Chapter Forty Two

8.5K 207 11
                                    

FORTY TWO

Hindi ako masyadong makangiti ng maayos. Nasa amin ang atensyon ng mga models at ibang kapwa photographer nila Yel at Dan. Dan is looking intently at us while Yel is happily taking a picture of us.

Kaming tatlo. Habang karga ni Mikael si Jethro. Ang picture na ito ay hindi ko inaasahan. Buong akala ko ay hindi na makikilala pa ni Jethro ang ama niya.

"Pack up, guys. Out na tayo." Sigaw ni Dan sa buong team kaya agad na nataranta ang lahat para magsi-ayos.

Si Yel naman ay masaya kaming sinalubong.

"Sir! Comeback?" Nangingiting tanong ni Yel kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

Comeback? Wala namang sinabi si Mikael na mahal niya pa ako. Kaya lang naman kami magkasama dahil kay Jethro..

"Tumahimik ka nga!" Sapaw ko sa sasabihin ni Mikael, hindi siya nakapagsalita dahil inunahan ko na.

"Can he speak fluently?" Tanong ni Mikael sa akin, si Jethro ngayon ay tulog sa balikat niya.

Tumango ako. "Medyo pa lang. Tinuturan namin. English at Tagalog ang alam niya.."

"His likes?" Tanong pa ni Mikael, halatang gusto niya agad malaman ang tungkol kay Jethro.

"Mga sasakyan." Nakangiti kong sagot.

"Like father like son, hmmm." Sinilip ni Mikael ang mukha ni Jethro at hinalikan ito sa pisngi ng marahan.

Lahat nga ay tungkol sayo nagmana. Wala ngang kahit ano man ang nanggaling sa akin.

Nakaalis na pala ang lahat ng photographers at models. Kaming apat nalang ang natitira. Pinuntahan kami ni Dan na may tipid na ngiti sa labi.

"Mabuti at maayos na kayo." He put his hands on his back.

Si Dan ang pinaka-apektado sa hiwalayan namin ni Mikael. Siya ang pinaka galit lalo na noong nalaman niya na buntis ako. Masaya ako dahil kalmado na niyang kinakausap si Mikael at mukhang hindi gagawa ng gulo.

"Thank you, Yel and Dan.. for taking care of Patricia and my son.." Mikael genuinely said to the both of them.

"Matagal na kaming magkakakilala ng dalawang yan. Sa Feranithy pa lang. Kaya hindi ka dapat magpasalamat.." Si Dan ang sumagot..

"Still, thank you.." Ani Mikael kay Dan bago bumaling sa akin. "Can we talk for a sec?"

Tumango ako sa kanya. Binigay ni Mikael ang natutulog na si Jethro kay Yel. Bakit kailangan pa naming mag-usap na kaming dalawa lang?

"Outside?" Untag pa niya sa akin.

Tinignan ko sina Dan na tumango lang bilang pagpayag. Kabado man ay sumunod ako kay Mikael sa labas at iniwanan ang dala.

"Anong pag-uusapan? Bakit bawal doon?"

Hinarap ako ni Mikael. His calmed eyes somewhat made me feel calm too.

"Patricia I want you to know that I'm not mad.." Aniya, punong puno ng sinseridad ang boses.

"S-Salamat kung ganon.."

"But I want him at my place.." Dugtong niya.

Lumayo ako kay Mikael. "B-Bakit? Pwede ka namang dumalaw sa amin ha?"

"I missed his first word, Patricia. His first birthday. I missed every first he made.."

Napatigagal ako sa harapan ni Mikael. "K-Kukunin mo ba siya sa akin?"

He reached for my face. Napapikit ako ng haplusin niya ang aking pisngi. He wiped away a single tear using his thumb. Kumalabog ang puso ko don.

"No, I'm gonna have his mother too.." Mahina niyang sinabi.

Addicted To You (Arrhenius Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon