Twenty-First Mystery

54 2 0
                                    


Second Key: Daryl Jimenez

Habang naglalakad kami pabalik sa dorm na nauuna pa rin sa kanila ay hindi ko mapigilang isipin kung sino nga ba talaga ang Daryl na ito?

Ano naman kung siya ay pamangkin ni Manager O? Bakit kailangan kong tandaan ang pangalan niya?

Diba may lock yung abandonadong mini playground na iyon? Paano siya nakapasok?

"Kumusta sa Hong Kong?" rinig kong tanong ni Manager O.

This time nasa likuran na nila ako.

Ang lalaki kasi ng hakbang na ginawa nila. Dagdag pa na tila nagmamadali si Daryl.

I don't want to listen in their conversation kaya lang naririnig ko pa rin.

Maliit lang naman ang mga distansya namin.

"Its still the same old Hong Kong. A beautiful place but not for me. After all, there's no place in the world that  can surpass my sadness." ramdam mo ang lungkot sa boses niya.

Hindi ko tuloy mapigilang malungkot din. He can travelled to different but he can't be happy. Why?

Tanaw ko mula sa pwesto ko ang bahagyang pag-akbay sa kanya ni Manager O.

"Sabi ko naman kasi sa iyo, mag-stay ka na lang dito sa Pinas. You can stay with me or with the band. After all, your late father wished you to be a star." pagpapalubag loob na sabi ni Manager O.

Hindi nag-respond si Daryl tungkol doon. I can't even tell his reaction.

Late father? Sino ba ang ama ng isang ito? Was he Jeffrey Choi?

Pagkatapos nun ay naging tahimik ang aming paglalakad hanggang sa tuluyan na nga naming narating ang hindi naman kalayuan na dorm kung nasaan ang banda.

Pagkapasok namin sa loob ay wala na sila sa sala. Marahil ay nasa dinning room na sila. Patunay nun na nagdire-diretso si Manager O patungong dinning room.

Pagkabukas niya ng pintuan ay bumungad sa amin ang apat na tila hinihintay ang aming pagdating.

Tahimik lang silang nakaupo roon maliban kay Raf na pinipilit kumuha ng pagkain ngunit pinipigilan ni Kuya.

Tumikhim si Manager O para makuha ang atensyon ng apat and he succeed.

Sabay-sabay na tumingin ang apat sa gawi namin. Halos sabay-sabay ring kumunot ang noo nila ng makita ang hindi kilalang kasama.

"Hi. I am Daryl Jimenez. Pleased to meet you." pagpapakilala ni Daryl sa sarili niya at bahagya pang nag-bow.

Others bow at him too. They even kindly introduced themselves to him.

Bakit feeling ko mas welcome pa sila kaysa sa akin nang unang pumasok ako rito?

"Pamangkin ko iyan kaya tama lang na galangin ninyo siya." biglang saad ni Manager O.

Tila napaisip ang banda sa binigay na pahayag ng manager nila.

Nagpapalit-palit ng tingin si Raf kila Manager O at Daryl.

Halata naman ang pagtataka sa mukha ni Leo.

Nagkunot-noo si Kuya na tila nag-iisip.

Si Jiro naman ay bahagyang tinitigan ang dalawa bago nag-smirk.

"Now, I know you. Daryl pala ang pangalan mo." may misteryong wika ni Jiro.

Isang nakakalokong ngiti ang ginawad ni Daryl.

"Now, you know." maikling tugon niya na bakas ang kaseryosohan sa boses.

Teka, magkakilala ba sila?

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now