Chapter Seventeen

7.8K 227 12
                                    

SEVENTEEN

"Patricia Aurora Ante, what is the meaning of Stoichiometry?"

Naalis ako sa aking iniisip nang marinig ko bigla ang pangalan ko. Dagli akong tumayo at hinarap ang matanda kong guro.

"It is the balancing of equations." Simpleng sagot ko pero alam kong tama.

Tumango si Sir Alejano sa akin. He's always grumpy. Hindi lang sa akin kundi sa buong klase. Iniintindi nalang namin dahil nga may katandaan na, but he is good at teaching General Chemistry 2.

Pumwesto si Sir sa harapan at muling tinuro ang lahat tungkol sa Chemical Kinetics.

Binuksan ko ang aking Blue na notebook. Sir Alejano required this color. Hindi na kami tumanggi dahil akma naman sa aming subject.

"Patricia?" Nilingon ko si Arkeal na tumawag sa akin. Nakita ko agad ang pamilyar na mata sa kanya. "Buti nakasagot ka!"

Arkeal is Ervin's cousin. Nasa kolehiyo na ngayon si Ervin.

Tumango ako, nang isinulat na ni Sir Alejano ang iilang terms para sa aming lesson ay nagsimula ko na rin iyong isulat sa aking notebook.

"Madali lang naman kasi yung tanong." Totoo naman, ilang ulit nang sinabi iyon ni Sir Alejano sa amin kaya ang tanga ko na lang kung hindi ko matatandaan ang tinanong  niya.

It's been six months since I left the WeHenius. Kwinestiyon ng iilan kong kaibigan ang naging desisyon ko, pero wala. Desidido na ako. May naipon naman ako sa aking mga sweldo kaya bumalik ako sa aking pag-aaral.

Kay Yel ako nakatira ngayon but I promised her to share bills. Namamasukan ako bilang isang tindera dito sa school. Kapag uwian talaga ay sa Kantina ako dumidiretsyo.

Hanggang 12pm lang ang uwian namin kaya pag dating ng hapon ay tindera ako ng mga college students.

"Yabang!" Tumawa siya sa akin at inihampas kunyari ang buhok. Arkeal... is not... a man.. well, he is! Pero.. ang lambot ng puso nito!

Natapos ang unang tatlong oras namin at nag vacant na. Inayos ko agad ang gamit ko, I don't usually go down dahil baka matukso akong bumili sa canteen kaya nagbabaon nalang ako ng mga biscuits.

"Nagets mo ba, Patricia yung tinuro?" Lumapit sa akin si Kesha, kapatid ni Arkeal.

They are twins kaya parehas din sila ng level sa eskwelahan. Kesha's face looks like a korean idol, same with his twin brother kung kaya't sikat na sikat sila dito.

"Madali lang naman yun."

"Talaga? Turuan mo naman ako!"

Napangiwi ako. Hindi pa nga ako nakakakain, e.

Inakbayan ni Arkeal si Kesha. Minsan talaga ay napagkakamalan ko 'tong si Ervin dahil sa laki ng pagkakahawig.

"Pakainin mo naman si Patricia!" Ngisi ni Arkeal sa kapatid.

Sumimangot ang mukha ni Kesha. "Willing naman siyang turuan ako, o!"

I scribbled the formula on Kesha's spare paper. Average Rate formula ang sinulat ko doon since iyon naman ang topic namin.

"Ayan makikita mo yung delta V saka H over delta T. Pwede ring delta V over delta T or change in volume saka time."

Nagbigay pa ako ng ilang halimbawa kay Kesha, may mga mL akong sinulat doon at mga seconds. Madali lang naman talaga ang gagawin, baka nalito lang siya.

Hindi rin naman nagtagal ng twenty minutes ang pagturo ko kay Kesha. Nagulat nga lang ako dahil madami na pala ang nakikinig sa bawat explanation ko.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now