Forty Fourth Mystery

41 0 0
                                    



Jiro's Last Will


Girlie Justine


Pagkatapos lang ng live coverage ng lamay ni Jiro ay nagpaalam ako kay Mr. Takashi na pupunta lamang ako sa dorm para magpalit ng damit.

Tinanong ko rin ang banda kung may ipapakuha sila sa akin at sinabi nilang wala naman.

Nang paalis na ako ay hinarang ako ni Kuya at sinabing ihahatid niya raw ako sa dorm na siyang sinang-ayunan ko na lang dahil wala naman akong lakas para makipagtalo.

Ang makita ang taong minamahal mo na nasa urn na at mga abo na lamang ay nakapanghihina.

Hinihingop ng kalungkutan ang lahat ng iyong kalakasan hanggang ito na lang ang magwagi.

"Ano bang kukunin mo sa dorm at pinili mong umalis sa funeral, Girlie?" tanong sa akin ni Kuya na kasalukuyan ay nagda-drive patungong dorm.

"Kukuha nga ako ng damit, kuya." sagot ko.

"Yun nga lang ba, Girlie? May naiwan ka bang importanteng dokumento sa dorm? Sumagot ka." tanong ni Kuya.

Napasimangot ako sa sinabi niya.

Ang bilis niyang mahulaan ang mga rason sa bawat kilos ko.

Sabagay, we're twins. Minsan nga ay iisa lang ang iniisip namin.

"So, ano ang kukunin mo sa dorm maliban sa mga damit?" tanong ni Kuya ng mapansin niyang hindi na ako sumagot.

"Mga bagay na iniwan ni Jiro sa akin. Baka...baka may clue doon kung paano natin siya mahahanap." nakayuko kong saad.

Nakapanghihina pa rin na pag-usapan si Jiro. Siguro ay dahil bago pa lang ang sakit. Mawawala kaya ito?

"Mga bagay na iniwan si Jiro? You mean, Jiro knew that someday he disappeared and he asked us to find him." bakas ang pagtataka sa tanong ni Kuya.

Tumango ako na nakayuko pa rin.

Somehow, I can't face my brother. I don't want him to see me weak.

Naramdaman ko ang paghawak ni Kuya sa baba ko at tinaas niya ang ulo ko.

Doon ko nakita ang signature smile ng isang Nacio Santiago. It was the same smile that captured his fans' heart pero dahil kambal kami alam ko na may lihim na kalungkutan ang mga ngiting iyon.

"Girlie, smile. Hindi magpapakita si Jiro sa iyo nang hindi ka nakangiti. Huwag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Tutulungan kita, or should I say namin, na mahanap si Jiro. So, let me, or rather let us, join the burden with you. Two is better than one right! Eh, yung apat na ulo pa kaya." pagpapanatag ni Kuya ng loob ko.

From there, I realized na oo nga pala, hindi lang ako ang umaasa at naniniwalang buhay si Jiro.

Nandyan din pala ang banda niya. Matutulungan nila ako.

"Thanks, Kuya Ram. Thank you. Bilisan na nating pumunta sa dorm para malaman na natin kung anong gustong mangyari ni Jiro." ani ko kay Kuya at ngumiti na rin.

He smiled back at nagmaneho na ulit.

Pula pala ang stop light kanina kaya kami huminto.

Pagkalipas ng ilang minutong byahe na medyo Hindi kami na-traffic ay narating na namin ang dorm.

Si Kuya Ram ang nagbukas ng pintuan nito dahil naiwanan ko pala sa funeral house ang bag ko sa kamamadali kong umalis.

Pagpasok namin sa dorm ay pinakiusapan ako ni Kuya na maligo muna at ganoon din ang gagawin niya.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now