Chapter Forty One

8.7K 270 15
                                    

FORTY ONE

"That's unfair!"

Kulang na lang ay ipadyak ko ang paa ko dito sa sasakyan ni Lorcan. Sumilip siya sa akin sa salamin. Halatang may multo ng ngiti sa kanyang labi.

"You call that unfair?" He asked in a mocking voice.

Alam ko ang gusto niyang iparating. Tinago ko kay Mikael ang katotohanan sa loob ng dalawang taon. Kung meron mang unfair sa aming dalawa, malamang nga ay ako yon.

"Hindi ko pwedeng puntahan si Mikael sa office niya at sabihing may anak kaming dalawa." Pilit kong pinapaliwanag kay Lorcan ang aking dahilan. Baka maunawaan niya kahit na malabo.

"Why not?" Patay malisyang tanong nito.

I gritted my teeth because of irritation. Sakanilang magpipinsan, bukod kay Stan ay si Lorcan ang pinaka malakas mambwisit. Kung hindi lang talaga nag dadrive ang isang 'to ay baka nabatukan ko na.

"Isipin mo na lang ang kaibigan mo, Patricia. Mawawalan siya ng isang malaking kliyente--"

"Shut up! Iyan ba talaga ang profession mo? Ang mang black mail? Is that what you're doing to your girl?" Kung meron man.

Napansin ko ang humigpit na pagkakahawak ni Lorcan sa manibela nito. "I don't have one."

"Ahhh? Kasi marami kang babae.." huh, ano sa tingin mo? Ikaw lang ang may kakayahan na mang-inis? "Or baka si Cadence pa rin? Come on, Lorcan! Baka nga ngayon lima na ang anak nila ni Stan tapos hindi ka pa rin maka move-on kay Cadence?"

"Shut up or I'll throw you out of my car!" Iritadong utos nito sa akin.

Napangiti ako. Ano mang-aasar ka pa?

"Para namang kaya mo.." Hamon ko sa kanya.

I heard him chuckled, kumunot ang noo ko don. Anong nakakatawa?

"You think I'm afraid of my brother?" Muli siyang sumilip sa salamin.

Napakapit ako sa upuan nang bigla niyang ipark ang sasakyan sa gilid.

"Out.." Kalmadong sabi nito sa akin, tila ba pinagbigyan ang hamon ko. "Get out, Patricia.."

"You're insane! Inutusan ka ni Mikael tapos ay papalayasin mo ako?"

"Come on, I'm not his puppet! Bored lang ako kanina kaya sinundo kita.."

Ang hayop na to?!

"Ano? Lalabas ka ba o hindi?"

Sinamaan ko siya ng tingin."Hindi mo na makikita si Jethro." Sabi ko na may pagbabanta.

Agad na naging mabilis ang kilos ni Lorcan, pinasibad niya muli ang sasakyan habang nanatili ang ngisi.

"You know how to play a game, huh?" He said playfully.

"Ikaw ang nagsabi kay Mikael na kasal kami ni Ervin."

Nakita ko ang pag-iling ni Lorcan, parang nagsisi ako dahil sa likod ako ng sasakyan niya umupo. Ni hindi ko makita ang mukha niya. Pakiramdam ko ay ginagago niya ulit ako.

"Nag-usap na pala kayo. Kaya siguro pinapasundo ka sa akin." Pag-iiba niya ng usapan.

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo? Nung una mong nakita si Jethro?"

"Ang daldal mo.." Iyon lang ang tangi niyang sinabi.

Mumurahin ko na sana siya para sa kagaspangan ng ugali pero nalaman kong nandito na pala kami sa WeHenius.

"Off you go, ma'am. Your bill is only Four hundred fifty pesos.."

"What?!"

"You're too talkative. May bayad ang bawat minuto na kinakausap mo ako kanina. Also there's another service if you want." Tuluyan na niya akong nilingon at kumindat.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Where stories live. Discover now