Chapter Two

19.9K 306 20
                                    

TWO

"What? Did he really do that? Ano? Anong level na kayo?" Kahit nasa telepono ay parang kitang kita ko na ang ngising aso ni Yel.

We're talking about Mikael, I can't sleep so I decided to call Yel mabuti nalang at hanggang ngayon ay gising pa rin siya.

"Um. Hindi ko pa alam? Pero we're okay naman.." Ayokong umasa. What if he's really like that? Friendly? Er.

"Umasa ka! Hangga't may buhay may pag-asa!" Narinig ko ang pagtawa ni Yel sa kabilang linya, "Ay! Anong oras nga pala tayo ulit kina Cadence?"

Pumikit ako at bumaling sa wall clock. "8am."

"Nandun si Mikael?" Tanong niya.

Napasadal ako sa headboard ng kama. "Siguro?"

"Alamin mo!"

Well he's gonna be there. Celebration yun para sa kasal nila Cadence at Stan, lahat silang magpipinsan ay nandoon tapos ay kami lang na mga malalapit na kaibigan ni Cadence ang pinapunta.

"Maiba nga 'ko, ano naman ang sinabi sayo ng bruha mong kapatid? Si Avinia?"

Great! Naalala ko nanaman yung nangyari kaninang pag-uwi ko. She's bitchin' out at ako nanaman ang napagbuntungan niya.

"Well, as usual.." Muli ay humugot ako ng isang malalim na hininga at pinakawalan iyon.

"Akala ko ba sa puso lang may tama yang ate mo? Bat pati sa utak?"

Natawa nalang ako kay Yel. Dalawa kaming magkapatid at ako ang bunso, yung kasabihan na madalas paborito ang mga bunso? No. Ang Ate ko ang pinakapaborito sa aming dalawa. Hindi ko nga alam kung anak ba ang turing sa akin ng mga magulang ko o ano.

Nang malaman namin na may sakit sa puso si Ate ay parang nawala ang dating atensyon na binibigay nila sa akin. I'm not jealous nor insecure. I can perfectly understand that ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan ipilit sa akin ang mga bagay na dapat ay si Ate ang gumagawa.

"You gonna fetch me here?" Kinuha ko ang unan sa aking tabi at inilagay sa akin para mayakap.

"I don't know? Text Cadence, sabihin mo pasundo ka kay Mikael!" Nilayo ko ang phone sa aking tainga dahil nabingi ako sa biglaan niyang pagtili!

Umiling ako sa aking sarili. "Are you insane? He's not my driver! Saka nakakahiya! We're not that close."

"Ows? Sa kwinento mong 'yon hindi pa kayo close?" Nanunuyang tanong ni Yel na nagpa-iling nanaman sa akin.

Hindi ko alam kung naging magandang ideya ba ang pagsabi ko sa kanya nang mga nangyari kanina o ano. Napangisi ako sa naisip.

"Oo nga no, Yel? We can text Cadence and tell her if Lorcan can fetch you?" Now it's payback time!

"Hoy, Umayos ka Aurora ha! Sinasabi ko sayo, ngungudngud kita sa nguso ni Mikael!"

Parehas kaming nagtawanan na dalawa. Isn't it illegal? We're fantasizing the Arrhenius' and it's kinda funny. Kasalanan nila iyon. Masyado kasi silang mga gwapo, e!

Natapos ang tawagan namin ni Yel at lumipas ang umaga. Mornings. Isa sa mga pinaka ayaw ko. Tuwing ganto ay nagiging plastic ako na tao.

"Oh? May lakad ka?" Ang pagtaas agad ng kilay ng aking kapatid ang nabungaran ko. Yeah, right. I should get used to it.

"At alam kong wala kang pake." I murmured, kasabay nang pagkakita ko sa aking kapatid ay ang pagkita ko rin sa aking mga magulang.

What a nice morning, Patricia!

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon