Chapter Three

16.9K 298 21
                                    

THREE

Kulang na lang ay hilingin ko na kunin ako ng lupa sa nangyari. It's pretty obvious. I'm not numb enough I know that he's flirting! Mula sa galawan, alam na alam ko!

May matinong pakinabang rin pala ang madalas na pagsama ko noon kay Dan.

Matagal bago ako sumunod kay Mikael, ayokong sumabay. That was so embarassing! Sana ay sinabi nalang niya na may lumagpas na lipstick sa labi ko!

Okay, Aurora.. ang OA mo na, nag assume kasi ako, e!

"Aurora! Ang tagal mo!" Hinila na ako ni Yel papunta sa table namin.

May nakahanda ng mga plato doon. Nagpacatering pala sina Cadence. Hinanap muna ng mata ko si Cadence at napangiti ako nang makita ko agad siya.

"Aurora!"

Nakangiting lumapit sa akin si Cadence, she's wearing a pink dress na above the knee tapos ay may clip pa sa kanyang buhok. Anong trip ng babaeng to? Mukhang mas bata pa siya sa akin!

Yumakap ako agad sa kanya at nagbeso. Napairap ako nang maaninag si Stan na nakabuntot sa kanyang asawa.

Kaya pala, nandito si Dan, eh. May gusto pa naman yung ugok na yun kay Cadence.

"Hi Cadence!" Napatayo na rin si Yel at bumeso sa kaibigan namin.

"Buti nakapunta kayo." Nakangiti niyang saad, nakita kong umakbay sa kanya si Stan.

"Okay lang! Syempre kaibigan ka namin. Si Daile?" Tanong ni Yel.

Ngumuso si Cadence at tinuro si Daile na may kasamang lalaki. Opps, busy siya Yel. Busy sa boylet niya.

"Kain na kayo." Ani Stan sa amin.

Tumango kami ni Yel. Hindi na rin nagtagal si Cadence sa amin dahil kinakausap pa ang iba niyang kaibigan at kaibigan din ni Stan. Highschool friends, maybe?

Umupo na ulit kami ni Yel. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay, ang laki talaga ng mansyon ng mga Arrhenius dahil ang daming tao dito!

Puro mga bigatin. May kilala pa akong ilang artista at yung iba ay galing pa sa politika.

"Huy!" Naramdaman ko ang siko ni Yel sa akin.

Nilingon ko siya. "Ha?"

"Kain na tayo?" Anyaya niya sa akin.

Tumango ako. "Ikaw muna." Wala pa rin kasi akong gana simula sa nangyari kanina.

"Sigurado ka? Sige."

Pinanuod ko siya na tumayo, halos mapa tumbling ako sa tawa nang makitang nagkabanggan sila ni Lorcan!

Crush na crush pa naman ni Yel si Lorcan!

Busy ako sa pagpipigil ng tawa na hindi ko namalayan ang pag upo ni Mikael sa tabi ko.

Fuck!

"Hi." Kalmado niyang bati sa akin.

Sa isang iglap ay biglang nanlamig ang mga kamay ko. Really, Aurora? Ganito ka, ka affected sa simpleng Hi niya?

"Uy, hi din." What the hell? Anong klaseng bati yan?

Hindi ko maipokus ang tingin ko sa kanya kaya inabala ko nalang ang aking mga mata kay Yel na kausap na ngayon si Lorcan.

"Why won't you look at me?" He said huskily.

Napakuyom ako bigla. My heart is beating real fast! Parang nakikipagkarera ang puso ko sa kung ano sa sobrang bilis ng tibok nito!

"H-Hindi naman, ha?" Tumingin ako saglit sa kanya at nagbalik ng tingin kay Yel.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon