Eighteenth Mystery

58 1 0
                                    


The Young Man and His Son


Pagkagising namin ni Kuya Ram, agad kaming kumatok sa opisina ni Mother Tere. Iyon din kasi ang kinaroroonan  ng silid niya. Agad-agad niya kaming pinagbuksan.

"Mother Tere, aalis na po kami ni Kuya. Sa bahay na lang niya kami magpapalipas ng oras bago namin hanapin yung nakasagutan ni Kuya noong isang araw." magalang na pamamaalam ko kay Mother Tere pagkatapos naming batiin siya ng magandang umaga.

"Sure ba kayong ayaw ninyo rito mag-almusal? Baka gutumin kayo niya. Malayo pa naman ang bahay ni Mr. Santiago rito." may pag-aalala sa tinig na sabi ni Mother Tere.

Sabay kaming napailing ni Kuya.

"Gusto ni Tin, mag-breakfast sa Mc Do. Isa pa, abala pa po kami sa inyo. So, aalis na po kami. Salamat na lang po." magalang na pagtanggi ni Kuya Ram at talagang sinabi niya pang ako ang may gustong mag-almusal doon.

"O siya, sige na. Mag-ingat kayong dalawa ha! Dalaw uli kayo sa susunod. Isama mo na ang banda mo." sabi ni Mother Tere at hinalikan na kami ni Kuya sa noo.

"Sige po dadalaw kami ng banda ko once na naayos na po yung problema. Thank you po ulit." sabi ni  Kuya Ram at bumeso kay Mother Tere.

Ginawa ko rin ang ginawa ni Kuya bago kami tuluyang nakaalis.

Katulad ng sabi ni Kuya, nag-stop over muna kami sa drive thru ng pinakamalapit na Mc Do sa orphanage bago kami tumungo sa mansion ng mga Santiago. Maliligo't magto-tooth brush lang kami roon tapos pupuntahan na namin yung foreigner na nakilala ko sa department store noon. Gusto ko kasing makita kung blue-eyed din ang anak niyang adik sa Nutella.

Sa mansion ng mga Santiago ay sinalubong kami ni Ate Jenn ng isang yakap. Bihira na kasi kaming umuwi rito. Yes, dito rin ako tumira nung nag-high school ako. Nahihiya nga ako dahil libre lang ang pagtira ko rito ngunit sabi naman ni Tito, yung tinawag ni Mother Tere na Mr. Santiago, pakiusap daw iyon ni Kuya sa kanya at pinagbigyan niya lang.

Maya-maya pa ay nagpakita na si Tito Manuel, siya nga yung umampon kay Kuya. Nakipagbeso-beso siya sa amin .

"Anong masamang hangin at napadalaw kayo rito?" tanong ni Tito Manuel sa amin ni Kuya.

"May kukunin lang po kaming mga gamit. Tapos maliligo lang kami sandali." magalang na sabi ni Kuya at kinaladkad na ako paakyat sa mga kwarto namin dito para hindi na kami matanong pa. 

Nakita ko ngang bahagya pang naiiling-iling si Tito dahil sa inasal namin.

Ginawa ko na ang mga morning rituals ko, naligo at nagbihis ng asul na blouse at itim na pantalon tapos kinatok ko si Kuya sa kwarto niya. Agad-agad naman niya akong pinagbuksan at sabay na kaming bumaba.

Pagbaba namin ay nadatnan namin si Tito Manuel na kumakain ng breakfast. Inalok niya kami ngunit tumanggi kami bago nagpaalam na aalis na.

"Kita mong itong kambal na ito. Nakigamit lang ng tubig ko tapos aalis na! Ang tagal nating hindi nagkita't hindi pa tayo magkukwentuhan man lang. Tsk." nagtatampong sabi ni Tito Manuel.

"May dadaanan lang po kami ni Girlie tapos uuwi rin po kami agad." magalang na paliwanag ni Kuya Ram tapos niyakap-yakap si Tito Manuel para manlambing.

Hindi man sila tunay na mag-ama, masasabi kong close sila sa isa't isa. Likas kasing malambing si Kuya katulad daw ng aming ina. Kilala kasi ni Mother Tere si Mama kaya minsan niya itong naikwento sa amin.

"Sige na nga't umalis na kayo basta dito kayo mag-dinner ha!" nanghihikayat na sabi ni Tito Manuel na sinang-ayunan namin ni Kuya.


Around 11:30 ng umaga, narating namin ang isang apartment na may apat na palapag. Simple lang ang apartment at mukha na rin luma. Dito ba talaga nakatira ang foreigner na iyon? Ito kasi ang address na nakasulat sa calling card na iniwan ng lalaki. Number niya at address lang ang nakalagay at walang pangalan.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin