Chapter Nineteen

7.8K 254 25
                                    

NINETEEN

"What are your plans now, son?"

Tahimik kong kinakain ang mga handa habang nag-uusap sila sa mga plano nila Stan.

"I don't know, ma. I'll probably have a presscon tomorrow." Ani Stan sa kanyang ina.

Sabi nila Cadence at Stan ay meron silang good news. Hindi ko nga lang alam kung ano 'yon. They are still not telling us their secret at parang nagkakaroon na ako ng kaonting hinuha sa kanilang pinapahiwatig.

I'm trying my best to keep my posture. Nakakahiya dahil ako lang ang mag-isa dito. Daile is with her boyfriend, si Yel naman ay hindi makakarating. Nagtext daw bigla si Yel kay Cadence, nagkaroon daw ng problema at hindi naman din sinabi kung ano 'yon.

I can sense their hard stare at me. Kahit sa pagkain ay tinutusok ako ng mga tingin ni Oliver. Well, If I remembered his name right.

Kumpleto ang mga Arrhenius, dahil balita ko ay mamaya magkakaroon sila ng kaonting pagpupulong ukol sa lumalawak nilang business.

Sir Syche is busy talking to Mikael. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila pero minsan ay nahuhuli ko si Mikael na seryoso ang tingin sa akin. Jasper is the cold one, ang alam ko ay ito ang bunso sa magkakapatid na sina Mikael at Lorcan. Oliver is the only child.

Sabi nila ang mga only child daw ay spoiled? Parang hindi naman.

I can't distinguish the differences between them. All dark ang dangerously looking kind of a man. Ganoon ko sila ihahalintulad.

"Hmm, how about you, anak? Balita ko ay nagkabalikan kayo ni Chloe?" Bumalik si Stella sa kanyang bunsong anak na si Sevhire.

He just shrugged off his shoulder. "Those were rumors, Mom. Hindi kami nagkabalikan."

Inisarado ko na ang aking tainga sa pakikinig sa kanila. I don't want eavesdropping their family matters. Kakain na lang ako dito at magkukunyaring walang naririnig.

Pagkatapos namin kumain ay nagsitayuan ang lahat. Lorcan and Jasper went to Cadence and Stan, si Sevhire naman ay umakyat sa taas kasama ang kanyang ina. Syche and Mikael are busy discussing about something. Ako naman ay naupo sa swing ng backyard nila Cadence.

Pinagmamasdan ko kung paano sumasabay ang dahon sa sayaw ng hangin. Napangiti ako, if only lives would be really simple. Kung sana ay lahat sa estado ng buhay ay pantay-pantay... kung sana pati sa mata ng mga minamahal, pantay-pantay din ang tingin.

We cannot please them to love us, but atleast, we shall receive respect from them.

"Are you bored?"

Nilingon ko ang nagsalita, napasinghap pa ako ng bahagya dahil sa kanya. Ngumiti lamang ako ng tipid.

"Hindi."

Tumabi si Oliver sa akin, nasinghot ko agad ang natural na bango nito. Do they use perfume? Para kasing hindi. May iba't-ibang uri sila ng bango.

"So you just want to be alone? Nakakaistorbo ba ako?" May halong biro sa kanyang tono.

Agad akong nataranta at mabilis na umiling. "Hindi ha! Okay lang!"

Oliver chuckled, naramdaman ko ang paghilig niya sa duyan. Maya-maya lang ay siya na ang nag papagalaw nito.

"I can feel it..." Aniya,

Nilingon ko siya, anong nararamdaman?

"You like my cousin, right?" Tanong ni Oliver na muntik nang ikabilaok ng aking laway.

"H-Huh? S-Si Sevhire?"

Nagtaas ng kilay sa akin si Oliver, he massaged the bridge of his nose while slightly laughing.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz