Thirtieth Mystery

46 0 0
                                    

Fourth Key: Venus Roscoe

Kinabukasan ng araw na iyon ay lumabas na rin ako sa ospital. Walang explanation na naganap sapagkat nagpasya ang lahat na magsasalita lang sila sa araw na itinakda, February 20, dalawang linggo mula ngayon.

Wala na ring nagbalak magtanong. Hindi na rin iyon napag-usapan kahit na magkakasama naman kami sa dorm.

Tila hindi iyon nangyari.

"Girlie, busy ka ba ngayon? May inaayos kasi akong mga bagay-bagay. Malapit na kasi ang February 20. Kailangang ayusin ang mansion dahil balak ni Daryl na doon mag-celebrate ng isang intimate birthday. May sasabihin daw siyang importanteng bagay kaya piling tao lang ang imbitado." bungad ni Manager O sa akin ng umagang iyon.

Birthday ni Daryl yun?

"Hindi naman po. Bakit po?" sagot ko na lang.

Nagpasya na rin akong hindi magtanong. Sa February 20 na lang.

Nandoon din naman siya, ayon sa invitation na binigay ni Daryl sa amin nung nakaraang araw.

"Pakisamahan naman ang AiD ngayon oh! Mag-sho-shoot sila ng Valentine's Special nila with Ms. Roscoe sa bagong bukas na Central Park sa South District." pakiusap ni Manager O.

Isang magandang ngiti ang binigay ko sa kanya.

Chance ko na yun para masolo si Ms. Roscoe.

Hindi ko kasi nakuha yung chance nung nakaraan.

Na-ospital ako eh!

Nag-thumbs up ako at nag-ayos na ng mga dadalhin ko.

Maya-maya lang ay gumayak na kami. Sumakay kami sa van na ginagamit nila kapag may shooting sila.

Tulad pa rin ng dati ay maingay si Raf sa van.

Siya yung katabi ng driver.

Kinakausap niya yung driver habang nakikipagharutan kay Leo.

Si Kuya naman ang katabi ni Leo sa gitna. Nakikinig lang siya sa phone niya ay naiinis kapag natatamaan siya ni Raf pag tinatangka nitong paluin si Leo.

Si Jiro at ako naman ang magkatabi sa likuran. As usual, natutulog si Jiro sa balikat ko.

Masaya akong pinagmamasdan ang kaguluhan ng tatlo ng makarinig ako ng shutter ng camera.

"Wow, Girlie. Bagay pala kayo ni Jiro. Ang cute ninyong couple." asar ni Raf sa amin.

Feeling ko ay namula ang mukha ko sa sinabi niya.

Bagay nga ba kami?

"Okay lang sa akin na maging brother-in-law si Jiro. Matino naman iyan, hindi mo katulad." asar naman ni Kuya Ram na nakikinig pala sa usapan namin.

Bahagya pa niyang tinuro si Raf kaya naggagalit-galitan tuloy.

Tumawa lang yung dalawa at tulog pa rin si Jiro.

Wow, kahit maingay hindi siya nagigising ha!

"Girlie, pitikin mo nga sa noo iyang si Jiro para makausap naman namin. Baka ayaw pala niya sa iyo." utos ni Raf na siyang sinunod ko naman.

Gusto ko rin kasing malaman yung sasabihin niya.

Pagkapitik ko sa noo niya ay umungol siya kaagad. Senyales na gising na siya.

"Ilang beses kong sasabihin sa inyo na wag ninyo akong pipitikin sa noo." galit na saad nito.

"Sorry, Jiro. Sinunod ko lang yung utos ni Raf eh!" pag-amin ko ng kasalanan ko.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now