Chapter Twenty

8.6K 219 14
                                    

TWENTY

I still remembered it clearly. Kung paano ko siya unang nakita. Almost one year ago, when my family decided to go to golf course. Saktong kadadating lang ata nilang lahat nun.

Dahil kaibigan ko si Cadence ay hindi ako nahirapang kunin ang mga pangalan nila. I approached her that day and asked for the names of the men she was with.

They are all good looking pero talagang totoo na magkakaroon ka ng apple of the eye.

"Pinsan sila ng nga pamangkin ko." Ani Cadence sa akin.

Sumulyap ako sa pamangkin niya na si Stan. He's looking at his phone.

"Ganun ba, pwede malaman yung pangalan nila?" Tanong ko.

Malisosyo akong tinignan ni Cadence.

"Kiddin' huwag na lang pala." Argh! Nakakahiya naman!

Masyado bang halata ang pagkadeterminado kong makuha ang mga pangalan nila?

"Cadence.."

Nilingon ko ang lalaking tinawag si Cadence. His clean cut hair and expressive dark eyes will make your knees tremble, nahiya naman ang  ilong ko sa tangos ng kanya. His body built might be the result of his workout. Napanganga ako.

Siya 'yong....

"Oh, Mikael.." Sumulyap sa akin si Cadence, he went to Mikael's back. "Umm, kaibigan ko pala, si Aurora."

Halos kainin na ako ng lupa sa kahihiyan.. Fuck! Malamang ay halata na ang pagkakapula ng pisngi ko.

Mikael is staring intently at me. Wala siyang ibang emosyon. He looks like a walking ice! Napakalamig!

Naglahad ng kamay sa akin si Mikael, "Nice to meet you."

Iyon ang una naming pagkikita. I didn't mention my name to him. Alam ko naman kasi na hindi niya iyon matatandaan.

All I know is this is gonna be a fleeting feeling. Iyong pagkakagusto lang dahil bored ka? Iyong paghanga lang dahil namangha ka sa kanya..

Pero hindi, I don't know! I don't want to call it love. Not yet. Baka, infatuation pa rin ang nararamdaman kong ito kay Mikael.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay inuwi na ako ni Mikael sa bahay ni Yel. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang bahay ni Yel pero hindi na ako nagtanong.

"Ano, hindi ka ba talaga kakain?" Sumandal si Yel sa likuran ng pintuan ko.

Umikot ako sa kama at humarap sa pader. "Pinaglalaruan niya ba ako?"

"Aurora.. Kilala natin sila, they are not like that! Seryoso ang mga Arrhenius sa buhay!"

"Edi... gusto niya talaga ako?" My voice is suddenly hoping...

Hindi ako tinigilan ni Mikael. Kahit nasa eskwelahan ako ay yung sinabi niya pa rin ang tumatakbo sa isip ko.

Maniwala daw ako.

Ibig sabihin ay parang kinumpirma niya na rin na gusto niya talaga ako? Grr! Damn you, Arrhenius!

Masyado mong pinapagulo ang isip ko!

"Patricia? Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala." Sinindot ni Arkeal ang tagiliran ko.

"Huh?"

"Hmm," Hinawakan ni Kesha ang dulo ng buhok ko. Hinayaan ko nalang 'yon. "May iniisip si Patricia... Lalaki siguro.."

Nagulat ako sa biglaang paglandi ng boses ni Kesha. Agad akong umiling.

"Wala no!"

"Sus!" Ani Arkeal, hindi naniniwala.. "You're thinking about my cousin? Bakit? Hindi pa ba 'yon nanliligaw sayo?"

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now