Chapter Forty Three

8.5K 230 7
                                    

FORTY THREE

Kwinento ko kay Cadence ang lahat. Hinayaan namin ang mga bata na maglaro sa harapan at kumain ng Icecream, I know Mikael is watching our son at ganoon din naman si Stan sa mga anak nito.

"I'm sorry.. Aurora.." Hinawakan ni Cadence ang palad ko, "You mean hindi pa alam ng mama mo ang tungkol kay Mikael?"

Tumango ako. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Kailangan pa rin naman nila malaman diba? Mga magulang ko pa rin sila.."

"But how about your sister?" Nag-aalalang tanong ni Cadence.

Hindi ko alam. "A-Ayoko muna isipin si Ate.."

Umayos ng upo si Cadence para maharap ako ng husto. "But you need to have a plan. Alam ko na yan, hindi naman siya mag-aayos ng kanilang engagement shoot kung walang binabalak ang kapatid mo diba?"

Alam ko 'yon. Hanggang ngayon ay malaking pala-isipan pa rin sa akin kung bakit naisipan ni Ate Avinia 'yon. She's not that type of woman who will force Mikael to marry her. Pero kagaya nga ng sinabi ko, ayoko muna intindihin.

"Wala pa naman sila dito sa Pinas. Pag-iisipan ko na lang kapag nakabalik sila.." sinilip ko si Jethro na tawa ng tawa kalaro ang mga pinsan, "Ang mahalaga, kilala na ni Jethro si Mikael.."

Nakita ko ang saya sa mukha ni Cadence, lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"I'm so proud of you.. sobrang laki na ng pinagbago mo.."

Niyakap ko rin siya pabalik, nakita ko si Mikael na kahit kinakausap ni Stan ay sa akin nakatingin.

"Salamat hindi ka galit.."

"Hindi talaga."

Ilang saglit lang ay nagpaalam na kami ni Mikael kina Cadence. Actually si Mikael ang nag insist nun, hindi ko nga alam kung bakit pero ng makita kong inaantok na si Jethro ay pumayag na ako.

"Say goodbye na kina Kuya Cascade at Kuya Razen.." Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Jethro at tinuro ang dalawa niyang pinsan na nakangiti sa akin.

"Buh.. bye.." Isang mabilis at mahabang pag kaway ang ginawa ni Jethro..

"Bye Jethro!! Pay us a visit everyday!!" Si Cascade ang nagsalita at hinalikan sa pisngi ang anak ko.

"Bye ate Aurora! Bye uncle Kael! Bye Jethro!" Ani Razen at kumaway sa amin.

"Thanks for the visit man, hindi ko inakala na makikita ko ulit kayo.. at tatlo na.." Pasaring ni Stan kaya nasiko ni Cadence..

"Ano ka ba?" Inirapan ni Cadence ang asawa, "Sige na uwi na kayo. Baka mahamugan si baby Jethro.." Ngiti ni Cadence.

"Thanks Cads and Stan.." Ani Mikael at hinawakan ang baywang ko para maigaya sa loob ng sasakyan.

Pinasibad agad ni Kuya Wilfred ang kotse patungo sa bahay ni Mikael. Kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ang bahay niya o kahit sino sa kanila.

Kay Cadence palang. Hindi man ako nakapasok sa loob nila Cadence dahil mas pinili ni Mikael na sa labas lang kami ay nakita ko ang kagandahan nun. Buhay na buhay ang garden nila, malamang ay nasa third floor ang bahay ng mag-asawa dahil sa laki.

"You happy?" Si Mikael ang unang nagsalita sa amin.

Inayos ko ng karga si Jethro na tulog na. Nilagay ko ang kanyang ulo sa aking dibdib. "Sobra.."

"I'm glad that you're happy.." He smiled at me.

Dalawang ikot ang ginawa ni Kuya Wilfred bago kami makarating sa isang malaking bahay. It kinda reflects Cadence's house. Malamang ay may third floor din ito pero mas malawak nga lang ng kaonti ang bahay na meron si Mikael..

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now