Chapter Twenty Seven

7.3K 187 6
                                    

TWENTY SEVEN

Hindi ko hinayaan na guluhin ako ng aking isip. I enjoyed my stay here with my friends, hindi ko masyadong nakasama si Mikael ngayon. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng space sa amin.

If Daile is right then Mikael is really hiding something. Ayoko ng ganun. Natatakot ako sa rason niya kung bakit itinago ni Mikael ang bagay na 'yon.

I'm packing my things and Yel is helping me with it. Alam niya ang maaga kong pag-alis pero hindi ko sinabi ang rason. Nagpalusot na lang ako na tungkol 'yon sa school.

"Papahatid ka sa boyfriend mo?" Tanong niya sa akin.

Napailing ako na wala sa oras. "Hindi ko siya boyfriend at hindi ako magpapahatid."

"Soon to be boyfriend." Paalala niya at siya na mismo ang nag zipper ng maleta.

Inabot ko 'yon at binaba. "Papaalam na lang ako kina Cadence at Sir Syche."

"Sa boyfriend mo?" Nangingiting tanong ni Yel sa akin.

Hinayaan ko na lang siya sa mga panunuya niya. Simpleng ripped jeans at tshirt lang ang sinuot ko. Nang matapos ko na ang pag-aayos ay lumabas ako ng kwarto para hanapin sina Cadence na paniguradong nagbababad sa dagat.

Naabutan ko si Jasper at Lorcan na nag-uusap. Lumipad ang tingin ni Lorcan sa akim. I tried to avoid his stare pero sadyang nananadya ang isang 'to.

"Hello future sister in law." Nakangiting wika ni Lorcan sa akin.

Nilingon ko si Jasper na tipid lang na ngumiti. Ganoon din ako.

"Looking for my brother?" Tanong nito.

Umiling ako. "Sina Cadence? Aalis na ako."

Kunot noo akong tinignan ni Lorcan. It looks like he saw a ghost in front of him.

"So my brother's gonna drive you home?"

Muli akong umiling sa kanya. "Commute ako."

"Why not?"

Nahirapan ako sa pagiging makulit nitong si Lorcan. Buti na lang ay paparating sa direksyon namin si Cadence, I teased him with my look kaya siya na mismo ang umiwas at hindi na hinintay pa ang magiging sagot ko.

"Aurora, good morning!" Bati ni Cads at niyakap ako.

Gumanti ako sa kanya at binigyan siya ng mabilisang halik sa pisngi. "Aalis na pala ako. Biglang may gawain sa school, e. Ako ang leader kaya hindi pwede umabsent."

Napalabi si Cadence sa akin. I'm so sorry for lying.

"Alam ni Mikael?"

Tumango na lang ako. "Si Sir Syche? I just want to thank him for inviting me. Ang bait niya talagang boss."

"Apparently he's with Mikael.." Niyakap ni Cadence ang braso nito sa biglang simoy ng hangin. "Pero kung alam naman ni Mikael na aalis ka baka sabihin na lang rin niya 'yon kay Syche.."

Fuck! Hindi alam ni Mikael! Lalo akong nahirapan sa pag-alis ha? I don't want sir Syche to feel that I'm rude for not thanking him. Nakakainis. Paano ba 'to? Pwede ko na lang bang itext si Sir at mag pasalamat?

"May maghahatid ba sayo? I can call Stan to escort you.."

Mabilis akong umiling sa alok ni Cadence. "Malapit lang naman yung bahay ni Yel dito.."

"Si Dan? Hindi ka ba niya pwedeng ihatid?"

"Pwede."

Napalingon kami ni Cadence sa nagsalita. It was our Dan Jace. Naka itim na sando at khaki lang ito.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now