Tenth Mystery

60 2 0
                                    

Reconcilation


"Tell me, what is the meaning of this? Wasn't he the killer? Is he telling the truth? Totoo bang magagawa akong lokohin ng kauna-unahang babaeng minahal ko? Girlie, totoo ba ang lahat ng nasa video na ito?" sigaw niya that makes me break down.

Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Buti na lang at na-edit ko ang video. Tinanggal ko roon ang parte tungkol sa pagligtas sa akin ni Jiro two weeks ago. Pati yung tungkol kay Mama. Ipapapanood ko rin naman kay Kuya ang video pero hindi ngayon. I am still fragile. I don't know how should I reply kaya nagnonod lang ako.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Kuya Ram sa akin. Yakap ng isang kuya. Pinatahan niya ako at pinunasan ang mga luhang pumatak sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak pero sigurado akong dahil ito sa frustration. Dahil sa pagpigil ko sa kanila sa mga lumipas na taon.

"Sshh... Tahan na, Girlie. Hindi ko sinasadyang sigawan ka. Please, wag ka ng umiyak. You know my heart broken into smallest pieces if you cry." pagpapatahan ni Kuya sa akin at ramdam ko ang pagtulo rin ng mga luha niya.

Mahina si Kuya pagdating sa pagpapatahan sa akin. Maybe because I am his twin sister kaya nararamdaman niya kung ano ang nararamdaman ko.

Maya-maya lang ay tumigil na rin ako sa pag-iyak. Good thing at nasa trabaho pa ang tatlo at kami lang ni Kuya ang naririto kung hindi baka nakatanggap kami ng pang-aasar ni Raf.

"Iyakin ka talaga, kuya." sabi ko sa kanya.

"Alam mo namang umiiyak lang ako kapag umiiyak ka rin. So, Girlie, totoo ba ang lahat ng sinabi ni Jiro dito sa video? Saka, kailan ito kinunan?" tanong niya sa akin na nagpupunas na rin ng mga luha niya.

"Nung araw na sinabi kong may pag-uusapan kami ni Jiro tungkol iyon kay Lily. Nangako si Jiro na sasabihin niya ay pawang katotohanan lang. Isa pa, based on his reactions and heart beats, nagsasabi si Jiro ng totoo sa video na iyan. Kahit ako hindi makapaniwala na magagawa kang lokohin ni Lily. Why don't you asked Raf and Leo if you don't believe him? Kuya, kayo ang magkakabanda, dapat nagdadamayan kayo." mahinahong pagpapaliwanag ko kay Kuya Ram.

Napabuntong-hininga siya at ramdam ko ang pagdadalawang-isip niya. Sunod-sunod ang paghinga niya ng malalim.

"He might be mysterious but he can't kill anyone. Iyan ang paniniwala namin ni Leo at alam kong deep inside sa puso mo, iyan din ang pinaniniwalaan mo. Go, asked Leo and Ello about this. Mas malaki ang mawawala sa iyo kung hindi mo susubukan. Jiro can be a good friend. I do believe inside your frozen heart, he is your best friend." dugtong ko pang sabi kay Kuya Ram pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang makahulugang ngiti.

Muli ay nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan ngunit pagkalipas ng ilang sandali'y ngumiti na rin siya.

Hinalikan niya ako sa aking pisngi bago kinuha ang susi ng kotse niya na nasa side table pala ng kama ko marahil ay pinatong niya ito pagpasok niya sa kwarto. Pagkatapos ay tinulak ko siya palabas ng pintuan, sana maging maayos muna sila.

Pagkaalis ni Kuya Ram ay muli kong inaral ang mga pangalan na nakuha ko mula kay Nightmare sa sekretarya ni Mr. Lee. Tinanggal ko ang pangalan ng mga patay na palang sila Jeffrey Choi, Susan Santiago at Jonathan Jimenez.

Nabawasan man ay marami pa rin ito. Tinawagan ko si Almighty para sabihin sa kanya ang tungkol sa natuklasan kong mga pangalan na may posibilidad na pumatay sa nanay ko. Binanggit ko rin sa kanya ang dalawang pangalang pinaiimbestigahan ni Manager O ang pagkamatay. Nagbabakasakali kasi akong may maitutulong siya sa akin.

"According sa manager nila kuya, may posibilidad daw na kung sino ang nasa likod ng pagpatay nila Jeffrey Choi at Jonathan Jimenez ay siyang pumatay sa nanay ko. Almighty, can you find something about the two?" hingi ko ng tulong kay Almighty.

May narinig akong pagkabasag ng kung anuman tapos napatay ang tawag. Sinubukan ko muling tawagan si Almighty at si Agent Comet na ang sumagot.

"Sa akin mo na lang itanong kung ano yung itatanong mo. Hinimatay si Sir pagkatapos mong sabihin ang favor mo. Ano ba iyon?" tanong ni Comet sa kabilang linya.

Maasahan na tauhan si Agent Comet kaya sinabi ko sa kanya yung favor na hinihingi ko. May mahinang binulong siya sa background bago nagsalita ng malakas.

"We're sorry. We still gathers evidences regarding their murders. Ang totoo niyan nagpakalat kami ng mga agents diyan sa The Angel Entertainment para makakalap ng impormasyon. So far, ang alam namin ay kumikilos muli sila. So, Clio, I need to hang-up, aasikasuhin ko muna si Young Master este si Almighty pala. Bye." sabi niya at pinatay na ang tawag.

Nagpaalam na rin ako sa kanya at pinatay ang cellphone ko at pinatong sa side table. Humiga ako sa kama para mag-isip.

Anong mayroon sa mga binanggit kong pangalan at hinimatay si Almighty? Paano ba pinatay ang dalawang ito?

Titignan ko sanang muli ang records nang biglang may nagdoor bell. Agad kong binuksan iyon at nakita ko yung banda na magkakaabay sa isa't-isa. Nakangiti silang lahat.

"Girlie, thank you very much. Naging malinaw na sa akin ang lahat ngayon. Jiro and I are pretty much okay. Ibabaon na lang namin sa limot ang nakaraan." sabi ni Kuya Ram na nakangiti habang hinigpitan ang pag-akbay kay Jiro.

Kita sa mukha ni Jiro ang pagkairita kaya tinanggal niya ang kamay ni Kuya na nakaakbay sa kanya.

"Ano ka ba naman Nacio, nasasakal ako." iritable niyang sabi na siyang tinawanan lang ni Kuya.

"Wahhh!!!!!!! Bumalik na nga ang masungit na si Jiro!!!! YEHEY!" masayang sabi ni Raf na tinawanan lang ni Leo.

Nakatikim siya ng batok mula kay Jiro.

"Kaya Ello, humanda ka na. Papahirapan kita sa next album natin." nakangising sabi ni Jiro na siyang kinasimangot ni Ello.

"Bad Jiro! Nacio, awayin mo nga uli iyan." tila batang saad ni Ello.

"Doon ka magpatulong kay Leo. Kayo naman magkakampi diba!" sabi ni Kuya Ram na siyang lalong napasimangot kay Raf.

Lumapit nga si Raf kay Leo pero tinutulak siya palayo ni Leo.

Napangiti ako. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong ganito kasaya ang banda. Walang pader na naghaharang sa kanila.

"Thank you, Girlie. Binalik mo sa dati ang AiD. Dahil diyan, gusto kong samahan mo sila sa shooting ng bago nilang music video bukas. Experience the excitement with them." bulong sa akin ni Manager O na hindi ko namalayan na kasama pala nilang pumasok.

Tinapik niya ang balikat ko bago lumakad palayo sa akin.

"AiD, maagang gumising bukas. Dapat 4:30 pa lang nasa byahe na kayo. May shooting kayo ng music video ninyo para sa bago ninyong album. Behave. Si Girlie lang ang makakasama ninyo roon." sigaw ni Manager O bago lumabas ng pintuan.

Sabay-sabay na nag- yehey ang apat.

"Yes, hindi natin kasama yung alaga nating unggoy." sabi ni Raf.

"Tama ka nga diyan, Ello. Salamin ko pa ang dala natin." patol ni kuya.

Sumang-ayon lang ang dalawa.

"Tsk. Tsk. Tsk. Hindi na talaga nagbago. Girlie, ikaw na ang bahala sa mga iyan. Makukulit iyan." sabi ni Manager O at lumabas na ng tuluyan.

Mukhang magiging masaya ito ha! Baka may malaman akong mahalagang detalye tungkol sa banda. Nakaka-excite.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now