Chapter Forty Four

8.6K 213 6
                                    

FORTY FOUR

Kahit na ayaw ni Mikael ay pumasok pa rin ako sa trabaho. Nagulat ako dahil ang mga naiwan kong paperworks ay tapos na. Sina Sophia at Ana naman ay nag ngingiting aso sa akin.

"Anong nangyari? Bakit wala akong gagawin?" Naguguluhan kong tanong.

"Huwag ka na magtrabaho, Aurora!" Ngisi ni Sophia habang nakasandal sa pintuan ng cubicle ko, "Ay ma'am Aurora pala!"

I gave them my suspicious look. Siguro ay si Mikael nanaman ang may pakana nito! Sinabi ko na sa kanya na ayokong mangealam siya sa trabaho ko.

"Kailan ang kasal niyo?" Lumapit si Ana sa akin at lumingkis.

Agad kong inalis ang braso niya. "We're not getting married!"

"Hindi mo man lang sinabi sa amin Aurora na si Sir Mikael pala ang papa ng anak mo.."

I sighed. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila.

"Pero okay lang! Huwag ka na magtrabaho, magagalit si sir!" Halos kinikilig na sabi sa akin ni Ana.

Gusto ko sanang patahimikin sila dahil baka marinig ng ibang empleyado. Mikael is not here. Hindi siya pumasok dahil gusto niyang makasama si Jethro, kaya ewan ko kung bakit tinanggalan niya rin ako ng mga gagawin?

"Sinong substitute ni Mikael?" Tanong ko na para bang basketball game ang pinag-uusapan namin.

"Yung original na CEO ng WeHenius!!" Tili nilang dalawa.

Doon pa lang ay alam ko na. Buti pumayag si Stan na humalili kay Mikael? Alam kong binigay na niya kay Sir Syche ang pwesto niya bilang CEO nitong kompanya at ibang kompanya naman ang pinapalakad niya.

They are just very rich and creative to think about their new business. Paanong kaya nilang palaguin iyon?

"Kaya ikaw.. hindi ka na nababagay dito! Isa ka ng Arrhenius sa susunod!"

"Mga baliw hindi!" Kunot noo kong sinabi. "Pwedeng ako na lang ang gumawa ng sa inyo?" Kasi wala naman akong ibang gagawin.

"Baka makita kami ni Sir Stan! Baka magalit!"

Umiling ako. "Edi huwag papakita.." at pumasok sa cubicle ni Sophia. "Binibigyan na kita ng pabor, oh? Mag cellphone ka na diyan at ako ang mag eencode!"

"Tulungan mo na lang ako dito, Phia!" Ani Ana at hinila si Sophia sa cubicle.

Napailing na lang ako habang ginagawa ang trabaho na dapat ay kay Sophia. Talagang mamaya pag-uwi ko ay pagsasabihan ko si Mikael. I don't want to be housewife!

Sikreto akong napangiti sa aking naisip. Matapos ang halik ni Mikael sa akin, bumalik na rin kaming dalawa sa dati. Natulog ako sa kwarto niya at kasama namin si Jethro. He kissed my forehead after that. Iyon ang ginawa niya sa akin bilang pampagising.

"Hmm, diba kapatid din nila Sir Mikael at Sir Lorcan yung Jasper?" Dinig kong tanong ni Sophia

"Oo kaso iyon ata yung hindi mahilig sa business? Ang alam ko walang sariling kompanya 'yon.."

"Edi least favorite siya? Bakit ayaw niya ng business?"

"Ewan ko, e! Yun lang alam ko. Hindi pa nga ata nakakatapak dito yun, eh!"

"Pero gwapo rin siya, kagaya ng mga kapatid niya.."

"Lahat naman sila, e!"

Kahit kailan ay hindi ko pa natatanongkay Mikael  ang mga hilig ni Jasper. Alam ko na kasi yung kay Lorcan, babae. Pero kay Jasper ay hindi pa.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now