Thirteenth Mystery

61 2 0
                                    

The Stalkers' Obssession


Kasalukuyan akong nasa kotse ni Jiro.  Hindi ito ang typical na kotse na ginagamit niya pero nakita ko na ito one time na nakapark sa agency. Yes, kasama ko si Jiro at papunta kami sa hotel kung saan daw naglalagi yung stalker according sa files na pinadala ni Almighty via email. Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya kasama sa misyon eh kanina lang ay pinag-aawayan namin ito, iyon ay dahil sa text ni Almighty.

~~~~~~
I picked up my phone in my pocket na siyang nagtanggal ng eye contact namin ni Jiro. I thought everything will be alright kaya lang napaluhod ako ng mabasa ko ang mensaheng pinadala ni Almighty. 

Paano niya nalaman at bakit siya pumayag? The message is this.

Sender: Almighty
Bring Jiro with you. He might help you.

Binasa ko ng paulit-ulit baka sakaling iba lang yung pagkatingin ko pero hindi nagbabago ang nakasulat.

"Hey, Clio. Are you okay?" halatang concern na tanong ni Jiro.

"Yes. Uhmm... I don't know why he messaged that pero sino naman ako para hindi sumunod. Jiro, come with me. Sabi ni Almighty isama na raw kita." sabi ko sa kanya.

Nakangisi siyang umakbay sa akin at bumaba kami sa rooftop. Kumain lang saglit ng pancake na niluto ng manager nila at pumunta na sa parking area para kunin ang kotse niya.

~~~~~~

"Clio, remember, the stalker likes a British blonde lady with gray eyes. Ayusin mo yung British accent mo." paalala ni Jiro na tila master siya sa paggawa ng mga misyon.

Nagnod na lang ako.

Kanina kasi pag review namin sa information tungkol sa stalker na ito ay sinabi niya ang planong ipapain daw niya ako. Huhulihin raw namin siya using me as a bait. Ang considerate niya diba! Ipahamak ba naman ako!

"Sure ka bang kaya mo? Wag kang papalpak." utos muli niya.

Napa-tss na lang ako.  I am really wondering kung ano ba ang alam ni Jiro sa mga ganito. Para kasing alam na alam niya ang mga gagawin. Pati nga pagpili ng mga equipments na gagamitin, alam niya eh!

Maya-maya pa ay huminto kami sa isang mall.

"Sure ka talagang kaya mo?" tanong muli ni Jiro pagkatapos naming bumaba sa kotse niya at maipark ito sa parking ng mall.

Hindi gentleman si Jiro kaya wag ninyong isipin na pinagbukas niya ako ng pinto.

"Oo nga. Bakit ba ang kulit mo? Wala ka bang tiwala sa akin. Isa pa, kung hindi ako ang gagawa, sino? Ikaw? Kaya mo bang magpanggap na babae? Isa pa, misyon ko ito at ako ang agent dito." medyo iritable kong sabi.

"I trust you but I can't trust the stalker. Nakita ko na kung paano ka maging careless, Clio. Last time na ginawa mo yun, maraming dugo ang nawala sa iyo at muntik mo ng ikamatay. I am just want to secure your safety." sabi niya bago naglakad papasok sa mall.

Tss, mang-iiwan ang isang ito.  Makapasok na nga lang sa mall.

Dalawang oras ang tinagal namin sa mall para makabili ng mga pang-disguise namin. Yes, namin. Since Jiro wants to secure my safety, pati rin siya magpapanggap na girl. Magpapanggap kaming mag-besty na British. Mag-checheck in the iisang hotel room at babanggain ang stalker na isang Pinoy.

Ang pinoy na stalker ay may pangalang Hector De Vega. Kilala rin daw ito na paparazzi ng mga international na artista. Lumaki raw sa London at pinapangarap na makapag-asawa ng isang pure British. Bina black mail ang mga kakilalang mga blonde para makipag-make out sa kanya.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now