Twenty- Third Mystery

59 2 0
                                    


A Delicate Mission with Aries?!


Sumakay na ako ng taxi para pumunta sa Star Mall kung nasaan ang secret agency namin.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga narinig ko sa usapan nila Raf.

Isa lang ba ang Almighty na tinutukoy namin?

Kung ganon, paano nila nakilala si Almighty?

"Miss, hindi pa po ba kayo bababa? Narito na po tayo sa Star Mall." saad ni Manong taxi driver na siyang nagpagising ng kamalayan ko.

Masyado na pa lang napalalim ang pag-iisip ko.

Hinayupak naman kasi na banda iyan, napakamisteryoso nila.

"Sorry po, manong. Ito na po yung bayad ko." magalang na paghingi ko nang paumanhin at tuluyan nang bumaba sa taxi niya.

Pero bago pa man siya makaharutot, nagulat ako sa sinabi niya,

"Miss, wag mong masyadong isipin yung boyfriend mo. Kung hindi loyal sa iyo, palitan mo." sigaw pa niya.

Napatawa na lang ako.

Buti sana kung love life lang problema ko eh! Kaso mas malalim pa roon.

At least, nawala lahat nang iniisip ko dahil sa sinabing iyon ni Manong.

Good vibes tuloy akong umakyat sa opisina ni Almighty.

Nginingitian ko pa nga ang halos lahat ng agent na makakasalubong ko.

"Good mood ka, ha!" bungad sa akin ni Ali este Urania pala nang magkasalubong kami sa arriving area kung saan nag-in kaming dalawa.

"Ang kulit kasi nung manong driver na nasakyan ko." bungad ko at kinuwento ko sa kanya ang nangyari.

"Ikaw naman kasi. Ano ba naman kasi ang iniisip mo noon?" tanong niya.

I was about to answer her question nang biglang dumaan si Aries sa pagitan namin.

Nag-excuse naman siya.

Nang makita niyang ako at si Ali, este Urania nga pala ang nag-uusap ay bahagya siyang yumuko at nagbigay-galang tapos bigla siyang nagsalita.

"Muse Clio, sabay na po tayong pumunta sa opisina ni Almighty. Sasabihin na raw niya ang misyon na gagawin natin." magalang na sabi niya.

Nagpaalam muna ako kay Urania bago sumama kay Aries.

Sigurado bang si Aries ang makakasama ko sa misyon na iyon?

Hindi naman sa minamaliit ko si Aries but walang masyadong experience si Aries sa mga special mission.

Kadalasan ay stalking lang ang trabaho niya.

Lalo tuloy akong nagtataka.

Almighty knew how reckless I am. Bakit ipagkakatiwala niya ako sa isang partner na wala masyadong experience?

"Excited na ako. Anong misyon kaya ang gagawin natin nang makasama? Matagal ko na pong pinapangarap na maka-partner kayo ni Archangel Gabriel. Lodi ko kayo parehas eh!" masiglang bulalas ni Aries.

Isang simpleng ngiti lang ang iginawad ko sa kanya.

I felt nervous.

May kakaiba rito.

Maya-maya pa ay narating na namin ang opisina ni Almighty.

Tulad nang dati, prente pa ring siyang nakaupo sa swivel chair niya at marami pa ring papeles sa lamesa niya.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα