Chapter Fourteen

7.9K 213 7
                                    

FOURTEEN

Ngayon ang sinasabing party ni Sir Syche, I've been thinking what to wear for the past three days! Nakaka ilang balik ako sa stall na ito at wala pa rin akong makitang damit!

"God, Aurora! It should be expensive! Kung binigay sayo ni Sir Syche ang card niya ay dapat mong gamitin iyon sa paraang gusto niya!"

Naririnig ko pa ang boses ni Yel sa aking isip. Tinawagan ko rin siya nung araw na 'yon para ibalita ang nangyari. Hindi ko na nga iyon nakwento kay Ervin, he was just happy telling what happened to him in school. Sabi niya ay sila daw ang napiling Best Research sa Practical Research 2.

Sa loob loob ko ay masaya talaga ako. Buti ay nararanasan niya ang mag-aral ng ganoon. Tumigil na kasi ako dahil nga mas gugustuhin ko nalang din ang magtrabaho. And my parents are busy to my sister so they didn't care 'bout my expenses to my school.

Pero gugustuhin ko pa rin na mag-aral. If given a chance.

Lumabas ulit ako at may namataang isang boutique katapat ng stall na pinuntahan ko. Sikat ang boutique na ito at minsan ay dito pa dumarayo ang mga artista para bumili ng kanilang damit. Magaganda kasi talaga ang tela na ginagamit, literal na mamahalin. One dress can cost half a million.

Really? Ganun ba ang gusto ni Sir Syche na bilhin ko?

Pumasok na ako sa loob. Pagtapak na pagtapak ko palang ay sumisigaw na ng karangyaan ang boutique na 'to. The way the dress can carry itself to the mannequin amazes me. Kahit walang nagsusuot ay nakakahiya pa rin sa aking sarili na suotin ang damit na 'yon!

"A pleasant afternoon, ma'am!"

Ngumiti ako ng tipid sa isang babaeng bumati sa akin. Nakapusod ito at pormal na damit, kung titignan pa nga kaming dalawa ay mas magmumukha pa akong sales lady kaysa sa kanya!

"How may I help you?" She asked in a familiar accent..

"Uh..." Luminga ako sa likod niya at nakita ang isang magandang dress.

It's made in blue and white sequins, ang baba ng neckline nito ay sakto lang sa akin.

"That is our new arrival, ma'am." Ngiti sa akin ng babae.

"Pwede ko bang sukatin?" Tanong ko.

Tumango ang babae at kinuha iyong dress na gusto ko. Halos kumislap ang mata ko nang tumama ang sequins sa ilaw. Kapag yan ang sinuot ko ay paniguardong mahuhubog ng tama ang aking bewang.

Mabilis na pagsukat lang ang ginawa ko sa damit. Namangha ko nang kasyang-kasya ito sa akin. Like it was made for me.

"725,000 po ma'am."

Lumunok ako. Magagalit kaya sa akin si Sir Syche? Pero ito naman ang gusto niya diba? Mabilis kong binili iyon. Kabado pa nga ako nang swinipe na ng babae ang card. Hindi na niya ako pinapirma dahil siya ang mismong tumawag kay Sir Syche.

"Ma'am hindi na daw po ba kayo bibili ng sapatos dito?" Tanong ng babae habang nasa kabilang linya si Sir.

Umiling ako. "Hindi na kamo.." Kasi naman, marami naman akong sapatos sa bahay at baka himatayin pa ako kapag nalaman ko ang presyo ng sapatos dito.

Umalis agad ko sa mall at umuwi ng bahay, hindi ko na pinansin si Ate Avinia na tila may pupuntahan din. Maybe she has a party to attend too. My parents are not here as expected. Hindi ko nga alam kung sino ang lagi nilang ka-meeting.

Sa iisang bubong lang kami nakatira pero minsan ko lang sila makita.

Kinuha ko na lang agad ang sapatos ko at make-up kit. Sabi kasi ni Yel ay siya ang mag-aayos sa akin. Nag booked na lang ako sa Grab para mabilis.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now