Chapter Ten

8.5K 190 7
                                    

TEN

"Twenty papers na ang na check ko, pwede na siguro 'to." Inilapit ko kay Yel lahat ng mga binigay niya sa aking papeles.

Puro mga business proposals ang mga 'yon. Mga amateur businessmen na gustong magkaron ng partnership sa We Henius at sa kanilang kompanya.

Maraming sangay ang kompanya ng mga Arrhenius, marami rin silang iba't-ibang negosyo. Isa na dito ang pinaka sikat na security agency sa Pilipinas na pinatatakbo ni Sevhire. Stan is more with a business when it comes to raw materials construction. Ang isa nilang business ay tungkol sa mga innovative foods na talagang patok na patok. Alam ko ay si Mikael ang nagpapatakbo naman ng isang 'yon.

Si Sir Syche ay kapareha ni Stan kung kaya't salit-salitan sila pag hahandle ng kompanya nito. Hindi ko na nga lang alam ang ibang hilig ng mga Arrhenius.

"Alin diyan ang mga na-apruba mo na?" Sinilip ni Yel ang bawat papel na binigay niya sa akin.

"Raw materials for construction and transaction of legal weapons." Sabi ko habang nakatutok sa aking mata ang monitor ng computer.

Kanina ko pa tinitignan ang bagay na kinumpirma ko. Isa rin kasi ito sa trabaho ko, ang i check ang reliability at credibility ng isang kompanyang gustong maki usosyo sa Arrhenius.

"Hmm." Ani Yel, tinignan ko siya saglit at nakita kong napako ang mata niya sa isang papel na nakita kong may check ko. "Ang ganda naman ng proposal ng isang 'to. Isang buwan libre ang pagbibigay ng mga baril para makita na maganda ang produkto nila para sa mga trabahante ng kompanya ni Sir Sevhire."

I couldn't agree more to that. Magaganda lahat pero kasi ang iba ay meron na ang mga Arrhenius. Sometimes being at this position is hard because you know the feeling of being rejected yet it is your job to see who to reject.

"Hello Aurora!"

Nag-angat ako ng tingin kay Meine. Nagpagupit pala ito ng buhok.

"Ano? Bakit kay Aurora lang? Hindi mo ako kaibigan?" Ani Yel at inirapan itong si Meine.

"Syempre, itong si Aurora ang may jowa, no. Ikaw naman kasi wala!"

Napailing na lang ako nang maghamon si Yel nang suntukan kay Meine. Ganyan talaga ang dalawang yan, silang dalawa ang malapit sa isa't-isa bago kay Cadence.

Speaking of Cadence. Kamusta na kaya ang kaibigan namin? Her is husband is still not here. Huwag mong sabihin na hindi pa sila tapos sa pagha-honeymoon nila?

Masayang nagkukulitan ang dalawa nang marinig namin ang isang alarm sa speaker malapit sa cubicle ko.

Employees please proceed to Section four, 3rd floor.

Boses iyon ng babae. Maaaring ito na nga siguro ang sinasabi nilang meeting. At ano ulit iyon? Maglilipatan ng mga empleyado?

Wow. Sana hindi ako.

"Pwede bang huwag nalang pumunta doon?" I joked, "Para hindi malipat." 

"Kung pwede lang, e. Kaso magrorounds ata yung guards."

Ganun pala kaimportante ang pagpupulong na 'yon? Kailangan pang silipin ng mga guwardiya ang bawat opisina kung may tao o wala. Weird, ngayon lang kasi nangyari ang bagay na ito.

Sabay na kami pumunta nila Yel at Meine sa third floor, gaya nga ng sinabi ko, Linggo ngayon kaya konti lang ang mga pumasok. It's a sudden paperworks. Kung hindi lang mataas sweldo ko ay umalis na ako dito!

Bumungad agad sa akin ang eleganteng mahabang lamesa, nakapaligid doon ang mga itim na swivel chairs. Sa pinakadulo ay nakita ko si Sir Syche. He looks so bored and he is just playing with his pen.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon