Chapter Five

9.9K 196 6
                                    

FIVE

Umalis na sina Mikael at Sir Syche pagkatapos nun, Mikael just checked the facilities of our office. Hindi ko alam kung bakit parang nagkaroon sila ng biglaang fieldtrip ni Sir Syche.

At ako? Hindi ako halos makahinga. Seeing him that close to me? At crush ko pa siya? Saludo na nga ako sa sarili ko at hindi ako nahimatay habang hawak hawak niya ang kamay ko!

"God, Patricia!" Bunganga ni Yel ang sumalubong sa tila lutang ko pa na katuhan, "They are so damn fine!"

Panay ang yugyog sa akin ni Yel habang si Dan ay binibigyan kami ng isang nakakairitang tingin, hindi pa rin ako makapaniwala. He remembered me!

"Shit! Ang tagal na nung kasal ni Cadence, a? Pero naalala ka niya! Shit talaga!" Sabi pa ni Yel at halos mapapadyak na sa sobrang kilig.

"Tumahimik ka nga Yel!" Saway ni Dan dito, tila naiinis na.

I won't blame him for acting like that, we are getting our officemate's attention dahil nga sa mga tili ni Yel.

"Huwag ka ngang seloso! Alam mo, ganyan ka kasi puro Arrhenius ang nagugustuhan namin. Bakit kasi hindi diba?"

Hindi ko na pinansin ang dalawa na nagtatalo, bakit nga ba talaga hindi diba? Simple lang. Bukod sa nakakaloose thread sila ng panty ay hindi lang sila basta mayaman. They are very smart and known to topnotch board exams. Oo, marami silang nagiging fling pero hindi sunod-sunod.

They have their women one at a time, at hindi lang nila basta basta tinatapon ang mga babaeng nakakasama nila.

Which made me think, sino na kaya ang mga babaeng nakasama ni Mikael?

"Patricia!!" Muling yugyog sa akin ni Yel.

"Ano ba, Yel? Huwag ngang Patricia, hindi ako sanay."

"Tologo bo? Si Sir Mikael pag yan tinatawag sayo, gustong gusto mo tapos kapag kami ay hindi ka sanay?"

Ano? Napabuntong hininga na lang ako sa mga walang kwentang sinasabi ng kaibigan ko, si Dan naman ay parang pinagsisisihan na ang pagpunta dito.

"Grabe no! Grabe talaga! Kahit si Syche na lang sa akin!" Tinakpan na ni Yel ang mukha niya sa kilig.

Napaupo ako at pinagmamasdan siya sa baliw niyang mga inaarte. Si Sir Syche? Balita ko ay may girlfriend na iyon at malapit nang ikasal!

"Wala kang pag-asa sa Syche na 'yon! Ayaw niya ng mga chubby na kagaya mo!" Panunuya pa ni Dan kaya sinamaan siya ng tingin ni Yel.

"Kapal mo! Hindi ka lang nagustuhan ni Cadence!"

Wala ako sa aking sarili sa buong office hours namin, Oo na lang ako ng oo sa lahat ng sinasabi sa akin si Yel na hanggang ngayon ay inaabot ng kilig niya.

Si Dan ay umalis na, hindi ko alam kung babalik pa ba siya mamaya para sana sa walwalan naming magkakaibigan.

"Ano kaya, Aurora, saan tayo? Sa Styx?" Narinig kong tanong ni Yel sa cubicle niya.

"Nirerenovate ang Styx. Mag Mamshies na lang tayo."

Iyon ang bagong open na bar dito sa Cavite, mukha namang mura kada tower doon.

"Sige, wait lang. Sasama ata sina Meine at Kyle."

Hindi na ako nagreklamo. The more the merrier, para na rin hindi mabigat sa bulsa ang ambagan.

"Ano? Papaalam ka pa ba sa mga magulang mo?" Tanong ni Yel.

Kinuha ko ang phone ko sa gilid para tignan kung may mga text na ba sina Mama sa akin.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now