan ng mga tao dito, napatingin ako kay Syche na tumalikod at naglakad na para bang wala lang ang narinig niya.

No, Patricia. You need to be smart, now! Huwag mong hayaan na pangunahan ka nanaman ng takot sa isip mo! Stop thinking nonsense!

May explanation si Mikael dito.

Nagcommute ako pauwi habang si Ate ay abala sa walang sawang bati ng mga empleyado sa kanya.

Kinuyom ko ang aking kamay habang naninikip ang aking dibdib. This can't be. Alam kong wala pang anumang pahayag kay Mikael pero hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

She's not gonna fake it! May rason kung bakit ganun na lang ang kumpyansa niya sa kanyang sinabi.

Is that what they are doing outside the country? Pero paano?

"Andito na po, miss." Sabi sa akin ng driver.

Binayaran ko siya na hindi man lang nalalaman kung eksakto ba ang pera ko o sobra. Bigla na lang akong lumabas. Hindi ko na rin mangitian ang mga maids ni Mikael na binabati ako.

Pagpasok ko sa loob ay agad na sumalubong sa akin ang mag-ama ko. Mikael is wearing a reading glass while he is in his white shirt and shorts, hawak hawak niya si Jethro na gusto na agad magpa karga sa akin.

"Ma! Ma!" Ngiting ngiti at pumapalakpak na sabi niya.

All of my doubts washed out. Para akong sumabak sa isang giyera at ngayon ay nandito ako sa safe zone. Kung saan walang problema at kasama ko pa sila.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now