Forty Sixth Mystery

40 0 0
                                    


Code Name: Mateo Choi


Girlie Justine

Pagkatapos ng gabing iyon ay agad naming pinaalam kay Manager O ang tungkol sa pagbuo namin ng isang bagong idol group.

"Isang bagong idol group? Marami-rami na ang idol group ngayon. Mahirap magpasikat ng isang idol group." ani Manager O.

"Hindi naman na halos kami bago sa industriya na ito eh. Manager O, i-approve mo na. Isasama pa naman namin Yung pamangkin mo." pag-uuto ni Kuya gamit ang pinalambing niyang boses.

Bumuntong-hininga si Manager O at sandaling napaisip.

"Okay. Basta hindi na ako ang manager ninyo. I had a new job now." sabi ni Manager O.

Nagkatinginan kaming apat sa biglang inusal ni Manager O.

Masyado niya bang dinamdam ang pagkawala ni Jiro kaya nag-quit na siya sa trabaho?

"Oh, come on, manager O. We already attached to you. Bakit ngayon mo pa kami iiwanan?" nagtatampong saad ni Raf na bahagya pang hinaplos ang mukha ni Manager O.

Nakita ko ang pag ngiwi ni Manager O na tila nandidiri siya sa inakto ni Raf.

"Mandiri ka nga sa ginagawa mo, Ello. Kinikilabutan ako sa iyo eh. Anyways, hindi naman ako aalis sa agency eh. The chairman just promoted me to be the president of the company since nagkaroon na ng pagpapalit ng ownership." seryosong saad ni Manager O.

"You mean, nabili na yung agency? How?" lintanya ni Leo.

"Hindi naman nabili. Pwede namang sabihing nakuha na ulit ng tunay na may-ari." bigla naming rinig na boses mula sa likod.

Dahan-dahan kaming napalingon sa likuran upang alamin kung sino ang nagsalita.

Nanlaki ang mata ko ng malaman kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

Kahit matagal na lumipas ang ilang panahon, hindi pa rin talaga ako masasanay sa boses niya.

"Good morning sa inyong lahat. Sorry for interrupting your conversation." magalang na saad ni Daryl at nagmano pa siya kay Manager O.

"God Bless you. Good morning din. I thought nasa States ka. What's bring you back here in the Philippines?" bati ni Manager O sa kanya.

"I'm here to say hi pero aalis din po ako. I just want to find out if you doing alright." ani Daryl.

"Uhmm... Ano... Hindi ka pwedeng umalis agad. I would like to talk to you." lakas na loob kong pigil sa kanya.

Kumunot saglit ang noo niya at agad ding ngumiti— Yung misteryosong ngiti na madalas niyang dala.

"Sure. Do you have any favor for me to do? I am the new owner of this agency." mayabang niyang saad.

Bahagya akong nagulat sa tinuran niya.

So, siya na pala ang may-ari ng agency.

Hindi kaya too much ang hihingin ko sa kanya?

"Mayroon sana. Could we talk about that privately?" medyo nahihiya kong tanong.

"Sure. Let's talk about it on my new office. Mamaya na lang siguro ako aalis." sabi ni Daryl at naglakad na palayo sa amin.

Agad ko naman siyang sinundan.

Hindi ko alam kung nasaan ang opisina niya rito sa agency kaya sumusunod lang.

Maya-maya ay pumasok kami sa isang puting pintuan sa may dulo ng hallway.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara