Chapter Twenty Four

8.1K 191 12
                                    

TWENTY FOUR

Flowers for you. Take care always

-M

Gusto ko na sanang magpatayo ng flower shop dahil araw-araw akong nakakatanggap ng bulaklak kay Mikael. Kahapon ay isang malaking sunflower ang natanggap ko. Ngayon naman ay mga Daffodil ang binigay niya sa akin.

Natutuwa ako sa efforts na ginagawa niya. Mikael is finally courting me! At walang araw na hindi niya ako napadadalhan ng regalo. We barely see each other dahil masyadong busy ang schedule ko sa school.

Madalas ay nagssleep over ako sa mga kaklase dahil nga sa mga Research. Pero kahit na ganoon ay lagi siyang tumatawag at nakikibalita.

Tomorrow is the schedule for Sir Syche's engagement party. Naghanda na ako ng excuse letter dahil panigurado akong aabsent bukas.

February 14 ang engagement nila. Didn't know that Sir Syche is that cheesy too. Pero ano nga ba ang dapat na ikagulat ko? They are mysterious. Hindi mo alam kung ano tumatakbo sa isipan nila.

It's already 8 in the evening and I'm still doing our assignment in General Biology 2. Pupunta na lang siguro ako ng school para ipapasa 'yon kay Arkeal.

Pagod akong gumawa ng square at nilinyahan ang mga 'yon. Dominant and Recessive? Hindi ko alam bakit ko kailangan pag-aralan ito!

Tinignan ko si Yel na masarap ang tulog. Nakaramdam agad ako ng pagka-antok. Pero hindi, I need to finish this now. Ayokong i rush lahat bukas.

Isang oras na ata akong nakikipagtitigan sa papel ko. Damn this Punnet Square! Ang dali lang pero wala akong maintindihan!

Bakit kaya kailangan pang problemahin ang magiging offspring ng mga bulaklak?

Natigil ako sa pagsusulat nang maramdaman ko ang pag-unat ni Yel.

"Nag-impake ka na?" She asked in a very sleepy tone.

Umiling ako. "Konti lang naman ang dadalhin ko. Ikaw? Kailangan ka ata ni Sir Syche dun."

"Yes. He needs me to know the updates about the sale. Madali lang naman yun."

Ngumuso ako at tinuloy ang ginagawa. Ginawa kong basehan ang mga notes ko sa notebook. Minsan talaga pag nagbibigay yung mga teachers ng assignment, labas sa mga naturo nila.

"Ano yan?" Lumapit si Yel sa akin at hinawakan ang likod ng upuan.

"Assignment."

"Tulungan na kita magimpake, ano ba dadalhin mo?"

Tinuro ko sa kanya ang iilang mga gamit sa labas ng maliit na maleta. Tumango si Yel at inayos na rin ang mga gamit ko.

Bumalik ako sa assignment. Dalawang tanong at isang essay.  Kaya ko na 'to.

Sa gitna nang pag gawa ko ay biglang nagring ang cellphone sa aking tabi. Awtomatiko ang pagguhit ng ngiti sa aking labi nang makita kung sino 'yon.

"Ang harot talaga!" Dinig kong bulong ni Yel sa gilid.

Umirap ako bago sagutin ang tawag. "Landiin mo na kasi si Lorcan."

"Hello.." he huskily said.

Tumalon ang puso ko sa aking dibdib nang marinig ang boses niya.

"Hello, tapos ka na sa trabaho?" Hindi ko mapigilang mapangiti.

Sinulyapan ko si Yel na pailing-iling na lang sa gilid.

"Yes. Kanina ko pa gusto tumawag." Ani Mikael, I heard his loud sigh.

"Hmm, bakit?"

"I wanna hear your voice."

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now