Chapter Six

8.5K 187 19
                                    

SIX

I thought this party won't last long but I was wrong!

Grabe ang inuman nila Ryan! At talagang nagkaroon pa ng pustahan sa kung sinong magyayayang umuwi ha? Ang kung sino daw ang magyayaya ay siyang magbabayad ng mga nainom namin.

Napapangiwi na lang ako habang sumisimsim ng isang hard liquor. Akala ko nung una, pacocktail cocktail lang. Bakit may mga ganitong inumin?

"Aurora! Tignan mo yung mga nakita nating estudyante. They are all looking at you!" Siko sa akin ni Yel.

Napapapikit na ako pero nagawa ko pa ring tignan ang mga kalalakihan sa likod. They all look like boys my age, sadyang nagtrabaho na ako agad at hindi na nagbumalak pang mag-aral.

"Ano? Sino jan crush mo? Kami bahala ni Meine!"

"H-Ha? Wala akong gusto diyan no!"

Ano ba naman itong mga kaibigan ko, they all want me to flirt with some senior high school students! Oo nga at sa edad ko ay dapat SHS pa rin ako, pero ewan ko ba. Simula nung nagkatrabaho ako ay pakiramdam ko, matanda na ako.

"Don't limit yourself to him, Aurora! Mas maraming crush, mas maraming chance!" Yel giggled.

"Tawagin namin para sayo?" Nangingiting wika naman ni Meine.

Feeling ko maaga akong magkakawrinkles sa mga kaibigan kong nagpupumilit na kumausap ako ng mga lalaking hindi ko naman talaga tipo! And what if I really want to limit myself? Hindi naman sigurong masamang magkagusto sa isang tao lang.

Hindi na ako naka-angal pa sa kagustuhan nila. They are all teasing me with the guy wearing black jacket, hindi ko masyadong maaninag ang mukha nun pero ayon kay Yel, he is handsome.

"Ehhhh, ayan na siya!" Kinikilig na sabi nitong kaibigan kong salahula at ininom ang kanyang alak.

Pinasadahan ng lalaki ang kanyang buhok. He is wearing glasses, halatang matalino ang isang 'to! Kasi ganoon naman talaga pag naka salamin diba? Automatic na matalino ka na.

His friends are also shouting things at him, lalong namula ang magkabilang pisngi ko nang dumagdag pa ang kaibigan ng lalaking 'to sa pang-aasar sa amin.

"Dito ka, Kuya! Dito ka!" Umalis si Yel sa inuupuan niya at maligalig na nilahad ang bakanteng espasyo sa tabi ko.

The guy smiled at her, ngumuso ako.

He is... handsome, okay?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sina Ryan ay naglabas ng kani-kanilang mga cellphone at parang vinivideohan pa ata kami!

"Hi miss." He said in a low voice.

Tumango ako, hindi makapagsalita.

Naglahad ng kamay ang lalaki sa akin. Kinakabahan ko pa iyong tinanggap dahil baka pasmado ako.

"I'm Ervin by the way." He said.

"Uh.. Ako nga pala si.. Patricia."

He hold my hand tightly while shaking it, hindi ko alam kung bakit biglang humigpit ang pagkakahawak niya dito, nang mapansin kong tumatagal na ang hawak niya ay ako na mismo ang nagtanggal ng kamay ko.

"Go on! Sige na, mag-iinom lang kami dito.." Ani Ana, iminuwestra niya ang bakanteng table malapit sa amin, "Gusto niyo bang bumukod?"

Nahihiya na ako. Pilit kong tinatabunan ang mga kantyaw ng mga kaibigan ko.

"Wag mo sila pansinin, they are drunk already, pasensya ka na."

"Okay lang. Kanina ko pa rin naman gustong hingin ang pangalan mo."

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now