Chapter Eight

8.8K 201 10
                                    

EIGHT

"Seryoso ka?! Iyon ang sinabi sayo?"

Sumimangot ako lalo sa naging reaksyon ni Yel. Hindi ko naman siya masisisi, kahit naman ako din ay nagulat. But maybe he is just worried, nagtatrabaho ako sa kompanya niya tapos ay magwawalwal lang ako at hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko?

Tumango ako sa kanya at pagod na umupo.

"Tama din naman kasi siya."

Nilapitan ako ni Yel, nagulat ako nang haplusin niya ang aking buhok. "Sorry, Aurora. Dapat ay hindi ka na namin inaasar kay Mikael na 'yon."

"Bakit naman?"

Umupo si Yel sa harapan ko at inihilig ang baba sa mesa. "He is not for you. Masyadong malayo ang agwat niyong dalawa."

Alam ko naman 'yon. Sa klaseng tao niya? Ang hirap abutin, e. Lalo na sa katulad ko na wala pang napapatunayan, nagtatrabaho lang sa kompanya ng kaibigan ko at parang hangin lang sa mga magulang.

Great, Aurora! You have a very good life!

Tiyak na magugustuhan ka ni Mikael niyan!

Pumangalumbaba ako at bumuntong hininga. This is just a simple crush, Aurora! Huwag kang mag emote masyado diyan!

"Kaya nga pinakilala namin sayo yung lalaki sa bar! Alam mo yon?" Tumayo siya at ikonompas ang kanyang mga kamay. "You can always find your true love at the bar!"

Napangiwi ako, napansin ko ang pagtitinginan sa amin ng iba naming katrabaho, oh come on, when will Yel stop getting everyone's attention?

"Umupo ka nga!" Singhal ko sa kanya.

"Pero sino ba yung lalaking 'yon? Ano ulit pangalan? Eric? Erwin? Ano?"

"Ervin, kasi!"

Ewan ko ba dito sa kaibigan ko. Bakit kaya masyado siyang excited na magkalovelife ako? Kinuha ko ang salamin sa gilid ng table at tinignan ang aking repleksyon. Kahit na halos limang oras na ako sa opisina ay mabuti na lang hindi pa kumukupas ang aking make-up.

"Ahhh! Oo, ka edad mo lang 'yon diba? Malay mo siya yung Mr. Right mo?"

Hindi ko siya pinansin at tinignan ang phone ko. Ervin and I are both texting each other. Nalaman kong 7pm ang uwian niya sa eskwelahan, ako naman, alas nuebe ng gabi.

Mr. Singkit:

Seryoso ako. Hihintayin kita. :)

Agad na uminit ang pisngi ko sa aking nabasa. Pagka-uwi ko kagabi ay hindi agad ako nakatulog, nagmessage sa akin si Ervin non, dahil nga hindi ako makatulog at kinausap ko na rin siya. Hanggang sa magbigayan na kami ng number.

I can sense that Ervin is a nice guy, he said that he is an achiever to his class, magaling din daw siya sa table tennis.

Gusto nga din daw niya ako turuan.

Nagtipa ako ng isasagot sa kanya.

Ako:

Mamaya pa ako uuwi, gusto ko mag OT.

Pagbalik ko nang tingin kay Yel ay naabutan ko ang kanyang humahabang leeg na pilit sinisipat ang ginagawa ko.

"Yel naman!" Ang tsismosa talaga!

"What? Hay. Nakakalungkot. Pero okay lang, halata na kaya na hindi na si Sir Mikael ang tinitibok ng puso mo.."

"Hindi naman talaga siya.. It was just... A plain crush."

Tumango tango si Yel pero pakiramdam ko ay hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "And you are not his type. Malamang ay gusto niya 'yong hindi nagwawal-wal."

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now