Twenty Ninth Mystery

42 0 0
                                    

Revelations of Identities

Kinabukasan ay nagising ako sa pagtama ng liwanag sa mga mata ko.

"Good morning, sunshine." saad ni Jiro.

Hinawi niya pala ang kurtinang bumabalot sa bintana ko.

"Good morning, too. Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

Busy siyang tao kaya hindi dapat siya pumupunta na lang dito basta-basta.

"I am in my way to work nang makakita ako ng ramen shop. Bumili ako ng dalawa dahil naalala kong baka hindi ka pa nag-aalmusal. Isa pa, I received a text from Raphael na gising na raw si Aries kaya pumunta na rin ako rito. I check him out later after we eat." sabi ni Jiro at inilapag na ang dalawang ramen sa ibabaw ng side table ko.

Inalalayan niya akong makatayo mula sa pagkakahiga ko at binuksan ang cup ng ramen para sa akin.

"Thanks. Hindi mo naman na kailangang gawin ito. I can do it on my own." saad ko sa kanya at pinalagyan ko ng mainit na tubig ang ramen ko at sinimulan na iyong kainin.

"I know you can do it on your own pero may mga pagkakataon talaga na hindi ko napipigilan yung sarili ko na tulungan ka. Girlie, I want you to like me. This is my way of saying that I like you." saad niya na siyang nagpabulunan sa akin.

Jiro likes me? Totoo bang siya yung taga-banda na may gusto sa akin.

"Are you okay?" pag-aalala niya.

"Don't worry. I'm fine. Nagulat lang ako sa sinabi mo. Can you tell that some other time?" sabi ko sa kanya.

Napaka-wrong timing kasi ng pagkasabi niya. Hindi pa ako masyadong magaling at baka hallucination ko lang yun.

"Okay. Gomenesai. I'm sorry, I mean. Tara, kumain na lang tayo." sabi ni Jiro.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa natapos siya at nagpaalam na daraanan niya lang muna si Aries bago siya umalis.

He even cover his face with his famous mask bago lumabas ng silid ko.

Pagkaalis niya ay nakatanggap ako ng message mula kay Urania/Alliyah na baka hapon pa siya makakarating dahil tatapusin daw niya muna ang mga designs niya. I told her that she take her time at okay naman ako.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng matinding antok kaya nagpasya akong ipikit na lang ang mga mata ko para makatulog.

I am in the middle of my nap when I heard someone crying. His cries breaks my heart that's why I immediately try to open my eyes.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

Bakit nandito si Kuya Ram?

Bahagya siyang ngumiti nang makita niya ang paggising ko. Kasabay nun ang pagpunas ng mga luha sa mga mata niya.

"Kuya." mahinang banggit ko.

"I am glad your awake, Girlie. Bakit ka nga ba nandito?" tanong niya sa akin.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. We have the same question in our mind.

"I am here because this is my part-time job. Ang totoo niyan kuya..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may sinabi na siya.

"Are you a secret agent too, Girlie?" tanong niya.

Too? Is he telling me...??

Nag-nod ako bilang pag-amin ko nang katotohanan sa kanya.

Narito ako ngayon sa isang sitwasyon na wala na akong maitatago pa.

"All these times you are a secret agent and you don't dare to mention that to me?!" tanong niya sa pagalit na tono.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now