Chapter Thirty Six

7.9K 230 15
                                    

THIRTY SIX

Laglag ang panga ko sa mga nalamang impormasyon kay Yel. Hindi ko maintindihan ang rason kung bakit niya 'yon nasabi kay Mikael.

"You were almost five months pregnant that time!"

Naalala ko ang mga araw kung saan lagi kong sinasabihan si Yel na hindi ko hahayaang malaman ni Mikael ang lahat.  With that moment, naintindihan ko siya.

"I just want to protect you! Kasi sabi mo natatakot ka noon." Dagdag pa nito.

Tumango ako. "Ayoko na lang isipin."

Ngumiti na lang ako kay Yel para malaman niyang ayos lang sa akin ang ginawa niya. Baka wala lang siyang maisip na sasabihin kay Mikael nung mga araw na 'yon.

"Bakit naman si Ervin naisipan mong gawin kong boyfriend?" Bigla kong tanong.

Pumameywang siya at pinandilatan ako ng mata. "Eh sino naman ang gusto mo? Si Dan? Edi hindi naniwala ang Arrhenius na 'yon!"

May punto naman siya. Hindi ko rin naman alam bakit pinoproblema ko pa 'yon. Ano bang paki mo sa opinyon niya, Aurora? Kasalanan niya dahil naniwala siya sa mga sabi sabi!

Tapos ay nag-isip pa siya na asawa ko si Ervin?

"Break is over guys, tara na!" Si Yel ngayon ang in charge sa kanila.

Wala naman akong masyadong trabaho, papanuorin ko na lang siguro ang mga kaibigan ko na kumukuha ng mga litrato. Dan is probably busy with my son.

Bakit kaya ayaw pa mag-anak kasi nitong si Dan? Nakahalukipkip kong tinitignan ang bawat posisyon ng mga modelo.

Minsan ay tinuturuan pa sila ni Yel, minsan naman ay sila na ang gumagawa ng kanilang mga pose.

Binuksan ko na lang ang phone ko. What? Isang friend request? Agad kong pinindot 'yon para makita kung sino.

Mikael Thai Arrhenius sent you a friend request.

Nagdeactivate na kasi ako sa luma kong facebook. This is the new one kaya hindi ko pa friend si Mikael, pero paano niya ako nahanap? Hindi naman nakalagay ang tunay kong pangalan sa facebook.

Pinindot ko ang decline. Buti na lang at nakaprivate ang mga pictures ko kasama si Jethro.

May nag pop out naman na message request sa messenger ko. Agad ko 'yong pinindot at binuksan.

Mikael Thai:

I just want to be your friend. :)

Para namang hinila ng lubid ang kilay ko at tumaas ito. Friend? At bakit ka naman nagpaparamdam sa akin, huh? Your fiancée will kill you for being unfaithful.

Inignore ko ang message niya at dinelete 'yon.

Kung hindi lang talaga malaking kliyente sina Mikael ay pumayag na kaming umalis ito sa photoshoot. Fuck!

Nagulat ako kay Clarence na nag-aayos na. Ang bilis naman nilang matapos. Sumunod na ang batch two na kukuhanan para sa isang shampoo product.

Tahimik lang ako habang lumalapit si Clarence sa akin.

"Sa tuwing tinitignan kita lagi nalang malalim iniisip mo." Ani Clarence.

Hindi ko siya tinignan. "Dami kasing bayarin sa bahay." Pagsisinungaling ko.

Humilig si Clarence sa pader gaya ng ginagawa ko kanina pa, suot suot nito ang kanyang backpack habang sinasabayan akong pinagmamasdan ang mga modelo.

"Bakit hindi ka nag model?"

Wow? Gusto kong matawa sa tinanong niya. "Hindi bagay sa akin."

"Bagay sayo. Ikaw sana ka partner ko." Aniya sa isang kaswal na boses.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now