Thirty Eighth Mystery

39 0 0
                                    


Concert in Cherub Foundation


Girlie Justine


After that day ay tinotoo ni Jiro ang sinabi niya.

Hindi siya umuuwi sa dorm at nakikita lang namin siya sa rehearsal.

Nag-aalala na silang lahat ngunit sinasabi ko sa kanilang kailangan lang ng tatay niya si Jiro kaya siya sa bahay nila tumutuloy.

I don't want to spoil them the details dahil paniguradong katulad ko ay mag-aalala din sila. Sapat na ako na lang.

Sa ngayon ay naririto kami sa Cherub Foundation at tumutulong kami sa paghahanda para sa event mamayang gabi which is ang concert ng AiD.

"Thanks, Girlie, for bringing the band here. Matutuwa ang mga bata kapag napanood nila silang mag-peperform live." taos-pusong saad ni Sister Tere.

"Walang anuman po iyon. Dapat nga po ay kay Greg po kayo magpasalamat. Siya naman po talaga ang naka-isip na pag-perform-in ang banda." nahihiya kong saad sabay abot ng banderitas na hawak ko kay Greg.

"Ako nga nakaisip pero kung hindi mo sila kinausap, eh, no effect din ang action ko." saad ni Greg habang sinasabit ang banderitas sa may bubong ng bahay.

"Pero ako talaga ang dapat mong pasalamatan, sister. Kung hindi ako umoo as their behalf, Hindi magiging posible ito." pagsali ni Kuya Ram sa usapan sabay abot sa akin ng banderitas na ginagawa nila.

Si Kuya at Raf ang naglalagay ng banderitas sa may alambre at ipapasa nila sa akin para iaabot ko kay Greg na inaalalayan ko.

Si Leo at Jiro naman ang siyang gumagawa ng banderitas.

Halata sa mga banderitas nila ang pagiging perfectionist ng dalawa.

Hindi na ako magtataka kung magkakasukat talaga ang bawat triangle nito.

Nagsitawanan kami sa binanggit ni kuya.

I love how this day started. Napakasaya.

Nag-joke pa si Raf pagkatapos nun na siyang nakapapawi ng pagod namin sa pagsabit ng mga banderitas.

We are laughing out loud when suddenly my eyes caught Jiro's.

Masaya ang tawa nito ngunit kita mong nalulungkot ang mga mata niya.

Sa aming lahat, si Jiro ang pinakamagaling magpanggap ngunit simula ng mahuli ko ang ugali niya ay nahuli ko na rin ang mga pagpapanggap niya.

"Anyways, Jiro, kailan ka uuwi sa dorm natin? Gusto ko nang matikman ang cookies mo eh." biglang hirit ni Raf.

"Talaga, idol! Magaling kang gumawa ng cookies? Sabihin mo lang kung kailan ka pupunta sa dorm at dadalaw ako roon para kahit isang beses lang matikman ko ang cookies mo." ganti pa ni Greg na patuloy pa rin sa pagsabit ng mga banderitas.

Nabalot ng katahimikan ang lugar na iyon. Isang nakabibinging katahimikan na may hatid na kalungkutan.

Alam ko ang dahilan... Pakiramdam ni Jiro ay matatagalan ang pagbalik niya.

"Some other time patitikimin ko ulit kayo." ani na lang niya at binigyan kami ng isang pekeng ngiti.

Ang ngiting dala ni Jiro sa harap ng camera.

"Is everything ready?" tanong ni Sister Tere sa lahat ng staffs niya.

The hour of the concert comes.

Tila nasa langit ka na kapag tumuntong ka sa stage.

Ang background niya ay isang wallpaper ng cloudy day na may rainbow pa.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now