Chapter Thirteen

8K 170 5
                                    

THIRTEEN

Wala akong ganang pumasok sa trabaho ngayon. My friends are no longer here now, nandun na sila sa kabilang kompanya. Although it's not miles away from this company ay wala naman akong ibang makausap dito.

Si Ana ang ipinalit sa cubicle ni Yel, she is a good friend but I just can't get along to their trip sometimes.

"Ikaw, Aurora? Sasabay ka?" Tanong sa akin ni Sophia, she is with her friends. Kasama si Ana doon pati sina Steve.

Umiling ako. "Okay lang ako dito. Kain na kayo."

"Sigurado ka?" Tanong ni Steve sa akin, he is holding his lunch box.

Tumango ako sa kanya.

Lumapit sa akin si Steve at humilig sa cubicle ko, "Gusto mo samahan nalang kita?"

"Kaya naman ni Aurora sarili niya, Steve. Tara na!" Hila ni Jannella sa kanya.

Nagpahila lang si Steve kay Jannella, kitang-kita ko ang mga mukha nila. They are all happy. Ni hindi nila naramdaman na may nabawas sa amin.

Like what I've said earlier, they are good friends. Minsan nga lang ay kahit gaano pa sila kabait ay hindi mo mararamdaman na kasali ka sa grupo nila dahil iba ang hilig mo.

I will get used to it. Mamimiss ko lang siguro si Yel saglit tapos ay makikisama na ako kina Ana, si Yel kasi ay simula't sapol na nakakasama ko. She's outgoing and easy to be friend with. Siya nga rin ang naging tulay kung bakit kami naging malapit nila Cadence.

Speaking of Cadence, kailan kaya ulit iyon mapapadalaw dito? Mukhang masyadong kinukulong iyon ni Stan ha? Ang lalaki talaga na 'yon. Nakuha lang si Cadence ay hindi na pinakawalan!

I remembered the times when Cadence cried because we were against with it. Sobrang nakonsensya ako nung araw na 'yon! Pero mahal ko lang talaga siya. Alam ko na mali iyon.

Buti nga lang ay hindi talaga sila magkadugo.

"Why are you here, alone?"

Nag-angat ako ng tingin. Si Sir Syche ay nasa harapan ko na, nanlaki pa ang mata ko nang makita ko siya! He's wearing his usual suit at ang...

Hay nako mga Arrhenius!

"Uhm... Okay lang sir, hindi rin naman po ako gutom." Ngumiti ako, "Tatapusin ko na lang itong mga papel at para mabilis din akong makauwi."

Tumango ng marahan si Sir Syche. Pumasok siya sa loob at inangat ang mga papeles na tinitignan ko.

"Approve this all." He said.

Napatigagal ako sa narinig. "Po?"

May kinuha si Sir Syche sa likod ng kanyang bulsa. It is a leather wallet, binuklat niya iyon at may kinuhang isang card. Kulay black iyon at nilahad sa akin.

"Take this." Ani Sir Syche sa akin.

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Bat niya binibigay sa akin 'to?! Alam ko ang may mga ganitong card ay milyon-milyon ang laman kaya bakit niya iyon binibigay sa akin?

Tumikhim si Sir Syche sa akin, "You approved the paper from MangetiqueGun industry and they are going to host a party for it. Gusto ko na ikaw ang pumunta bilang representative ng kompanya na ito dahil ikaw ang nakakaalam ng proposal nila.."

Halos icalculate ko pa ang sinabi ni sir Syche. What? I'm going to be there as a representative?!

"A-Ako lang p-po?" Turo ko sa aking sarili.

"And my cousin, too." Aniya at may diin talaga sa huling salita niya.

Cousin? Sino? Si Mikael? Pero hindi lang naman si Mikael ang pinsan niya, diba? Saka kung si Mikael ay.... baka umayaw ako.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon