Twentieth Mystery

60 1 0
                                    


The Mysterious Stranger in Darkness

Buong byahe namin ay iniisip ko ang tungkol sa text ni Almighty at ang sinabi ni Ms. Lian.

Bakit ako pinalalayo ni Ms. Lian sa anak niya gayong hindi pa naman niya ako ganoon kakilala? Siya nga kaya ang pumatay kay Mom?

Ano kayang ibig sabihin ng message ni Almighty? Why he need to use me just to lure him out?

Ilan lang iyan sa maraming tanong na pumapasok sa isip ko sa ngayon.

Buti na lang talaga at busy sila Kuya at Jiro na nag-uusap sa harapan kaya hindi na nila masyadong napapansin na malalim ang iniisip ko.

Nasa backseat kasi ako samantalang nasa front seat sila. Magsasalitan 'ata sila sa pagmamaneho.

"Hey, Girlie. Gusto mo bang kumain? May nakikita akong fast food na malapit. Baka gutom ka na. Malayo pa ang byahe." biglang tanong ni kuya na siyang nagpabalik ng katinuan.

Sinubukan ko munang tanggalin lahat ng gumugulo sa isip ko bago ako nakangiting sumagot kay kuya.

"Yes, kuya. Fries and Burger lang." saad ko.

Ngumiti siya sa akin tapos hininto ang sasakyan sa isang drive thru na nasa harap na pala namin.

"Ako na ang mag-oorder." banggit ni Kuya at binaba na ang windshield ng kotse.

He ordered our food when my cellphone suddenly vibrate.

It was a message from Jiro.

Sender: Jiro
Message:
I already told your kuya about us. I am teaching you self-defense. Pumayag naman siya. Kailan natin pwedeng gawin ang next training?

I looked at Jiro's direction after receiving his message.

Hindi lang siya tumingin sa akin.

Bago pa man makapag-drive ulit si Kuya dahil bininigay na sa kanya ang order, I texted a reply.

Receiver: Jiro
Message:
After my mission. Maybe next week. Decide the date.

Pagkasend ko nun ay eksakto ang paggalaw ng sasakyan.

"Hey, Girlie. Gising na." narinig kong sabi ni Kuya.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko bago ito dinilat.

Nakarating na pala kami.

Halos kasabay lang naming dumating ang isa pang kotse na alam kong pagmamay-ari ni Leo.

"Narito na rin sila. Tara, pumasok na tayo." yaya ni kuya sa akin.

Bago pa man ako makasagot ay hinatak na niya ako sa braso.

Pagpasok namin sa loob ay isang ngiti ang ginawad sa akin ni Manager O.

Lumapit siya sa gawi ko at tinapik ako sa balikat.

"Thanks, Girlie. Nabalik mo sila rito." sinserong saad niya sabay turo kina Jiro at kuya na kasalukuyang nakikipagharutan kila Raf.

Isang ngiti rin ang ginawad ko sa kanya.

"Wala naman po akong ginawa. Pwede po bang maglakad-lakad muna ako sa labas?" saad ko ng bigla na namang sumagi sa isip ko ang nangyari sa mansion kanina.

"Sure. Bumalik ka rito mamayang hapunan. We celebrate. Thanks again, Girlie." pag sang-ayon ni Manager O.

Tumango ako bago tuluyang nagpaalam na aalis na.

Sa katunayan ay gusto kong magpakalayo kaya lang ay kailangan kong bumalik sa dorm bago mag-hapunan.

Naglalakad-lakad ako palabas ng dorm ngunit nasa loob pa rin ng agency village.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now