Chapter Forty Six

7.4K 197 15
                                    

FORTY SIX

Hindi agad ako nakasagot kay Mama. Wala rin naman kasi akong makapa na mga salita sa kanya.

"I want to see Jethro tomorrow, okay? Na kay Yel ka pa ba?" Tanong pa niya na lalong nakapagpakaba sa akin.

"U-Uh.. B-Busy kasi ako, ma.."

May naramdaman akong hangin sa aking phone, halatang napabuga si Mama ng hininga sa sinabi ko.

"But I want to see him, Aurora. Nakapamili pa naman ako ng mga damit para sa kanya. Your father wants to see him, too!"

Si Dad?

"Alam na niya?" Lumingon ako kina Cadence na hindi pinapansin kung sino ang kausap ko.

"Yes! Sinabi ko sa dad mo.."

"Anong sabi niya?" Was he mad? Inisip ba niya na tama ang mga sinabi niya sa akin?

"Wala, Aurora. He's fine with it."

Napangiti na lang ako. Atleast hindi na ako mamomroblema kina Dad dahil ayos lang naman pala 'yon sa kanya.

"Your ate wants to see you too.."

Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. At bakit naman ako gustong makita ni Ate?

"Para saan po? Para insultuhin ako?"

"Aurora!" Saway niya sa sinabi ko.

Wala namang ibang rason si Ate para kitain ako? Alangan humingi siya ng tawad sa akin? Aba malaking himala 'yon.

"Ma, pasabi kay Ate na hindi na kami mga bata. She should stop bitching on me."

"She just wants to share a good news!"

Napairap ako sa kawalan. Muli akong sumulyap kay Cadence na nakatingin na sa akin gamit ang nagtatanong niyang mga mata.

Pinatay ko na ang tawag kay Mama bago ako pumayag na makipagkita kay Ate bukas. Whatever her reason is, hindi ko alam. Ano nga kaya ang pwedeng rason niya para makipagkita sa akin?

Dahil sa nangyaring yun ay nawalan ako ng gana sa panunuod. I know, It shouldn't be like this pero hindi ko maiwasan na kabahan.

Ano nga ba ang pwedeng rason?

"Sino yon?" Bungad na tanong ni Cadence sa akin.

Binalik ko sa lamesa ang phone ko at naupo muli sakanila.

"Si mama, nakauwi na daw sila." Anunsyo ko.

"I dont know if that is a good news or what?" Ani Yel.

"Pero hayaan niyo muna! Tara manuod nalang ulit tayo!" Pilit kong pinapagaan ang ambiance na biglang bumigat.

Hindi naman nila ako tinanong pa. Nagpatuloy lang ang panunuod namin ng mga iba't-ibang movies hanggang sa kahit ako ay hindi ko na naisip ang biglang pagtawag nun ni Mama.

I admit that I'm still wondering. Ano kaya ang ginawa nila sa ilang araw na wala sila dito? Baka naman magaling na si Ate sa sakit niya?

At sasabihin niya ito sa akin?

Alam kong dapat ay uuwi ako ngayon pero hindi ko naman kayang ipakita kay Mikael na may bumabagabag sa akin.

Dinampot ko ang aking cellphone paea itext siya.

Ako:

Hindi ako pinapauwi nila Yel. Dito daw kami matutulog.

Kahit kalalapag ko pa lang ng aking phone ay naramdaman ko agad ang pagvibrate nito.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora