Chapter Thirty Five

8.2K 208 6
                                    

THIRTY FIVE

Hindi ko ma proseso ang tinanong sa akin ni Mikael. He looks more dangerous now, pabalang kong inalis ang aking kamay at galit na pinantayan ang kanyang ekspresyon.

"Wala ka na don!" Iyon ang mga salitang kusang lumabas na lang sa akin.

Ah bahala na! Wala naman akong panahon pa para magpaliwanag. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mikael. Nagmadali akong umalis at pumuntang elevator para makababa.

This is definitely a wrong idea! Dapat ay hindi na lang ako tumuloy pa at kinausap siya. In the first place naman hindi si Mikael ang sadya ko doon kundi si Ate, malay ko bang wala si Ate sa We Henius.

But if he is telling the truth, ano ang plano ni Ate at gumawa siya ng kwento? She doesn't know everything about us before. Si Mama naman ay hindi din alam ang ama ni Jethro. Saan kaya ito nakakuha ng ideya?

Bago pa ako makaalis ng building ay nakasalubong ko si Sir Syche. His looks changed. His eye brows are now thicker than before, it very well suits his quiff messy hair and a slightly stubbled beard. Parang mas lalo siyang nag focus sa gym dahil mas lumaki ang katawan nito.

The hell are their genes?!

"Sir!" Gulat kong bati sa kanya.

Nanlaki saglit ang mga mata nito bago ako nilapitan. "Aurora! You're back?"

"Hindi sir, um.. may inasikaso lang po ako.."

Tumango-tango sa akin si Sir Syche. Parang naguguluhan ito sa mga kinikilos ko.

"Sige sir, una na po ako." I politely said before leaving.

Kahit na gusto kong kamustahin si Cadence kay Sir ay wala na akong oras. I don't want to be here. Maraming alaala ang sumasagi sa akin at parang sinasaksak ang puso ko sa mga alaala na 'yon.

Mabilis akong tumawag ng taxi. Sinabi ko agad ang direksyon at saka ako napasandal.

This is nuts! Mahihirapan akong makipag-usap sa kanila kung ganoon si Mikael sa akin. He left! Wala man lang akong nakuhang eksplanasyon sa kanya simula nung nakita ko sila ni Ate na magkayakap.

Simula nun, tinaga ko sa isip ko na kahit kailan ay hindi ko ipapakilala si Jethro sa kanya. May karapatan siya pero gusto ko 'yong tanggalin!

There is no way he will get my son from me!

Ako ang naghirap lahat! Ako ang nagtiis! Ako ang nagpalaki kay Jethro at kayang-kaya niyang mabuhay na walang ama!

Bumaba agad ako sa taxi at hindi na pinansin ang mga guard na bumabati sa akin papasok ng office ni Dan, naabutan kong nilalaro ni Dan si Jethro.

Inis kong binalibag ang dala kong shoulder bag.

"Oh anong nangyari?" Tanong nito na mukhang naguguluhan.

Ilang araw bago pumunta si Ate dito ay saka ko napagdesisyunan na makipagkita sa kanya. Kaya siguro hindi rin alam ni Dan ang dahilan kung bakit pumuputok ang butchi ko ngayon.

"Lies! Lies! Hanggang ngayon puro kasinungalingan!" Singhal ko sa hangin.

Nakita kong nanlalaki ang mga mata ni Jethro habang may hawak hawak na isa nanamang lollipop.

"Tara na nga muna!" Ani Dan, iniwan niya saglit si Jethro. "Tinatakot mo anak mo, e."

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Mabuti na lang din at tinakpan ni Dan lahat ng mga matatalim na bagay sa kanyang opisina. Ang bawat kanto ng kanyang lamesa ay may nakalagay na cotton at masking tape.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now