Fourth Mystery

131 3 0
                                    

The Side of Him that I See

GIRLIE JUSTINE SAMALCA

Malungkot akong lumabas ng arena. Nakakainis! Bakit sa dinami-rami ng tao sa agency ang pinakahuling taong dapat makaalam ng sikreto ko ang siyang nakabuking sa akin. This is unfair.

"Girlie, wait." tawag sa akin ni Jiro.

Wag kang lilingon, Girlie. Wag na wag. Ngunit kahit anong pigil ko sa paglingon ay nalingon ko siya dahil hinarap na pala niya ako sa kanya.

"I will not tell the secret of yours. I'll assure you." sincere na sabi niya sa akin. Sa pagkakasabi niya ng mga katagang iyon ay lalo umamo ang mukha niya.

Bakit kasi nagsusuplado ang isang ito eh hindi naman bagay sa mukha niya?

"Hey! What can I do for me to be forgiven by you?" tanong pa niya habang iniisnap ang daliri niya sa akin.

Natutulala na naman ba ako?

"Hey! Girlie. Am I still talking to you?" tanong niyang muli na siyang bumalik sa kamalayan ko.

"Do you really make anything just for you to be forgiven?" bungad kong tanong ng bumalik ang kamalayan ko.

"Yes. I can do anything except from being the slave of yours." sabi niya sa boses niya na ngayon ko lang narinig.

Ang galing pala niyang magbago ng boses no! I wonder what was his real voice.

"Make you a slave? What a cliché dare. I just want you to answer my questions with honesty. But before that do you understand Filipino?" sambit ko na siyang kinatawa niya.

When he laughs, my heart skips a beat. Bakit kasi nakakaturn-on ang tawa niya?

"I can write a song in Filipino language. I can speak in Filipino language. So, I can understand the language too." proud niyang sabi.

Kinutusan ko siya. Walang hiya itong Hapon na ito... Pinahirapan akong mag-english!

"Para saan yung kutos na yun?" straight na sabi niya na wala man lang ka-slang slang.

Walang hiya talaga! Expert nga siya.

"Para sa pagkukumbinsi sa poor kung utak na English-speaking ka at hindi nakakaintindi ng Filipino." sagot ko na tinawanan lang niya.

My heart skips a beat again. Maya-maya, hinatak ni Jiro ang wrist ko at ako naman ay nagpakaladkad lang sa kanya.

Dinala niya ako sa isang restaurant. Mukhang nagutom ang isang ito at gustong kumain.

"Mamaya mo na ako tanungin. Let's eat first." sabi niya at umorder na.

Pagkatapos niyang umorder, pumuwesto kami sa pinakasulok para walang makakilala sa kanya. Alam ninyo na, sikat.

"Go. Ask me anything." sabi niya pagkarating na pagkarating ng order namin.

Bigla atang umurong ang dila ko ng makita ko kung gaano siya ka firm kumain. Bigla kong naalala na ayaw ni Kuya kay Raf dahil sa wala raw itong table manners. Si Jiro meron.. Teka, anong connect nun?

"Spacing out again? Bahala ka kapag ako na bad trip, wala na akong pakielam kung hindi mo ako patawarin, Clio." sambit niya at ngumisi.

Bwisit! Bakit sa public place niya yun sinabi?

"Don't call me, Clio. Oo na, magtatanong na ako." sabi ko sa kanya na lalo niyang ikinangisi.

Gusto niya akong iniinis. Bumuntong-hininga muna ako bago ibigay ang katanungan ko sa kanya.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon