Chapter Eleven

8.3K 213 14
                                    

ELEVEN

Yel, Meine at Aldrich. Sila ang inatasang lumipat sa isang kompanya ng mga Arrhenius na si Mikael ang namumuno, I just can't help but to feel sad. Yung mga kaibigan ko pa talaga ang mawawala dito. Hindi ko naman gaanong kaclose sina Ana, hindi ko tuloy alam kung paano sila pakikisamahan.

But as a worker of this company, I need to be flexible with the others. Kung pwede ko nga lang ipresinta ang sarili ko na malipat na rin ay ginawa ko na.

Pero hindi ko lang talaga makalimutan ang nangyari tatlong araw na ang nakakalipas. After he asked me if I like Ervin, he became cold. Parang isa na nga lang akong trabahador sa kanya.

Na-offend ko ba siya? Hindi ko kasi maintindihan. Totoo naman na gusto ko si Ervin pero bilang kaibigan, saka kung sasabihin kong hindi ay baka isipin niya na malala na ang pagkagusto ko sa kanya! 

Mikael is still a young entrepreneur who wants to fulfill his dreams. Alam kong kahit anong tayog ng kanilang narating ay hindi 'yon magiging sapat sa kanila. At ang magkagusto sa isang tulad ko ay napaka imposible.

Inihanda ko na ang aking mga gamit, tapos na ang duty ko ngayon at ayoko ng mag over time. Ngayon na rin ang last day nila Yel dito kaya lalo akong nalungkot.

"Aurora, huwag ka nang busangot diyan. Gusto mo kausapin natin si Sir Syche para malipat ka rin?" Ani Yel, she is ready for our night out tonight.

Umiling ako. "Hindi magugustuhan ni Sir Syche 'yon. Ano ang sasabihin nating dahilan? Kasi mamimiss ko kayo at kayo lang ang kaibigan ko dito?"

Baka nga pagtawanan pa ni Syche ang dahilan na 'yon.

Isinandal ni Yel ang sarili sa pader. "O siya sige na! Magsaya na lang tayo mamaya sa Styx."

"Sino sino ba pupunta?"

"Ako, ikaw, si Meine, Aldrich, Ana saka Sophia, Steve at Ryan." Ani Yel habang binibilang sa daliri ang mga sasama.

Tumango ako. Marami rin pala dahil dumagdag si Aldrich.

"Eh si Ervin? Hindi sasama?" Tanong ni Yel.

Umiling ako. "May project sila sa Physics nila, gagawa ata ng catapult. Hindi ko lang alam kung para saan."

"Ahhh! That's the reason why I stopped going to school. Minsan hindi na kasi talaga yung skills tinitignan sa bata. Kunyari, hilig mo ay Science tapos papagawan ka ng related sa Arts. Ano yun?"

Nagkibit balikat ako. She has a point.

Sinabayan na ako ni Yel sa pag-alis. Nauna na sina Meine doon, Wednesday kasi at uwian ng mga University ay maaga kung kaya't inunahan na namin ang mga estudyante na hayok na hayok.

Pero hindi tulad sa napuntahan naming bar, mas maayos naman ang mga estudyante na napunta sa Styx.

Pagkarating namin doon ay usok agad ng  vape ang nalanghap ko. Nagiging malabo na nga ang paligid sa kaliwa't kanang usok.

"Nandun sila!" Hinila ako ni Yel sa medyo dulong parte.

My friends ordered 5 towers. Isa pa lang ang nakikita ko, sa lapag non ay mga pagkain na finger foods lang. Nakapalibot sila sa animo'y pulang labi na couch. The girls are in their sexy dress while the boys are wearing their formal ones.

Ako naman ay simpleng red tube lang. Si Yel ay blue naman.

"Aurora! You look dashing!" Bati ni Steve at tinaas ang baso niya.

Ngumiti ako, pinaupo kami nila Meine sa tabi nila. Si Yel naman ay agad kumuha ng shot niya.

"See? Ito yung mga taong lilipat na sa ibang kompanya. Goodluck!" Ani Ana at winagayway ang kamay para makasunod sa beat ng music.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)On viuen les histories. Descobreix ara