Fourteenth Mystery

56 2 0
                                    

His Offer

Kinabukasan, nagising ako na nakayakap kay...

JIRO?????

What the????

Anong nangyari????

Agad-agad kong ginising si Jiro. Mukhang ang sarap ng tulog ng bokalista. Paano ko kaya ito gigisingin? Saka anong ginawa niya sa akin?

Pagkatapos niya akong aluin ng umiyak ako pagkahuli kay Hector ay hindi ko na matandaan ang nangyari. May nangyari ba pagkatapos nun?

Sinuri ko ang sarili ko. Suot ko pa rin naman yung damit ko kahapon ng muntik na akong mahalikan ni Hector kaso hindi ako naka-wig. I beat hindi na rin ako naka-contacts.

Inabot ko ang cellphone ko sa may side table sa kama. Agad kong tinignan ang sarili ko.

Shoot! Naka-contact lense pa ako. Namumula na tuloy ang mata ko.

Anong gagawin ko?

Si Jiro... tama, baka matulungan ako ni Jiro.

Niyugyog ko si Jiro para magising. Nangawit na ako sa kayuyugyog ay malalim pa rin ang tulog ng lalaki. Paano pa ba gumising ng taong ang lalim ng tulog?

Uhmmm... Isip... Isip....

AHA!

Kumuha ako ng isang bottle of water sa ref. Napakalamig ng libreng tubig sa hotel. Siguro naman magigising si Jiro rito.

Ininuman ko muna yung bottled water bago ibinuhos sa natutulog na si Jiro ang laman nun. Tila 'ata manhid ang lalaking ito dahil hindi man lang nagising. Nagtaklob lang ng kumot. Lihim akong napatawa. Siya kaya yung malamig kaya siya giniginaw.

Isip pa, Girlie...

AHA!

Pinalo ko ang kanyang braso ng pagkalakas-lakas. Nakita ko ang bahagyang pag-aray niya ngunit muling dumiretso sa pagtulog.

Bwisit!

Tanggalin ko na lang kaya itong contact lense.

Hinanap ko na lang ang eye drop para hindi ma-infection ang mata ko at ang lalagyan ng contact lense.

Humarap sa salamin at viola! Natanggal ko na ang contact lense kaya lang medyo namumula talaga ang mata ko.

Nakatulog 'ata ako ng naka-contacts eh!

Dahil sa natanggal ko na ang contact lense ay hindi ko na tinangkang gisingin pa si Jiro. Bwisit, mas mahirap pang gisingin ang isang iyon kay Kuya Ram eh!

Makapagluto na nga lang ng almusal.

Tinignan ko ang laman ng ref. Puro tubig lang ito at ilang soft drinks. Sumunod kong tinignan ang cabinets sa mini kitchen. Wala itong laman maliban sa mga paper plates at plastic cups. Mukhang para talaga ito sa bonding area. Makapag-shopping na nga lang.

Lumabas na ako sa kwarto dala ang key card, cellphone at wallet ko. Sumakay ako ng elevator papuntang second floor. Sa second floor kasi ng hotel na ito ay may department store na pwede mong pagbilhan ng mga necessities mo sa hotel. Pinindot ko na ang second. Isasara ko na sana iyon ng may tumakbong isang lalaki palapit sa elevator.

"Miss, huwag mo munang isara. Sasakay ako." pakiusap niya.

Hinintay ko siyang makapasok bago ko tuluyang sinarado ang pintuan ng elevator.

"Saang floor ka bababa?" feeling close na tanong niya.

Siguro sinisigurado lang niya na makakarating siya sa floor na pupuntahan niya.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now