Chapter Fifty

9K 232 31
                                    

FIFTY (This is the last chapter. Thank you po sa paghihintay ng mga matagal kong update, kahit na iniwan ko siya ng ilang taon ay bumalik ako para tapusin sina Mikael at nandito pa rin kayo na nagbabasa sa kanya.)

"That is not a good idea!" Bulalas ni Yel at masama akong tinignan.

Mukhang si Dan ay suportado ngayon si Yel. They both don't want me to leave. Gusto ko lang naman ng oras at ng space sa lahat ng mga nangyayari pero hindi ko maintindihan bakit ayaw nila ako paalisin?

"Kilala naman ako ni Jethro, he'll gonna miss me for weeks but-" pinutol ni Yel ang sasabihin ko.

"Patricia Aurora Ante! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? No! You're not running away again!" Yel hissed at me. Ingat na ingat siyang hindi magising si Jethro.

Napahilamos ako sa aking mukha dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi inaasahang aatakihin si Ate at itataboy ako nila Papa. This is not part of my plan! Ang gusto ko lang naman ay sabihin kay Ate ang relasyon namin ni Mikael..

"There's still another way, Aurora.." Kalmadong wika ni Dan sa tabi ko.

"Ano ang naiisip mo Dan? Magbigay ka nga ng malaman ni Aurora na may iba pa ngang paraan!" Ani Yel.

"Talk to your sister." Agad na sagot ni Dan.

Halos malaglag ang panga ni Yel bago umikot ang mata nito. "So that's the other way for you?"

"Come on, Yel! Magkapatid pa rin sila ni Avinia. Kahit naman siguro papaano ay may mga alaala sila na masaya, diba?"

"Yes and her sister's an attention seeker kind of a bitch now.." Walang gana na sinabi ni Yel.

"Iyon ang naiisip kong paraan, Aurora." Bumaling sa akin si Dan, "Convince your sister to let Mikael go. To cancel the wedding."

I bit my lowerlip to his suggestion. The chance of me convincing my sister is very low. Hindi ko nga alam kung kakausapin pa ba ako ni Ate Avinia, eh. Ang isa pa, siguradong hindi ako hahayaan nila Papa na makapasok man lang sa kwarto ni Ate. They hate me to bits!

"Hindi naman kailangan lagi ka nalang tumakbo sa lahat, Aurora." Si Yel na ngayon ang nagsalita.

Tinitigan ko lang siya at hinayaan na ipagpatuloy ang sinasabi.

"Mikael is already fighting for the both of you. Remember Cadence? She fought with Stan, same with Justine. Sinuportahan niya rin si Sevhire na lumalaban sa kanya. You should do the same for Mikael.."

"Pero ayokong masira siya sa pamilya niya."

Dan sighed. "Si Stan at Cadence nga nakaahon, they were known as relatives. Pero nakaya nila. Kayo pa kaya?"

"Maybe you should really talk to your sister.." Ani Yel.

Tumango ako at nanghingi ng oras sakanila. Iniwan ako nila Dan at Yel sa loob, agad ko namang pinuntahan si Jethro na mahimbing na natutulog.

Anak, alam ko na sa ngayon ay hindi mo pa naiintindihan ang mga nangyayari at pinagpapasalamatan ko na wala ka pang muwang dahil kung meron, malamang masasaktan ka at ayokong mangyari yun.

I wanted to give you a normal life with your father. I love him and I love you too. Maybe this is the time to be brave, to fight what's for me. To fight for my happiness at kung hindi nila matanggap 'yon, kung hindi nila ipaghihintulutan iyon sa akin ay hindi ko na pipilitin pa ang sarili kong matanggap nila.

"I'm sorry, anak." I whispered to the wind. Hinaplos ko ang kanyang noo at binigyan siya ng isang halik. "Huwag ka mag-alala, kami na ni Papa mo ang bahala."

Umalis ako sa building at nagpaalam kina Dan. Hindi ko sigurado kung gagana ba ang plano namin na ito pero sana ay oo, dahil kung hindi? Wala na akong ibang alam na gagawin.

Pagkarating ko sa hospital ay agad kong tinungo ang kwarto ni Ate. My dad and mom are not there. Siguro ay saglit itong umuwi sa bahay. Wala na rin si Mikael doon at malamang ay nagkasalisi kami. He's surely been texting me pero hindi ko pa nabubuksan ang cellphone ko.

Kabado kong pinihit ang doorknob af pumasok sa loob. My sister is awake now, tinignan niya ako habang pumapasok.

"Anong ginagawa mo dito?" Matalim na tanong niya sa akin.

Umayos ako ng tayo sa harapan niya. "Ate.."

"Umalis ka dito, Aurora." She said without looking at me.

"I just want you to hear me. Tapos aalis na ako." I gulped as I look at her.

Kumunot ang noo ni Ate, I don't know if she's going to buy it or not. Bigla na lang umusbong ang di pamilyar na emosyon sa akin.

"I'm.. I'm sorry, ate.."

"For what? Kinakaawaan mo 'ko? Dahil hindi na ako papakasalan ni Mikael?" Utas niya sa akin.

Umiling ako. "Ate you were the only one who planned for the wedding, ni hindi alam ni Mikael 'yon!"

"Because we were okay before you!" Pinanlakihan niya ako ng mata. I can see that her tears are going to fall at any moment.

"Nauna ako.." Dahan-dahan kong sinabi sa kanya, I'm trying my best not to trigger her.

"Pero hindi mo siya pinagkatiwalaan gaya ng pagtitiwala ko sa kanya. Kaya ka umalis diba? Because of him? Because you thought we had a thing. You didn't trust him, enough! Akala mo masyadong mababaw ang pagmamahal niya sayo!"

"Alam ko at kasalanan ko 'yon. Kasalanan ko na umalis ako--"

"Eh bakit ka pa bumalik? Why do you have to ruined everything? Napalaki mo ang anak mo ng wala siya.. bakit ngayon pa, Aurora?"

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa akin. "Because I love him.."

My sister sarcastically chuckled. "Love him? Masyado bang malakas ang pagmamahal na yan kaya wala ka ng pakialam sa akin?"

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanyang kama at hinayaan lang ako ni Ate. Tinignan ko siya ng ilang segundo at naalala ko agad ang mga alaala namin noong mga bata pa kami.

Noong wala pa kaming problema sa isa't-isa..

"Lagi lagi akong nagpaparaya sayo. May sakit ka man o wala, lagi akong nagpaparaya para sayo. I'm sorry if I cannot do that this time. I'm sorry if I need to fight for him. I know it sounds bad because we are fighting over a guy and I'm sorry for that... Sorry kung hindi ko siya mabigay kasi..." I trailed off, "kasi si Mikael ang pumipili sa akin sa mga oras na ikaw ang pinipili nila Mama.."

Tuluyan na akong napaiyak sa harapan ni Ate, pinipilit ko na lang na magsalita kahit ang sakit sakit na. Ang maalala ang mga salitang isinaksak sa akin ng aking magulang ay bangungot para sa akin. But I need to tell her everything.

"Si Mikael ang nagparamdam sa akin na may kwenta ako sa mundo, siya yung nagparamdam sa akin na karapatdapat pa rin akong mahalin. Kasi Ate? Simula noong nalaman namin na may sakit ka sa puso? Pakiramdam ko nabura ako sa pamilya natin. Puro ikaw, puro ikaw kailangan dapat laging ikaw. Pero paano naman ako?" I looked at her hand, I didn't hesitate and I held her hand. My sister looked at me, shocked. Ngumiti lang ako.

"Sorry Ate, kung kailangan pa nating magkagulo dahil kay Mikael pero believe me. Kung ibang bagay ang pinag-aawayan natin ngayon, magpapatalo agad ako. Dahil alam ko kung gaano mo kailangan ng lahat, dahil alam ko... alam ko na.. alam ko na yung sakit mo ay hindi basta-basta pero ate, s-si Mikael lang naman ang ipinagdamot ko diba?"

I smiled at her and wiped my tears again. Stupid tears! Hindi ako makasalita ng maayos.

"Naiinggit ako sayo, kasi lahat ng pagmamahal na ibinubuhos nila mama, sayo lang. Na handa nila akong itakwil para lang sayo..Kung ako ba yung may sakit ganyan din kaya sila sa akin?" I laughed at that. Actually that's just a loud thought.

Inayos ko na ang aking buhok. Nasabi ko na ang lahat sa kanya. "Salamat sa pakikikinig, aalis na ako."














Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now