Chapter Four

10.8K 269 8
                                    

FOUR

Iyon na siguro ang huli naming pagkikita ni Mikael. He's busy with his works at ganoon na rin ako sa trabaho. Hindi ko na nakikita si Cadence, umalis kasi sila ni Stan at lumipad sa ibang bansa. Maybe they are doing their honeymoon there. Si Yel lang ngayon ang nakakasama ko.

"Aurora, tignan mo nga 'to. Nakakainis si Bautista, ano? Work time pero babe time ang inaatupag." Iiling-iling na sabi sa akin ni Yel.

Sinipat ko naman ang taong kinaiinisan niya. She is Jewel Bautista. Ang HR ng kompanya. Ang lakas nga ng loob na makipag Video call sa jowa gayong dapat ay abala kami sa trabaho.

"Isumbong kaya natin kay Sir Syche?" Dagdag pa ng kaibigan ko.

Agad 'kong hinarangan ang isip ni Yel. "Baliw! Hayaan mo na nga siya. Ganyan lang talaga ang mga uhaw sa pag-ibig."

Parehas kaming natawa. Pagkatapos ay bumalik na sa trabaho. Sinilip ko muli si Jewel, nababadtrip ako dahil hindi niya nagagawa ng maayos yung trabaho niya.

Para nga sa akin ay iyon ang pinaka madaling trabaho.

Okay pasok ka na. Sige anong pangalan mo? . Iyan lang naman ang sasabihin.

Kung gusto mo ngang pagtripan ang iniinterview mo ay pwede!

Natapos ang apat na oras at kalahating trabaho namin kaya ngayon ay break time. Nakaugalian na namin ni Yel na laging magkasama.

"Gusto ko ng umuwi! Namimiss ko na mga aso ko dun!" Reklamo nito.

Sumimangot ako. "Ako, ayoko." Makikita ko nanaman yung sipsip kong kapatid.

Sumabit siya sa braso ko, "Gusto mo mamayang uwian ay doon ka muna sa bahay? Movie marathon tayo!"

We giggled like a little children. Masaya kaming nagbibiruan ni Yel nang makasalubong namin ang pangit na si Dan.

"Oy!" Sigaw niya sa amin.

Mabilis nag shift ang ekspresyon namin ni Yel, tumakbo kami kay Dan at itinapon ang sarili namin dito.

"Dan! Hayop ka!" Ani Yel habang nakasabit kay Dan.

Ako naman ay mahigpit lang na nakayakap sa kanya. Hindi na kasi pumapasok si Dan sa kumpanya, he's a great photographer now kaya malaking bagay na naalala niya kami at bumista pa rito.

"Mga baliw na 'to? Namiss niyo naman ako masyado." Tudyo niya sa amin.

Umupo kami sa usual na table naming tatlo. Wala pa kaming inoorder at inuna namin ang pakikipagkwentuhan.

"Ano? Naisipan mo bang bumalik dito?" Si Yel ang nagtanong.

Napahawak si Dan sa batok nito. "Ayoko, Yel."

Sabay kaming napanganga ni Yel. Bakit naman? Mas madali ang trabaho niya dito, kaysa naman sa pagkukuha ng litrato at kailangan niya pang pumunta ng iba't-ibang lugar. But maybe, he likes to explore kaya ganon.

"Sayang, dami pa naman mga bagong chix dito." Ani Yel, baka magbago pa ang isip ni Dan.

Humalakhak ito at sinuyod ang medyong humahaba na niyang buhok, napansin ko  ang pag kinang ng piercings ni Dan sa kanan niyang tainga.

"Ang bad boy mo talaga." Puna ko dito.

"Ano, Aurora? Hindi ako bad boy." Natatawang turan ni Dan, "Ikaw talaga porque may gusto sa pinsan ni Arrhenius!"

"Sinong Arrhenius, Dan? Marami silang Arrhenius dito." Ani Yel

Umirap ako sa kanilang dalawa. Yeah right, ako nanaman ang nakita ng barkada!

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now