Chapter Thirty Seven

7.9K 240 12
                                    

THIRTY SEVEN

"Bakit nandito si Lorcan? Are you guys, okay? Sinabi mo na kay Mikael?" Paulit-ulit na tanong ni Ervin habang nasa biyahe kami.

Tinignan ko sa salamin si Jethro na mahimbing na natutulog kay Yel. Techinically, parehas silang tulog sa likod at nandito ako sa harap kasama si Ervin.

"Sa photoshoot niya."

Tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin.

Nandito na kami. Ginising ko si Yel at kinusot pa niya ang mata.

"Salamat, Erv." Antok pa na sabi ni Yel at bumaba bitbit ang anak ko.

"Can we talk for a sec?" Pigil ni Ervin sa akin. "Okay ka lang?"

Tumango ako at binigyan siya ng ngiti kahit na alam kong hindi yon bebenta sa kanya.

"You don't look okay to me." Sigurado niyang sinabi, "Baka mabaliw ka diyan. Come on spill the beans.."

"Dapat dinaanan nalang natin si Erlinda, iikot ka pa tuloy.."

"She can wait.." Ani Ervin, "Magsabi ka na sa akin, Patricia.."

Bumuntong hininga ako. Sa lahat ng mga pinagsamahan namin ni Ervin ay baka nga kailangan na niyang marinig ang mga nasa isip ko.

"Nagulat na lang kami nandun na si Lorcan. Wala akong plano na ipakita si Jeth sa kanya pero.." Nag-umpisa nang mangilid ang luha ko sa aking mata. "Nakita na niya si Jethro, Erv. Hindi na niya kailangan ng isa pang tingin sa anak ko para malaman niya kung sino ang tatay ni Jethro.."

Ervin handed me some tissues, alam kong nakikinig lang siya sa akin.

"Baka.. bukas o di kaya mamaya, kumatok na sa pintuan si Mikael! Baka mamaya kunin na niya sa akin si Jethro, Erv." Hindi ko na nakayanan ng biglang lumitaw ang aking sinasabi sa isipan ko.

"Mikael isn't like that, Pat.." Kalmadong wika ni Ervin habang hinahawakan ang balikat ko. "Hindi ko man siya kilalang-kilala pero alam ko na hindi siya ganun."

"Alam niya na kasal tayo."

Natigilan si Ervin sa pag-alu sa akin, I know. He will be confuse too just like me,  earlier..

"Sinabi ni Yel noon kay Mikael na boyfriend kita para tigilan na ako ni Mikael. Limang buwan akong buntis kay Jethro noon, nasabi lang naman ni Yel yun dahil ikaw ang lagi kong kasama at kung si Dan naman ay hindi maniniwala si Mikael.." Pilit kong paliwanag kahit na may bumabagsak ng mga luha sa akin.

Napasandal si Ervin sa kanyang upuan. Magagalit kaya ito?

"Pero hindi ko alam kung bakit ang nasa isip ni Mikael ngayon ay asawa na kita."

"Hindi mo ba naisip na baka nakita na niya si Jethro noon?" Tanong ni Ervin.

Umiling ako. "Sa opisina lang madalas si Jethro.."

"Sino ba nakakaalam?"

Wala naman masyado. It would be too imposible if my sister told him that. Wala namang pakialam si Ate Avinia sa akin.

"Kung pinayagan mo lang sana ako na.."

Napatingin ako kay Ervin. Alam ko na ang sasabihin niya at ayokong mapag-usapan 'yon.

"Erlinda is a nice girl, Erv. You're lucky to have her.."

Tumango si Ervin. "Yes she is. Sinasabi ko lang."

Nagpaalam na ako kay Ervin, I waved him goodbye and watched him leave. Alam kong umasa din si Ervin noon pero nabigyan ko naman siya ng malinaw na dahilan. We will be better if we're just friends.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now