Chapter Thirty Nine

8.4K 236 12
                                    

THIRTY NINE

Sinalubong agad ako nina Sophia at Ana.
Silang dalawa na lang ang natira dito, sinabi din naman nila ito sa akin nung huling punta ko. Walang kamatayan ang pagkwekwento nila hanggang sa makarating kami sa bago kong cubicle.

"Alam mo ba? Ang daming usapan noong bigla ka na lang nawala! Sabi nila nabuntis ka daw!" Ani Sophia.

Kahit nasa loob na ako ay hindi pa rin nila talaga ako tinitigilan.

"Sorry, Aurora ha? Pero nakakagulat din na pinalitan ka ng kapatid mo. Magkapatid ba talaga kayo?" Si Ana ang nagtanong.

Nangingiti ako dahil mukhang alam ko na ang dahilan ng pagtatanong niya.

"Oo nga! Napakasama ng ugali! Hindi ko alam kung saan nagmana, mukhang mababait naman sina Mr. at Mrs. Ante!" Pagsang-ayon naman ni Sophia.

"Ganun na talaga yun. Hindi na mababago 'yon." Tawa ko na lang.

"Pero bakit ka nga biglang nawala?" Sophia was the one who asked.

Alam ko naman na kailangan nila ng sagot at hindi ko rin matatago ang rason. Binuksan ko ang folder na may mga laman na papeles bago sumagot sa kanila.

"Pregnant." Simpleng sabi ko.

Natahimik ang dalawa. Hindi ko sila masisisi kung huhusgahan nila ako. Bakit nga ba? I was young. And still young.

"P-Pero atleast diba? Nakabalik ka na!" Si Ana ang sumira sa katahimikan.

"Oo nga, meaning?? Celebrate!!" Sabay na sabi ng dalawa.

"Naku, mukhang hindi ako pwede. Walang mag-aalaga doon."

"Parehas pa rin naman kayo ng bahay ni Yel diba? Aalagaan niya ang anak mo! Sige na, Aurora! Ngayon lang, oh! Libre namin."

"Please please please!"

Hindi ako makatrabaho ng maayos sa dalawang 'to. Natatawa na lang akong tumango at pasimple silang tinaboy.

"Sige na sige na, magtrabaho na tayo.."

Parehas na nag-apir ang dalawa bago bumalik sa kani-kanilang cubicle nila. Mukhang mahaba haba ang tatrabahuhin ko ha? Masyadong maraming naiwan na papeles si Ate Avinia. Dapat kapag ganitong magbabakasyon siya ay inirereport niya kay Sir Syche para makahanap agad si Sir ng gagawa sa mga naiwan niya.

Baka nga nakita lang ito sa cubicle ni Ate at kinuha.

Speaking of her, ano kaya ang ginagawa nila sa ibang bansa at hanggang ngayon ay wala pa sila?

Inopen ko ang computer, buti na lang at kahit ilang taon ako nawala, hindi pa rin nababago ang password.

Pero nawala ang telephone sa tabi ng computer. Bakit kaya? Usually kasi doon tumatawag si Sir Syche kung may isusuyo sa amin.

I opened some files. Nagulat ako dahil maraming hindi tapos na reports si Ate. Secretary siya ni Lorcan diba? Bakit hindi finafollow-up ito?

Pumangalumbaba ako dahil alam kong ako ang tatapos nitong mga 'to.

Maybe a coffee will do. Sabi ko sa aking sarili.

Apat na oras ko nang tinatrabaho ang mga hindi tinapos ni Ate, hindi pa talaga ito ang gagawin ko ngayong araw. May mga bagong binigay sa akin kanina si Sir Syche, hindi na nga ako nag break para lang magawa ko ng mabilis ang mga ito.

Simple lang naman ang trabaho. I just need to re-read every files, kapag hindi iyon legit ay hindi ko isasali sa mga files na sina Sir Syche naman ang bahala.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang